PEP CONFESSIONS: Jomari Yllana opens up about Joy Reyes, Priscilla Almeda, politics, fatherhood

by Arniel C. Serato
Dec 27, 2019
Jomari Yllana on controversies hounding him: "Ang kontrobersiya naman, hindi nawawala, e. For as long as andiyan ka, na wala kang minamasamang tao, wala kang ginagawang masama sa kapwa mo, laging katotohanan lang yung dala mo, ay, dun naman tayo kakapit talaga."
PHOTO/S: Arniel Serato

Nalagay muli sa kontrobersiya si Jomari Yllana matapos isiwalat ng dati nitong partner na si Joy Reyes na inabandona diumano siya at ang dalawa nilang anak na lalaki ng actor-politician.

Nagsanga pa ang masalimuot na usaping ito nang umamin si Jomari na nagsasama na sila ng kanyang “first love” na si Priscilla Almeda matapos ang halos dalawang dekadang pagkakahiwalay at pagtahak sa magkaibang landas ng buhay.

Ano ba ang saloobin ni Jomari tungkol sa mga nagbabagang intrigang kanyang kinahaharap?

Bukod sa mga isyung ito, kumusta ang bagong mundong ginagalawan—ang pulitika, kung saan naninilbihan siya bilang konsehal ng Parañaque City?

Eksklusibong humarap si Jomari sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para sa isang serye ng PEP Confessions.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

JOMARI DENIES ABANDONING FORMER PARTNER

Sa isang no-holds barred interview ng PEP.ph kay Jomari sa isang restaurant sa Quezon City noong December 7, sinagot lahat ng 43-year-old actor-politician ang mga akusasyon ni Joy Reyes laban sa kanya.

Hindi man niya direktang nabasa ang Facebook rants ng dating karelasyon, ipinararating naman daw sa kanya ng kanyang staff sa Parañaque City Hall ang tungkol dito.

Partikular na ang akusasyon ni Joy na inabandona sila ng aktor.

Continue reading below ↓

Panimula ni Jomari, “Actually, sa totoo lang, hindi ko naman siya nakita talaga.

“Although ang sabi ko naman sa office, i-compile nila para ma-report naman nila sa akin."

Pagkatapos nito ay nilinaw niya ang estado ng relasyon nila ni Joy.

Saad niya, “I’d like to put it on record na since November of 2018, hindi na kami nagsasama ni Joy, yung ex ko.

“Nagkahiwalay kami, buntis siya sa aming bunso, pregnant pa siya nun.

“Kung mabibigyan ng pagkakataon, ayoko na sanang busisiin yung details ng paghihiwalay, although it’s been put on record na I filed a complaint last November sa mababang court ng Barangay BF Homes in the City of Parañaque, sa District 2.”

Ayon pa kay Jomari, may kasunduan at nagkapirmahan na sila ni Joy sa barangay court kaya nagulat siya kung bakit nag-iingay ito ngayon.

“And doon nakalagay ang detalye ng paghihiwalay, and dun nakalagay ang detalye ng settlement, and there was a settlement.

Continue reading below ↓

“Madetalye siya kung ano yung magiging set-up namin.

“Siyempre, may support involved, clothing, shelter... lahat ng kailangan ng mga bata, including yung pangangailangan din niya, kasi pregnant din siya during that time.

“And it was settled, na-settle naman ‘yan in court, sa barangay.

“And since then, hindi na kami nagsasama."

Mariing itinanggi ng dating matinee idol na inabandona niya ang dating partner at ang kanilang mga anak.

"And dun naman sa sagot kung inabandona, no.

“I love my kids very much, I love my babies very much, and I will never abandon them.

"From day one, hindi ko naman sila inabandona.”

Sinagot din ni Jomari ang akusasyon ni Joy na binawasan daw niya ang alokasyon o sustento sa kanilang tatlo.

Nakangiting sabi ng actor-politician, “Bawas, hindi. Dagdag, oo.

