Bea-Gerald, Pia-Marlon, Catriona-Clint, Derek-Joanne, other celebrity breakups in 2019

by Bernie V. Franco
Dec 27, 2019
Popular showbiz couples who broke up this 2019: (L-R) Marlon Stockinger and Pia Wurtzbach, Gerald Anderson and Bea Alonzo, and Catriona Gray and Clint Bondad.
PHOTO/S: Mark Atienza / Instagram

Ngayong 2019, maraming showbiz relationships ang humantong sa hiwalayan.

Ang ilan dito ay tumagal ng maraming taon at inakala ng marami na mauuwi sa kasalan. May iba namang hindi inasahang maghihiwalay.

Mayroon ding pinag-usapan nang husto at tila naging national issue pa dahil maging ang mga kilalang personalidad at mga pulitiko ay nagbigay pa ng kani-kanilang opinyon.

Binalikan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga hiwalayan ng ilang showbiz couples nitong 2019.

BEA ALONZO AND GERALD ANDERSON

Continue reading below ↓

Naging malaking isyu ang hiwalayan nina Bea Alonzo, 32, at Gerald Anderson, 30.

Ang kapansin-pansin pa sa isyung ito, bawat update sa kuwento ay nasubaybayan ng mga tao dahil maging ang mga sangkot ay idinaan sa social media at interviews ang kanilang panig.

July 21, 2019, marami ang napaisip sa matalinghagang Instagram post ni Bea.

Kalakip ng itim na background ay ang caption na ganito (published as is): "you can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice

"ENOUGH."

Kasabay ng post ni Bea ay ang pag-like niya sa post ng isang netizen (@cabrera.kath) ng paparazzi shots nina Gerald at Julia Barretto, 22, na nakunan umano habang naglalakad papuntang parking area.

Ayon sa netizen, galing sina Gerald at Julia sa birthday celebration ng kanilang kaibigang si Rayver Cruz at sabay silang umalis ng party.

Sabi pa ng netizen, patunay raw itong may namamagitan sa dalawa at pinagtataksilan ni Gerald si Bea.

Continue reading below ↓

Sinasabing nagsimula ang pagkakamabutihan nina Gerald at Julia nang gawin nila ang pelikulang Between Maybes, na ipinalabas noong May 2019.

Sa mga sumunod na linggo ay naging masalimuot ang kuwento ng paghihiwalay nina Bea at Gerald, at ang diumano’y pagiging third party ni Julia.

Lalong lumaki ang isyu dala ng pagtatanggol kay Julia ng kanyang inang si Marjorie Barretto at kapatid na si Dani Barretto via social media.

Ani Marjorie, nilagyan ng malisya ang larawan nina Gerald at Julia dahil sa full shot ng lumabas na larawan ay kasama ng dalawa ang iba pang mga kaibigan. Pero sinadyang pinutol daw ang larawan para magmukhang sina Gerald at Julia lang ang magkasama.

Sabi ni Marjorie (published as is): “I dont See anything wrong with this photo. They dont seem to be hiding something.

“There are people around, and if im not mistaken, Julia was waving at something.

“This is not a date.

Continue reading below ↓

“They know each other, they have worked together, they are friends.”

Depensa naman ni Dani, malisyoso ang ginawang pag-post sa larawan ng kanyang kapatid at ni Gerald dahil kasama siyang dumalo sa party na iyon.

Komento niya (published as is): "Nag usap lang sa party, at may chismosang nag decide mag picture, cheating na agad?

"Bawal mag Hi sa isa't isa? Bawal magkamustahan? Cheating na agad yun?!"

Pahayag ni Bea pagdating ng July 26, 2019 interview niya sa TV Patrol, sa pagkakaunawa niya ay wala silang formal breakup ni Gerald.

"Because, honestly, to my understanding, we did not break up.

"He just started not talking to me," saad ng aktres.

Sa interview naman ni Gerald sa TV Patrol noong August 5, itinanggi nitong third party si Julia at inilahad din kung bakit nauwi sa hiwalayan ang two-year relationship nila ni Bea.

“Siguro ang nangyari, just like in any relationship, we had small…

Continue reading below ↓

"Let’s say we had that fight, after fight, after fight… We had that one big fight.

“Dun niya inilabas lahat ng emotions, lahat ng feelings.

"And then, yung realization na hindi na siya masyadong healthy, and we’re just hurting each other. Ayaw mo na talaga.”

August 6, 2019 na nang nag-react si Julia sa isang mahabang Instagram post sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa hiwalayang Bea-Gerald.

Dito ay inalmahan ni Julia ang tinawag niyang “bullying” ni Bea, dala ng paglalagay umano ng malisya ni Bea sa “harmless photos” nina Julia at Gerald.

