Ricky Reyes remains firm in opposition of same-sex marriage

by Arniel C. Serato
Dec 23, 2019
Beauty guru and philantropist Ricky Reyes on extending help to Child Haus and PGH cancer patients: "Happy ako, kasi ang feeling ko, blessed ako ng Diyos na binigyan Niya ako ng pagkakataong gawin ‘to para matulungan ang maraming tao.”
PHOTO/S: Arniel Serato

Kamakailan ay pinag-usapan ang beauty guru at philantropist na si Ricky Reyes dahil sa kanyang pagtutol sa same-sex marriage.

Naging trending topic din siya noong Setyembre dahil sa kanyang pagtalakay sa mga karapatan ng mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender (LGBT) community.

At patuloy pa ring naninindigan si Mother Ricky tungkol dito.

Saad niya, “Well, ang bakla ay bakla. Yun na yun, huwag na natin pahabain.

"Maski anong gawin mo, wala nang mangyayari sa bakla kundi bakla din.

“Huwag na maghangad kung anu-ano.

“Hay, ipagpilitan pa ba sa tao ang buhay natin, e, ang nakaintindi lang naman sa atin ay tayu-tayo lang.

“Hindi nila naiintindihan kung ano ang ginagawa ng mga bakla, samantala tayo, makita lang, maiintindihan na.

“E, sa ibang tao, they will never understand that.”

Pagdating naman sa relasyon, masaya si Mother Ricky na mayroon siyang lifetime partner at mga adopted children.

“Meron naman akong partner, may pamilya naman ako.

Continue reading below ↓

"'Yan ang gusto ko sa buhay—family."

Hindi raw kailanman sumagi sa isip niya ang magkaroon ng sariling anak.

Lahad ni Mother Ricky, “No, I have naman adopted kids, may mga anak naman ako.

“Apat na malalaki na sila, may mga pamilya na.

"Happy naman ako kasi mababait ang mga anak ko."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ricky sa annual Christmas gift-giving nito sa mga bata ng Child Haus Manila noong December 9.

Dumating din sa pagtitipon ang ilang celebrities katulad nina Karylle, Niño Muhlach at anak nitong si Alonzo.

Continue reading below ↓

A LIFE-LONG COMMITMENT

Tila nakatadhana na kay Mother Ricky ang tumulong sa mga batang may kanser dahil halos dalawang dekada na niya itong ginagawa.

Sabi nito, “Oh, my God, mga sixteen years na.

"In-adopt ko yung cancer patients ng Philippine General Hospital [PGH], 21 years ago.

“At itong Child Haus, 16 years ago.

Continue reading below ↓

“Kasi nung nasa PGH ako, nakikita ko yung mga bata, mga nanay natutulog lang sa sahig, nakasandal ang likod sa dingding, yun na yun.

“Kasi mga tagaprobinsiya sila, mahirap, walang bahay.

“So, ito ang inisip kong gawin, ipagpatayo ng bahay sila.

“At nakakatuwa kasi ang dami-daming tumutulong sa akin.

“Ang daming donors, and with that, panalo na ang mga bata.”

Masaya raw siya sa kanyang adbokasiyang ito.

Sabi pa ni Mother Ricky, “Happy ako, kasi ang feeling ko, blessed ako ng Diyos na binigyan Niya ako ng pagkakataong gawin ‘to para matulungan ang maraming tao.”

Pagdating ba ng araw ay papasukin niya ang mundo ng pulitika ngayong nasa public service na rin siya?

Pagtanggi nito, “Wala akong panahon diyan, please, no. No way.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty guru and philantropist Ricky Reyes on extending help to Child Haus and PGH cancer patients: "Happy ako, kasi ang feeling ko, blessed ako ng Diyos na binigyan Niya ako ng pagkakataong gawin ‘to para matulungan ang maraming tao.”
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results