Maine Mendoza, Arjo Atayde celebrate first anniversary

Dec 21, 2019
Arjo Atayde to Maine Mendoza on their first anniversary: "Thank you for everything, babs. Happy first anniversary!!!"
PHOTO/S: @mainedcm / @arjoatayde on Instagram

Lalong tumamis ang Kapaskuhan ni Maine Mendoza at Arjo Atayde dahil nitong Sabado, December 21, 2019 ay ipinagdiwang nila ang kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan.

Ibinahagi ito ni Maine sa kaniyang Instagram post na may caption: "Happy first [heart emoji]."

Sinagot ni Arjo ang pagbati ng kanyang girlfriend sa comments section ng, "I'm crying... I love you [heart emoji]."

Continue reading below ↓

Ito ay lubos na kinatuwa ng kanilang mga taga-suporta at mga kaibigan, kabilang na ang nakababatang kapatid ni Arjo na si Ria Atayde.

"My hearttt [teary eyes emoji]. Happy anniversary, love birds! Loffyu both [yellow heart emoji]," kanyang bati sa comments section ng post ni Maine.

Pagkatapos mag-upload ni Maine ng kanyang pagbati ay nag-post din si Arjo ng isang matamis na mensahe para sa kanyang "babs" sa sariling Instagram account.

Caption niya: "Thank you for everything, babs. Happy first anniversary!!! I love you [heart emoji]."

Continue reading below ↓

MAINE-ARJO LOVE STORY

Galing man sa magkaibang network, patuloy na pinatutunayan ng Kapuso star na si Maine at Kapamilya actor na si Arjo ang kasabihang, "Love knows no boundaries."

Una silang nagkatrabaho noong 2018 para sa Metro Manila Film Fest entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles kasama sina Coco Martin at Vic Sotto.

October 11, 2018 noong sila ay unang nakitang magka-date sa isang restaurant sa Makati.

Bagama't hindi pa nila inaamin ang estado ng kanilang relasyon noon, may ilang netizens na rin ang nakakita sa kanilang dalawa na magkasama sa ilang parties sa Makati at Bonifacio Global City.

January 22, 2019 noong inamin ni Arjo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng press na sila ay "exclusively dating."

March 2, 2019 nang tuluyang inamin ni Maine sa publiko na nagde-date sila ni Arjo.

Ibinahagi niya ito sa kaniyang Instagram account na may caption na, "Again, without waiting any longer, here's the statement and confirmation you have been waiting for: It's true, I am dating Arjo."

Continue reading below ↓

Sabi rin niya, "I know, I have been reading tweets from my supporters and I am well aware that majority of them are not in favor of him - of anyone, actually.

"And I understand the sentiments of some because of the 'loveteam culture' here in the Philippines."

Dito, kanya ring dinepensahan ang tunay niyang nararamdaman sa kanyang boyfriend:

"You might be waiting for an explanation as to why I chose him. Excuse me for saying this but... why not?"

Dagdag niya, "I wouldn't deny that our friendship is growing deeper with time.

"He always goes out of his way to make me extra happy and actually puts in effort in everything he does.

"I appreciate everything he does for me and I am happy that I get to experience such wonderful things."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arjo Atayde to Maine Mendoza on their first anniversary: "Thank you for everything, babs. Happy first anniversary!!!"
PHOTO/S: @mainedcm / @arjoatayde on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results