Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Julia Montes banters with celebrities commenting on her posts about Coco Martin 

by Rachelle Siazon
Dec 23, 2019
Julia Montes actively supports Coco Martin amid speculations about their current relationship status.
PHOTO/S: @pagliawandennis / @mr.cocomartin Instagram

Hindi man aktibo sa showbiz ngayon, panay ang papuri ni Julia Montes kay Coco Martin habang patuloy ang espekulasyon sa ugnayan nila.

Sa kanyang Instagram post kahapon, December 22, ipinakita ni Julia ang litrato ni Coco na nakasuot ng mala-superhero costume bilang bahagi ng role nitong Paloma sa pelikulang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

"Move over girls... PALOMA is here [heart and smile emojis] #tripoltrobolhulikabalbon this December 25 marami pang pasabog si Coco," saad ni Julia sa caption.

Continue reading below ↓

Ilang celebrities na malapit kay Julia ang nag-comment sa pambabaeng costume ni Coco.

Isang laughing with tears emoji ang komento ni Melissa Ricks.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"@mellyrics09 tinalo tayo," sagot ni Julia.


Shocked at heart emojis naman ang reaksiyon ni Isabel Oli, asawa ni John Prats na co-star ni Coco sa 3Pol Trobol at ABS-CBN prime-time series na FPJ's Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

"@isabeloliprats talo na ang mga babae sa ganda [lovestruck and heart emojis]," dagdag ni Julia.

NERI TELLS JULIA: "PAKITA KA NAAA!"

May nauna pang limang Instagram posts si Julia na nagpo-promote ng pelikula ni Coco.

Dahil sa pagiging aktibo niya sa social media, nag-comment si Neri Naig na sana raw ay magpakita na si Julia.

Continue reading below ↓

"Pretty Girl! Pakita ka naaaa! Namimiss na namin ang kagandahan mo," sabi ni Neri.

Sumagot si Julia na bibisitahin niya si Neri sa restaurant nito sa Tagaytay.

"@mrsnerimiranda soon ate [kiss mark and heart emoji] punta ako Neri's garden"

Paalala ni Neri, "message mo lang ako. Wag biglaan at baka ako naman ang nasa manila!"

Umoo naman si Julia.

Continue reading below ↓

JULIA'S REPORTED PREGNANCY AND SHOWBIZ HIATUS

Huling napanood sa telebisyon si Julia sa ABS-CBN afternoon series na Asintado, na umere mula January 15 hanggang October 5, 2018.

Naiulat ang pagbabakasyon ni Julia sa Germany, pero mangilan-ngilan lamang ang update ng aktres sa kanyang Instagram account hanggang sa pagpasok ng 2019.

Huling bahagi ng Marso, naging maugong ang balitang nagsilang ng sanggol si Julia at ang itinuturong ama ay si Coco.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 8, 2019, nakasaad na kumpirmado ito ng ilang showbiz insiders.

Hindi kailanman nagsalita si Julia hinggil sa isyu.

April 20 nang maglabas ng matalinhagang pahayag si Coco sa kanyang Instagram account tungkol sa mga taong pinakikialaman ang kanyang pribadong buhay.

Hindi nagbanggit si Coco ng eksaktong kontrobersiyang inaalmahan niya, pero umapela siyang "wag nman sana ang buhay ko ang pagkwentuhan nyo dahil hindi interesado ang buhay ko."

Hanggang sa noong October 25 ay namataan si Julia sa isang supermarket sa San Juan City.

Continue reading below ↓

Nasundan ito ng birthday greeting ni Julia na may kasamang kiss emoji para kay Coco.

Bunsod nito, hindi maiwasang magkaroon ng espekulasyon kung nanumbalik o hindi ba talaga nawala ang matagal nang hinihinilang espesyal na pagtitinginan ng dalawa.

Pero parehong tikom ang bibig nina Julia at Coco hinggil dito.

Wala ring pagkakataong matanong si Coco tungkol sa estado ng kanyang love life sa huli niyang presscon para sa promotion ng 3Pol Trobol.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Montes actively supports Coco Martin amid speculations about their current relationship status.
PHOTO/S: @pagliawandennis / @mr.cocomartin Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results