Former sexy actress Jenny Roa arrested in Christmas drug buy-bust

by Jet Hitosis
Dec 26, 2019
Former sexy actress Jenny Roa, or Jennifer Cruz Kiilsgaard, gets arrested in a drug buy-bust operation by Pasay City Police Drug Enforcement Unit on Christmas Day, December 25.
PHOTO/S: @Tanduay Rhum official on Facebook, Pasay City Police Public Information Office

Inaresto ang dating sexy actress na si Jenny Roa sa isang drug buy-bust operation sa Pasay City nitong Pasko, December 25.

Bandang 9:50 ng gabi nitong Miyerkules nang arestuhin ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Pasay City Police si Jenny, na Jennifer Cruz Kiilsgaard ang tunay na pangalan.

Ayon sa Pasay DEU, nasa drug watch list ng pulisya ang 45-anyos na dating aktres, at siya mismong target ng operasyon.

Dinakip din ang kasama ni Jenny na si Norman Viña, taga-Makati City, sa operasyong ikinasa sa Barangay 42, Zone 6, sa Pasay.

Continue reading below ↓

Sinabi sa media ni Corporal Jett Morillo ng Pasay DEU na isang linggo nilang isinailalim sa surveillance sina Jenny at Norman.

Batay sa report ni Corporal Morillo, nasa P300 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa buy-bust operation.

Sa kasagsagan ng imbestigasyon, nakumpiska rin umano mula kina Jenny at Norman ang apat na sachet ng hinihinalang shabu, na nasa loob ng pulang ang pao envelope.

Tinaya ng pulisya sa P31,280 ang halaga ng karagdagang hinihinalang droga na nasamsam umano sa dalawang suspek.

Continue reading below ↓

JENNY ADMITS USING DRUGS

Sa video ng interview ng ABS-CBN News kay Jenny, itinanggi niyang nagbebenta siya ng droga.

Gayunman, inamin ng dating aktres na gumagamit siya ng droga dahil umano sa kanyang depression.

Sakaling makalaya, desidido si Jenny na magbagong-buhay at bumalik sa pag-arte, ayon sa parehong report.

Kapwa nakakulong ngayon sa custodial facility ng Pasay DEU sina Jenny at Norman.

SEXY STAR OF EARLY 90s

Unang bahagi ng 1990s nang mapanood si Jenny sa mga pelikula gaya ng Tag-Araw, Tag-Ulan (1992), Boy Praning: Utak Pulbura (1992), Tikboy Tikas at mga Khroaks Boys (1993), at Manila Boy (1993).

Taong 2002 nang huling lumabas sa pelikula si Jenny, sa Ang Galing Galing Mo, Babes nina Joyce Jimenez at Albert Martinez.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former sexy actress Jenny Roa, or Jennifer Cruz Kiilsgaard, gets arrested in a drug buy-bust operation by Pasay City Police Drug Enforcement Unit on Christmas Day, December 25.
PHOTO/S: @Tanduay Rhum official on Facebook, Pasay City Police Public Information Office
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results