Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Vice Ganda on Ion Perez's family: "Mahal nila ako."

by Bernie V. Franco
Dec 23, 2019
Vice Ganda says he initially wanted to keep his relationship with Ion Perez private to protect the latter's family. (Right photo) Vice and Ion together with their moms, Zeny Perez (second from left) and Rosario Viceral.
PHOTO/S: Instagram photos

Higit isang taon na ang relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez, pero kumusta naman kaya ang relasyon ng It’s Showtime host sa pamilya ng kanyang boyfriend?

Ani Vice, 43, open ang kani-kanilang pamilya pagdating sa relasyon nila ni Ion, 29.

Sabi pa ng comedian-host, nagkausap na ang kani-kanilang mga nanay.

Bagamat hindi man close si Vice sa 14 na kapatid ni Ion, nakakausap din daw niya ang mga ito.

“Magkakilala yung nanay naming dalawa, nag-uusap sila, nagtsitsikahan,” kuwento ni Vice sa press conference ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang The Mall the Merrier noong December 9.

Patuloy niya, “Nagpunta na yung nanay ko sa bahay nila.

“Kumakain lang sila ng kakanin.”

Close din ba siya sa mga kapatid ni Ion?

Sagot ni Vice, “Hindi naman close, pero na-meet ko na sila.

“’Tapos, okay kami… 'Tapos nakakausap ko rin ang mga kapatid niya.”

Kinumpirma ni Vice ang relasyon nila ni Ion pagkatapos ng performance niya sa “Magpasikat” ng It’s Showtime 10th anniversary noong October 26, 2019.

Continue reading below ↓

Pero noong July 2019 pa ay lumabas na sa social media ang mga larawan kung saan magkasama sina Vice, Ion, at ang kanilang mga ina.

Si Ion ay tubong Tarlac, kung saan din nakatira ang kanyang pamilya.

VICE GANDA WORRIED ABOUT ION’S FAMILY’S PRIVACY

Sa December 25, araw ng Pasko, ay 14 months nang magkarelasyon sina Vice at Ion.

Continue reading below ↓

Malaya nang naisasapubliko ng dalawa ang tungkol sa kanilang relasyon.

Pero aminado si Vice na isa sa mga dahilan kung bakit tumagal ng isang taon bago niya inamin ang relasyon nila ni Ion ay para protektahan ang pamilya nito, lalo pa't hindi sila showbiz.

“Yung pamilya ni Ion talaga masaya.

“Yung pamilya ni Ion, isang simple at pangkaraniwang pamilyang Pilipino, kasi I was able to visit in his place.

“'Tapos na-meet ko yung mga kapatid niya… napakatipikal at napakanormal at masaya.

“Isa rin yun sa mga dahilan ko dati kung bakit ayoko sanang ipangalandakan, kasi siyempre, kapag mahal mo yung tao, poprotektahan mo rin yung mga mahal niya.

“Gusto kong protektahan yun.

"Kasi kapag in-invade na ng panlabas na mga tao pati parte ang buhay na personal, di ba, hindi masarap yun sa pakiramdam ko, e.”

Ani Vice, gusto rin niyang pangalagaan ang pamilya ng lalaking minamahal niya, lalo pa’t nakita niyang tinanggap siya.

Continue reading below ↓

“Hindi ko rin gugustuhing magulo ang buhay ng ibang tao dahil lang sa sayang nararamdaman namin.

“That would be very selfish na sarili lang ang iniintindi namin, yung pamilya namin hindi namin iniisip…

“Kasi ang pamilya niya talaga ang saya-saya at ang bait-bait.

“Mahal ako ng pamilya niya,” saad niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda says he initially wanted to keep his relationship with Ion Perez private to protect the latter's family. (Right photo) Vice and Ion together with their moms, Zeny Perez (second from left) and Rosario Viceral.
PHOTO/S: Instagram photos
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results