Bernard Palanca "shattered" by death of younger brother Mico

by Rachelle Siazon
Dec 23, 2019
Bernard Palanca (left) posts childhood photo with his late younger brother Mico (right). Bernard writes in part, "Pls,Pls,Pls behave up there...I love you, little bro! You rest now."
PHOTO/S: @erikahocson / @iambjp.76 Instagram

Lubos na nagdadalamhati si Bernard Palanca, 43, sa biglaang pagkamatay ng nakababata niyang kapatid na si Mico Palanca.

Aminado si Bernard na inabot ng halos dalawang linggo bago siya nakapaglabas ng pahayag tungkol sa pagpanaw ni Mico dahil maging siya ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari sa kapatid.

Lalo pa't bilang kuya ni Mico, dapat sana'y naprotektahan niya raw ito.

Pahayag ni Bernard sa kanyang Instagram post: "It’s been a pretty insane two weeks...feels like years.

"I was put on this earth to protect and love you more than anybody else could ever do.

"All my life I’ve been by your side through everything.

"I have many unanswered questions, thoughts in my head for which words haven’t even been invented yet for them, and feelings I will never be able to understand nor explain.

"My heart is shattered and in so much pain bec of what happened and more so for how it happened.

Continue reading below ↓

"You (@mikopalanca), @martinhocson_ & @santihocson are always and forever gonna be my brothers for whom I will forever love and take care of without an ounce of doubt or question."

Nagpasalamat din si Bernard sa mga kapamilya at kaibigang nakiramay sa pagpanaw ni Mico.

"To everybody that sent me messages and prayers, I wanna say I’m sorry for only replying now and I want to send each and every single one of you hugs and kisses for being there for me and my family but most of all, for Miko.

"My heart will never forget and never stop loving all of you.

"My brother was lucky to have friends like you. I love you all."

Kalakip ng crying emojis, nalulungkot na inihayag ni Bernard ang pagmamahal niya para kay Mico.

"I miss you so much dumbass(Miko) Pls,Pls,Pls behave up there...I love you, little bro! You rest now."

Continue reading below ↓

Dalawang taon lang ang agwat ng edad ng magkapatid na parehong pinasok ang mundo ng showbiz.

Naunang nag-artista si Bernard noong 1995, at sumunod si Mico noong 2000.

PALANCA SIBLINGS

Bukod sa mga kapatid na lalaki na sina Bernard, Martin, at Santi, naulila rin ni Mico ang mga babaeng kapatid na sina Lisa at Erika.

Nauna nang naghayag ng mensahe si Erika tungkol sa pagpanaw ni Mico.

Personal ding nakausap ni Erika ang dating girlfriend ni Mico na si Bea Alonzo, na nakiramay sa pamilya Palanca noong December 18.

Nakunan ng litrato si Bea kasama sina Erika at Lisa pati na ang ina ng mga ito na si Pita Revilla-Palanca.

MICO'S DEATH

Si Mico ay pumanaw sa edad na 41 noong December 8, pero naiulat lamang ito noong December 9.

Nakiusap ang pamilya ni Mico na sana ay huwag nang ipakalat pa ang impormasyon kaugnay ng hindi inaasahang pagkamatay ng aktor.

Continue reading below ↓

Ilan sa mga huling short appearances nito sa telebisyon ay sa ABS-CBN shows na FPJ's Ang Probinsyano (2016), Bagani (2018), at Nang Ngumiti Ang Langit (2019).

Napanood din ito sa 2013 Cinemalaya film na Amor y Muerte.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bernard Palanca (left) posts childhood photo with his late younger brother Mico (right). Bernard writes in part, "Pls,Pls,Pls behave up there...I love you, little bro! You rest now."
PHOTO/S: @erikahocson / @iambjp.76 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results