“Kasi napag-uusapan sa court kung ano lang yung napag-uusapan, merong mga incidentals, merong mga miscellaneous. And ako, I don’t mind.

“I’ll give my children what they deserve. And lahat ng support na puwede ko ibigay sa mga anak ko, ibibigay ko.”

Continue reading below ↓

SOCIAL MEDIA RANT WILL NOT HELP

Kahit hiwalay na sila ni Joy, hindi naman daw nagkulang si Jomari sa kanyang obligasyon bilang ama kina Jom Christiano Ayrto at Jom Christiano Fangio.


Pahayag ni Jomari, “Tuluy-tuloy ‘yan kahit nagsalita siya nang hindi maganda.

“Ako kasi, wala naman akong babaguhin sa set-up.

Continue reading below ↓

"I will be there for my children, I will be there for the babies every step of the way.

“Siyempre, ini-expect natin aalagaan natin silang mabuti and, eventually, ang gastos ng mga bata, palaki nang palaki ‘yan, ‘no, and andiyan talaga ‘yan.

"Andiyan yung check-up, andiyan yung nagkakasakit sila.

"Lahat ng pangangailangan nila, kailangan nating mag-provide ng good education for them as early as now.

“Kailangan nag-iipon na tayo para sa ano [future].”

Sa puntong ito ay binalikan ni Jomari ang naging settlement nila ni Joy sa barangay court noong naghiwalay sila.

Lahad nito, “I’d like to put on record also na part ng settlement namin nung 2018, November 2018, ay hindi siya magsasalita nang hindi maganda tungkol sa akin.

“Kasi parang may cycle, e. Ayoko na ring magsalita kung ilagay sa detalye, how bad was the incident na nangyari sa amin noon.

“Pero it's clear na hindi na talaga kami puwede magsama, although meron siyang tendencies na mag-rant sa social media, which I don’t have control.”

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Jomari, hindi makakatulong sa sitwasyon nila kung patuloy na magra-rant si Joy sa social media ng mga himutok nito laban sa kanya.

“Nagkaroon na rin ‘yan ng settlement sa local court na ganun nga.

"Na dapat mas maganda na kung ako, papipiliin ako, how I wish na sana mapag-usapan.

“Na sana kung merong problema sa isa’t isa, mapag-usapan ng dalawang tao na dating nagsama na merong mga anak, na yun naman talaga ang tama.

“Although, she decided to... ang course of action niya, rant and to dump garbage on social media, which is not good.”

RECONCILIATION WITH FIRST LOVE

Sa ngayon, muling bumubuo ng sariling pamilya si Jomari kasama ang kanyang itinuturing na “first love” na si Priscilla Almeda—na unang nakilala sa screen name na Abby Viduya.

Masalimuot ang naging relasyon nina Jomari at Priscilla noon, ngunit tila sa huli ay sila pa rin ang magkakatuluyan.

Continue reading below ↓

Sila marahil ang buhay na ehemplo sa kasabihang “first love never dies.”

Nakangiti at medyo may kilig na kuwento ni Jomari tungkol sa relasyon nila ni Priscilla, “Madalas naming mapag-uusapan ‘yan, nire-recall nga naming dalawa ‘yan.

“Siguro, nabigyan kami ng pagkakataon na ma-meet namin ang isa’t isa na kung saan meron kaming sitwasyon na, in a way, magkahawig.

“And kami naman, we always had good vibes sa isa’t isa and good memories.”

Teenager pa lamang sila noong kalagitnaan ng dekada ’90 ay nagkaroon na ng relasyon sina Jomari at si Priscilla.

Si Jomari ay bahagi ng sikat na grupong “Guwapings” kasama sina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso.

Continue reading below ↓

Si Priscilla naman ay tinagurian noon bilang "Babaeng Guwaping."

Ngunit nagbago siya ng image—mula sa pagiging teen star ay naging sexy star sa pamamagitan ng titillating films.

Kalaunan, nilisan ni Priscilla ang showbiz sa Pilipinas at namuhay sa Canada kasama ang kanyang pamilya.

