Rufa Mae Quinto posts lengthy Christmas message for daughter Alexandria Athena

by Ruel J. Mendoza
Dec 22, 2019
Rufa Mae Quinto's happiness is seeing her daughter Alexandria Athena bonding with husband Trevor Magallanes.
PHOTO/S: @rufamequinto, Instagram

Simula nang ipinanganak ni Rufa Mae Quinto ang anak nila ng mister niyang si Trevor Magallanes na si Alexandria Athena, dito na umikot ang mundo ng sexy comedienne.

Naging laman na ng kanyang social media accounts ang kanyang anak at ang mga ginagawa nito. Ikinatutuwa ni Rufa Mae ang mga bagong nadidiskubre ni Alexandria araw-araw.

Sa isang post sa Instagram ni Rufa Mae noong December 10 ay natuwa siya sa bonggang pag-English ng kanyang anak (published as is).

"Mama, I will give this to the fish! I will give this to fish. I will give it to fish, ok? English Kasi kaya Hinde ko masyado naintindihan haha go go good morning ! Ano raw? Pag gising namin, we talk, eat, we shower or washed our face and brush our teeth then work out, walk, grocery, watch movies etc. Today fish tayo!" nakakatuwang caption pa ni Rufa Mae.

Continue reading below ↓

Happiness din ni Rufa Mae ang makitang magkasama parati ang kanyang mag-ama, lalo na't sa US na sila nakatira.

Kaya kahit malayo sa showbiz pansamantala si Rufa Mae, alam niyang tama ang desisyon niya dahil laging nagba-bonding ang mag-ama.

"Speechless ako sa mag-ama ko pag magkasama sila! Saya-saya nila sila pinagkaabalahan ko ng isang buwan. Ngayon sarili ko naman aasikasuhin ko para sa bayan... sa larangan ng showbiz ganon more movies, work out, endorsements and tv guestings here and there... shows , ribbon cuttings, vlogs, modeling, todo na to!" post ni Rufa Mae sa IG last December 6.

Continue reading below ↓

At dahil Pasko, may pinost si Rufa Mae last December 21 na isang mahabang mensahe para sa anak tungkol sa tunay na meaning ng Christmas.

"Dear Athena, our @alexandriamagallanes , Pag malaki ka na mababasa mo din ito, We wanna share this to you, mula ng nasa sinapupunan kita, Sinigurado namin ng daddy mo na bawat moves namin para sayo, para smooth and safe delivery, kumuha kami ng Doula, nag aral pa kami ng daddy mo, paano manganak, ngayon 2 years old and 10 months ka na, para sayo na lahat ng ginagawa namin.

“Masaya ngayong Pasko, Kasi sinugurado naming magkakasama tayong tatlo . Simple prayer, church for the birthday of Papa Jesus, simple dinner, simple gift giving, Aginaldo, caroling, noche buena, games, baking Christmas cookies queso de bola, ham, putting up Christmas tree.. ornaments, etc etc...

“Yan ang isa sa pinaka Magandang regalo namin sayo anak, malaman mo ang tunay na meaning ng Pasko Wala ako maisip na regalo para sa mag Ama ko , America nalang mag shopping ! Yas! sana madaming sale "

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rufa Mae Quinto's happiness is seeing her daughter Alexandria Athena bonding with husband Trevor Magallanes.
PHOTO/S: @rufamequinto, Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results