Is this Janine Gutierrez's reaction to negative comments about her Bong Revilla tweet?

by James Patrick Anarcon
Dec 22, 2019
Janine Gutierrez seems to be unfazed by negative comments about her. She tweeted yesterday, December 21, "So happy I get to work with amazing people and so happy that this year I've finally learned to say yes to only projects I really like and believe in - no matter what other people say as it should be with everything else in life."
PHOTO/S: @janinegutierrez on Instagram

Tila hindi apektado ang GMA-7 actress na si Janine Gutierrez laban sa mga negative comments na kanyang natanggap pagkatapos ng kanyang kontrobersyal na tweet tungkol sa pagbabalik-telebisyon ni Bong Revilla.

Ito ay kung pagbabasehan ang tweet niya kahapon, December 21, o tatlong araw pagkatapos ng kanyang pinag-uusapang tweet tungkol sa bagong palabas ni Bong na Agimat ng Agila.

Noong December 18, ini-retweet ni Janine ang post ng GMA-7 at sinabi niya sa caption, "Oh God."

Umani ang tweet ni Janine ng sari-saring reaksyon. May mga ilang celebrities na nagpahayag ng suporta sa kanya tulad nina Jim Paredes, Juan Miguel Severo, Mikoy Morales, at Frankie Pangilinan.

Subalit mayroon ding hindi nagustuhan ang opinyong ito ni Janine, kabilang na ang manager ni Bong Revilla na si Lolit Solis, na nag-post ng kanyang opinyon sa Instagram.

Nauna na ring ipinagtanggol si Janine ng kanyang ina na si Lotlot de Leon at lolang si Sandy Andolong.

Continue reading below ↓

Kahapon, December 21, o tatlong araw matapos ang kontrobersyal niyang tweet ay muling nagparamdam si Janine sa kanyang Twitter followers.

Hindi man direktang binanggit ni Janine ang isyu, sinabi niyang masaya siya na natutunan na niyang mamili ng proyektong pinaniniwalaan niya, kahit ano pa ang maging opinyon ng ibang tao tungkol sa kanya.

Saad ni Janine sa kanyang tweet (published as is): "officially done with work for the year! so happy I get to work with amazing people and so happy that this year I've finally learned to say yes to only projects I really like and believe in - no matter what other people say

"as it should be with everything else in life XX"

Continue reading below ↓

Pagkatapos nito ay nag-reply siya sa sarili niyang tweet na tila pahabol na mensahe sa kanyang mga followers.

Sabi lang ni Janine, "PS THANK YOU [heart emoji]"

Marami naman sa followers ni Janine ang nag-reply sa kanyang tweet at nagpahayag ng suporta sa kanya.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez seems to be unfazed by negative comments about her. She tweeted yesterday, December 21, "So happy I get to work with amazing people and so happy that this year I've finally learned to say yes to only projects I really like and believe in - no matter what other people say as it should be with everything else in life."
PHOTO/S: @janinegutierrez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results