Nagkaroon siya ng tatlong anak sa dalawang nakarelasyong non-showbiz guys.

Continue reading below ↓

Si Jomari naman ay nagpakasal kay Aiko Melendez ngunit naghiwalay rin sila.

Nagkaroon sila ng isang anak na lalaki—si Andre Yllana, na 21 anyos na ngayon.

Naugnay rin si Jomari sa aktres na si Ara Mina, sa singer na si Pops Fernandez, at kay Joy.

Mayroong dalawang anak sina Jomari at Joy.

Paano muling nagkaroon ng komunikasyon sina Jomari at Priscilla matapos ang dalawang dekada?

Continue reading below ↓

Kuwento ni Jomari, “I think it was 2016? Or 2015?

"Na nag-uusap kami tungkol sa pulitika, buhay sa Pilipinas.

"Iyan yung time na nagpi-prepare naman ako for public office.

“And since then, nag-reconnect kami.”

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph kay Priscilla, sinabi nitong masaya siya sa balikan nila ng kanyang “first love.”

Saad ng nagbabalik na aktres, “I’m happy with him.

“First love ko si Jom and we are given a chance to finally be together.

“We just mutually decided that it’s time for us to be happy.”

Dagdag pa niya, “Jom has always had a special place in my heart ever since we were 15.

“That has never gone away.”

JOMARI AS PUBLIC SERVANT

Kahit may mga kinakaharap na kontrobersiya, tuluy-tuloy lang ang trabaho ni Jomari bilang Parañaque City first district councilor.

Continue reading below ↓

Ayon kay Jomari, naimpluwensiyahan siya ng kanyang kuyang si Anjo Yllana kaya pinasok din niya ang public service.

Saad niya, “Public service naman, calling naman ‘yan ng tao para sa tao.

“Kami sa City of Parañaque, kami ay nagmana kaming magkakapatid ng magandang serbisyo mula sa aming kuya.

"Dati namang vice mayor si Kuya Anjo sa Parañaque.

“Si Kuya Anjo served Parañaque for three terms—dalawang term na konsehal at isang term na vice mayor.

“Ano siya, e, tatak serbisyo ng Yllana at nakatatak naman talaga sa Parañaque.

“And kami naman, kami ang nagmana.

“Kung kakausapin ka ng tao at sasabihin sa 'yo na, ‘Ikaw Jomari ang gusto naming mag-serve sa amin bilang konsehal,’ e, ano ba naman ang magagawa mo kundi tanggapin lang yun gusto ng tao.

"Gusto ng nakakarami.”

Nasa ikalawang termino na si Jomari bilang konsehal kaya medyo hinay-hinay muna siya sa showbiz.

Continue reading below ↓

Dalawang kumite ang pinamumunuan ni Jomari sa konseho ng Parañaque—Committee on Tourism, Culture, and History at Committee on Technology and Social Services.

Saad pa niya, "Matrabaho siya.

“Kaya rin ako nawawala sa showbiz, lalung-lalo na during my first term, hindi biro ang trabaho ng mambabatas, e.

“Ang trabaho naman ng konsehal, e, legislation, legislator kami, kami ang mga lawmaker.”

JOMARI AS A FATHER

Kahit hindi sila on speaking terms ng ex-wife na si Aiko, masaya si Jomari dahil hindi ipinagkait ng aktres ang karapatang maging ama sa kanyang firstborn na si Andre.

Continue reading below ↓

Papuri pa niya sa dating asawa, “Si Aiko naman, Aiko was a good soul.

“Good soul naman si Aiko talaga.

“And meron man kaming hindi napagkakasunduan, we always make it a point na to do what’s best for our children.

“Sa amin, meron kaming isang anak, and lahat naman ng ginagawa namin ay para sa anak namin.

“And ako, I’d like to take this opportunity to thank Aiko for raising our binata. Legal age na siya, si Andre.

“I’d like to thank Aiko for raising our child in the proper way... God-fearing, mabait na bata, and produkto ‘yan ng pag-aalaga ng mommy niya.”

