Pokwang cites importance of reinventing her comic craft

by Rommel Gonzales
Dec 21, 2019
Pokwang on the need to constantly hone her comic craft: "Kailangan mo talagang mag-evolve din, kasi kung hindi, maiiwan ka.”
PHOTO/S: @pornstat_roviel on Instagram

Bilang isang komedyante, paano nag-a-adjust si Pokwang sa pagbabago sa style o pamamaraan ng comedy o pagpapatawa sa Pilipinas?

Saad niya, “Kailangan, e. Kailangan siyempre ngayon dahil yung mga millennials...

"Kailangan sasabay ka sa kung ano yung uso, di ba?

"Kailangan mo talagang mag-evolve din, kasi kung hindi, maiiwan ka.”

Dumating ba si Pokwang sa punto na feeling niya ay hindi na siya nakakatawa?

Lahad niya, “Hindi pa naman, pero hindi sa nagyayabang ha...

"Kasi ako, tinatantiya ko yung audience ko.

"Pag ganitong era, may comedy ako para dun. Pag mga medyo bata-bata pa, meron din ako para sa kanila. Pag mayayaman, may kiyeme. Ganun.”

Nararamdaman din ba niya ang sinabi ni Vice Ganda na kapag comedian minsan ay tila minamaliit?

Mabilis niyang pagsang-ayon, “Yes, oo.

"Yung minsan na parang may mga nangyayari minsan sa mga shows abroad or ano, parang, ‘Ha? Dito lang talaga kami naka-ano?’

“Pero pinagdadasal ko na lang na, ‘Sige, okay lang ‘yan, basta bigyan Ninyo na lang po ako ng powers and lakas na makapagpasaya sa kanila.’

Continue reading below ↓

“Iyon na lang yun, di ba? Ganun talaga, pero dumarating talaga yung mga ganung panahon.

"Itawa mo na lang, huwag kang papaapekto, kasi haharap ka sa kanila para patawanin mo sila. So pag nag-reflect sa mukha mo yun, di ba, wala na, apektado ka.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pokwang sa grand mediacon ng pelikulang Mission Unstapabol: The Don Identity sa CCA Cravings sa Katipunan noong Biyernes, December 13.

Bukod kay Pokwang, bida rito sina Vic Sotto, Maine Mendoza, Jake Cuenca, Wally Bayola at Jose Manalo.

Pangalawang beses na ito na nakasama ni Pokwang si Vic. Ang pelikulang una nilang pinagsamahan ay ang Pak! Pak! My Dr. Kwak! noong 2011.

WORKING WITH VIC AGAIN

Ano ang kaibahan ngayong muli silang nagsama ni Vic sa isang movie project?

Pagpuri niya, “Si Bossing parang ano e, alam mo na ganun pa rin siya ka-warm.

"Yung first day ng shooting namin nito, talagang naka-ano agad siya... talagang sasalubungin ka niya agad.

Continue reading below ↓

“Ganun din yung first shooting day ko nung first movie namin. Walang nagbago, ganun pa rin kainit yung pagtanggap niya.”

Ano ang pinakamagandang ugali ni Vic na na-observe niya?

Patuloy niya, “Ano kasi siya… generous talaga siya.

"Tsaka talagang mine-make sure niya na lahat kami yung maaga kaming matatapos, kasi naiiintidihan niya rin na…

"And of course, siyempre excited din siyang umuwi kay Tali [anak nina Vic at Pauleen Luna], kaya si Bossing pag ano, talagang gusto rin niya maaga kaming matatapos, nakakatuwa din naman.”

Magpu-promote ba sila ni Jake sa Eat Bulaga bilang Kapamilya stars sila?

Lahad niya, “Hindi puwede, sad to say.”

HUBBY GOES FULL BLAST WITH SHOWBIZ CAREER

Ano naman ang pakiramdam na pareho sila ng mister niyang si Lee O’ Brian na nag-aartista?

Kasama naman si Lee sa cast ng pelikulang Culion, na tulad ng Mission Unstapabol: The Don Identity ay entry ngayong Pasko sa Metro Manila Film Festival.

Continue reading below ↓

“Masaya, masaya, kasi pareho kaming may mga blessings.”

