Tony Labrusca insists he and Julia Barretto are just friends

Dec 20, 2019
Tony Labrusca on possibly falling for Julia Barretto while doing their iWant series I AM U: “I would love to be friends with her.”
PHOTO/S: Noel Orsal, @juliabarretto on Instagram

Para kay Tony Labrusca, hanggang “friends” lang sila ni Julia Barretto.

Magbibida sina Tony, 24, at Julia, 22, sa ipalalabas na iWant series na I AM U, kung saan gaganap silang magkarelasyon.

Sa guesting ni Tony sa Tonight With Boy Abunda nitong Miyerkules, December 18, nilinaw ng aktor na bagamat hindi masasabing close na sila ni Julia, interesado siyang maging kaibigan ang young actress.

Inusisa ng host na si Boy Abunda ang kasalukuyang estado ng relationship nina Tony at Julia.

“I wouldn’t say that me and Julia are, like, super close,” pag-amin ni Tony.

Pero idinagdag niya, “I would love to be friends with her.”

Nang tanungin ni Boy kung may “possibilities” bang mauwi sa relasyon ang pagkakamabutihan nila, natatawang sumagot ang aktor.

“Let’s not get ahead of ourselves!” ani Tony.

Sa buong panayam, iniwasan ng bida ng Glorious na mabahiran ng malisya ang unang pagtatambal nila ni Julia.

Gayunman, may isang bagay na siniguro si Tony kay Boy.

Continue reading below ↓

“One day, the day she gets married, the man that she marries will be a very lucky man,” ani Tony.

2019: A YEAR OF CONTROVERSIES FOR TONY, JULIA

Sa parehong interview, nabanggit ni Boy na parehong napagitna sa kontrobersiya sina Tony at Julia ngayong 2019.

January ngayong taon nang mag-viral ang video ni Tony habang inaaway ang isang tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

July naman nang masangkot si Julia sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Pagsapit ng Oktubre, nadawit din ang pangalan ni Julia sa alitan ng kanyang ina, si Marjorie Barretto, sa mga kapatid nitong sina Gretchen at Claudine Barretto.

Pero para kay Tony, walang anumang kontrobersiya ang makapipigil sa mga biyayang inilaan para sa isang tao.

Paliwanag ni Tony: “Kung para sa ‘yo, para sa ‘yo talaga.

“Not a single thing, person, no energy on this Earth can’t take away what’s meant to be yours.

Continue reading below ↓

“So no matter what controversy happens to you, if you know that in your heart you have no ill will, no ill intentions, whatever God’s plan for you, all the good things, will still go to you.”

JULIA INSPIRES TONY

Idinepensa rin ni Tony si Julia kaugnay ng magkasunod na kontrobersiyang kinasangkutan nito.

“I feel for Julia,” seryosong sabi ni Tony.

“I think people forget that me and her are just people. Just like everybody else.

“I mean, meron din kaming feelings, minsan umiiyak din, minsan masaya.

"I mean, we’re just normal human beings."

Kuwento ni Tony, kinumusta niya si Julia ilang linggo makaraang pumutok ang isyu sa alitan ng magkakapatid na Barretto.

“Nung nakita ko siya, I kinda took time.

“I wanted to be—in a most respectful way—tinatanong ko siya… how is she, how is she coping with everything?” ani Tony.

Ayon sa aktor, ang pananampalataya ni Julia ang kinakapitan ng aktres sa mga panahong nahaharap ito sa mga pagsubok.

Continue reading below ↓

“She always goes back to God,” sabi ni Tony.

Inamin din ng aktor na nai-inspire siya sa matinding pagmamahal ni Julia sa pamilya nito.

“I can honestly say that I’m so inspired by her stories about her family.

“Na-inspire talaga ako sa love niya para sa pamilya niya.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tony Labrusca on possibly falling for Julia Barretto while doing their iWant series I AM U: “I would love to be friends with her.”
PHOTO/S: Noel Orsal, @juliabarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results