Halos kaedad lamang ni Jomari ang anak na si Andre noong nagkaanak sila ni Aiko.

Continue reading below ↓

Handa na ba siyang maging lolo ngayong binata at may non-showbiz girlfriend na si Andre?

Saad ni Jomari, “May kasabihan, mas masarap daw maging lolo. Yung feeling daw na magiging lolo, mas masarap pa kaysa magiging ama.

“Ako, siguro wala naman akong insecurity sa edad.

"Nasa mid 20s ata ako, ang role na tinanggap ko, tatay na ni Anne Curtis sa Kampanerang Kuba [2005].

“I played also the role of tatay ni John Lloyd Cruz sa Imortal [2010].

“Wala naman akong insecurities with age.

“Kung mabibigyan tayo ng apo, e, tatanggapin natin ‘yan.”

Kumusta naman ang relasyon nila ni Andre?

Tugon niya, “Ano naman ‘yan, palakuwento naman pag nagkikita kami.

“Wala namang katapusan na kuwentuhan kapag nagkikita kami.

“He’s very, very open although mahiyain lang talaga ‘yang batang ‘yan.

“Pero he’s a good boy.”

JOMARI SAYS SORRY FOR HIS SHORTCOMINGS

Sa huli, may mensaheng gustong ipaabot si Jomari sa mga taong maaaring nasaktan niya.

Continue reading below ↓

Saad niya, “Ako naman, sa showbiz, sa pulitika, naniniwala naman ako na talagang kontrobersiyal pag nandiyan ka.

“Napagdaanan ko ‘yan sa showbiz.

"Nagbibilang nga ako, e, 31 years in showbiz. Sa pulitika, apat na taon.

“Pero ang kontrobersiya naman, hindi nawawala, e, for as long as andiyan ka na, wala kang minamasamang tao, wala kang ginagawang masama sa kapwa mo, laging katotohanan lang yung dala mo, ay, dun naman tayo kakapit talaga.

Continue reading below ↓

“And pasensiya na dun sa mga kaibigan, kamag-anak, lahat ng na-involve dito sa isyu na ‘to at nadadamay pa sila, ito po’y krisis na pinagdadaanan ng dating nagsasama na merong mga anak.

“Tayo, meron tayong mga pinagdaanan talaga.

“Kumbaga, 'ika nga, wala namang breakup na maganda, it’s always bad.

“So, humihingi lang ako ng dispensa sa pamilya ko, sa pamilya niya [Joy], sa pamilya ng ibang taong involved dito.

"And hayaan na lang natin maging pribado ang mga dapat ma-settle, di ba?

“Although sa side ko naman, hindi naman namin isinasara ang side ng legalities, kasi nagtapos naman kami talaga sa legal na paraan at nagkaroon ng settlement sa legal na paraan year ago, nung time na naghiwalay kami.

“Maybe kailangan namin i-seek pa rin yung hustisya kung saan baka kailangan kami sa court mag-settle, para matahimik.

“Para malagay sa tama kung maiwasan nating magkaroon ng kaso-kaso, iiwasan natin.

“Ako, I will definitely seek sa legal na paraan.

Continue reading below ↓

“’Tsaka kahit papa'no naman, meron kaming pinagsamahan.”

Sa dalawang supling naman niya kay Joy, ito ang sabi ni Jomari: “Yung mga anak ko, sobrang cute, so mahal na mahal ko yung mga batang yun.

“Hinding-hindi ko sila pababayaan.

“May mga pagkakataon na dumadaan tayo sa krisis... I assure sa family ni Joy at sa pamilya ko na huwag naming pabayaan ang mga anak.

Continue reading below ↓

“I will be supportive with all their needs.”

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jomari Yllana on controversies hounding him: "Ang kontrobersiya naman, hindi nawawala, e. For as long as andiyan ka, na wala kang minamasamang tao, wala kang ginagawang masama sa kapwa mo, laging katotohanan lang yung dala mo, ay, dun naman tayo kakapit talaga."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results