Ano ang feeling na magkatapat sila ng mister niya sa film fest?

Aniya, “Okay lang, suportahan.”

Paano nila ito pinag-uusapan?

Paglinaw niya, “Magkaiba naman kasi ang inu-offer ng movies namin, e. Isang action-comedy, 'tapos isa namang historical.

"Excited siya for my movie with Bossing, kasi siyempre ano din ‘yan e, fan din ni Bossing ‘yan, e.

"And excited siya din na pareho kaming may trabaho.

“Busy kami, di ba?”

Humingi ba si Lee ng advice o tips bilang una si Pokwang na nag-artista?

Tugon niya, “Sa sistema ng trabaho, yeah.”

Anong in-advice niya kay Lee?

“Siyempre kasi iba yung ano ng Pilipino, di ba?

"Parang kami… dapat matuto kang mag-adjust, kasi sa inyo pag sinabing ganitong oras, ganitong oras talaga.

"Siyempre dito, minsan may mga delay tayong nangyayari. So be patient, yun lang,” pagtukoy ni Pokwang sa paiba-ibang schedule ng mga shootings.

Continue reading below ↓

Mabuti at nasasakyan ni Lee, na isang Amerikano, ang ganoong sistema?

Pagmamalaki niya, “Oo, na-aano niya talaga yun.

"Sabi ko, ‘Iba kasi sa inyo. Sa inyo may unyon kayo, kami dito walang kaming ganun-ganun, so kailangan mong um-adjust.’”

Gusto na raw talaga ni Lee na mag-showbiz?

Saad niya, “Oo, ‘yun naman talaga…

"Di ba nagkakilala kami talaga sa pelikula.”

Si Ogie Diaz ang manager ni Lee, habang ang Star Magic naman ang namamahala sa career ni Pokwang.

Si Malia na anak nila ni Lee, sino ang magiging manager kapag nag-artista?

Hirit ni Pokwang, “Si Malia, ako manager nun! Hahaha!”

Anong Christmas celebration nila?

Aniya, “Ano lang, typical na kiyeme, so busy hanggang 23 dahil nga may bazaar kami, so 24 yun na yun, dun na ko magluluto.”

Sa float pareho silang sasakay sa MMFF parade?

Sabi niya, “Ako kasi nakatoka sa pagkain sa float, so sabi ko sa kanya dadalhan kita ng pagkain dun, with his co-stars.”

Continue reading below ↓

Si Malia saan sasakay?

Biro niya, “Sa crib… choz! Hahaha!”

Hindi ba nagkaroon ng kahit anong effort na payagan silang mag-promote sa Eat Bulaga?

“Bawal talaga,” diin niya.

Pero given the chance okay lang sa kanya?

Asam niya, “Sana, para magkatulungan lang sana sa pag-promo ng pelikula, pampa-ingay din naman kasi yun e, di ba?”

NOT WORRIED ABOUT BOX-OFFICE RANKINGS

Dahil tatlo silang magkakatunggaling comedy films na MMFF 2019 entries, kinakabahan ba siya?

Ani Pokwang, “Oo naman.

"Pero kagaya nga ng sinabi ni Bossing, at the end of the day, yung mas marami, mas marami kang mapapasaya, di ba?”

Pareho rin ba sila ni Vic na hindi importante sa kanya kung 1st, 2nd or 3rd ang ranking sa box-office?

Pahayag niya, “Oo, basta marami kang napangiti okay na yun, di ba?

“Yun ang importante, yung spirit of Christmas, lalo na yung pamilya, yung mga bata, di ba?

“Kasi pang-family talaga yung mga pelikula ngayon.”

Continue reading below ↓

Malaki ba ang talent fee niya sa Mission Unstapabol: The Don Identity?

Hirit niya, “Huy, tama lang! Hahaha! Tamang-tama lang, nakakaluwag-luwag. Hahaha!”

Ang Mission Unstapabol: The Don Identity ay sa direksyon ni Mike Tuviera at mula sa M-Zet Productions, at APT Entertainment, Inc.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang on the need to constantly hone her comic craft: "Kailangan mo talagang mag-evolve din, kasi kung hindi, maiiwan ka.”
PHOTO/S: @pornstat_roviel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results