Sinabi rin niyang dahil sa pagla-like ni Bea ng mga kumalat na larawan nina Gerald at Julia, naengganyo ang mga netizens na kamuhian si Julia.

Bahagi ng post ni Julia: “With a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me FOR YOU.

“You have encouraged a culture of hate by purposely liking harmless photos, putting malice into the minds of many, which resulted in the outrage of insults against me.”

Continue reading below ↓

PIA WURTZBACH AND MARLON STOCKINGER

Ilang buwan bago ang third anniversary sana ng relasyon nina Pia Wurtzbach, 30, at Marlon Stockinger, 28, ay nag-break sila.

November 2019 dapat ang kanilang ikatlong taon bilang magkasintahan, pero naghiwalay ang dalawa noong September 2019.

"On and off naman na matagal na, but yung final was September pa,” mensahe sa PEP.ph ng business manager ni Pia na si Rikka Infantado-Fernandez, noong December 5, 2019.

Continue reading below ↓

Sa Instagram account naman ni Pia ay burado na ang lahat ng kanyang larawan kasama si Marlon.

Umugong ang balitang isa raw sa dahilan ng paghihiwalay ng dalawa ay dahil umano sa pagiging jobless ni Marlon, na isang talented international race car driver at sharp race commentator.

Kung may kaibahan sila ni Pia, ito marahil ay ang narating nila sa kanya-kanyang larangan: habang inabot ni Pia ang pinakamataas na karangalan sa field ng beauty pageants, hindi naakyat ni Marlon ang pinakamataas na level ng complex at expensive sport ng race car driving.

Sa mismong official statement na inilabas ni Pia isang araw matapos ang kumpirmasyong break na sila, itinanggi naman ng Miss Universe 2015 na ang pagiging jobless umano ni Marlon ang dahilan ng kanilang breakup.

"It's true that Marlon and I are no longer together,” simula ng statement ni Pia noong December 6, 2019.

"I wish him and his family well, and out of respect for them, let me make it clear—Marlon and his family never depended on me financially.

Continue reading below ↓

"This will be my only statement on the matter. Thank you for your support."

CATRIONA GRAY AND CLINT BONDAD

Dalawang buwan matapos siyang makoronahang Miss Universe 2018 sa Bangkok, Thailand, kinumpirma ni Catriona Gray na hiwalay na sila ng modelong si Clint Bondad.

Nagtagal ng anim na taon ang relasyon ng dalawa.

Continue reading below ↓

Nang ganapin ang Miss Universe 2018 sa Thailand noong December 17, 2018, nagtungo sa grand coronation si Clint at nag-post ng videos sa kanyang Instagram account na nagpapakita kung gaano niya suportado si Catriona.

Nguni't sa interview ni Catriona sa ABS-CBN late-night talk-show na Tonight with Boy Abunda, noong Febuary 2019, inamin niyang bago pa siya magtungo sa Thailand para sa Miss Universe pageant ay nagkakaproblema na sila ni Clint.

“And even before we left for Thailand, we were not on speaking terms so much,” pahayag ni Catriona.

May sagot din si Catriona kung bakit sila naghiwalay ni Clint.

“It’s when you’re together for so long and you start off from a very young age. You grow—whether that be in your personal, or in your career, or whatever—sometimes you just kind of… you outgrow each other, in a way.”

Sa two-part Instagram post naman ni Clint sa sumunod na buwan, March 2019, hindi direktang tinumbok ng Filipino-German model-turned-actor ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Catriona, pero sinabi niyang siya ang may kasalanan.

Continue reading below ↓

Lumalabas ding hinayaan daw ni Clint na umikot ang mundo niya sa relasyon nila ni Catriona.

Bahagi ng post ni Clint (published as is): "I was massively depressed for a long time and I literally blamed anything and everyone except our relationship...

"I wouldn't even allow it in the realm of possibilities.

"But my protective personality and shielding of the relationship made me unable to see things clear and rational.

"It became counterproductive."

Sinabi rin ni Clint na nakalimutan niya ang sariling kapakanan.

"Love truly can make you blind sometimes and make you do dumb stuff... No matter how smart you think you are.

"I felt like I had to do things that Cat never asked me to do and stopped things that I loved doing and pursuing and even started feeling guilty for simply enjoying life.

"I ended up completely draining myself and became so exhausted that at the end there was little left of who I once was."

Continue reading below ↓

DEREK RAMSAY AND JOANNE VILLABLANCA

Kinumpirma ni Derek Ramsay, 43, na hiwalay na sila ng kanyang longtime girlfriend na si Joanne Villablanca noong June 6, 2019.

Anim na taon ang itinagal ng kanilang pagsasama at nag-live in pa sila.

Kaya naman marami ang nagulat nang aminin ni Derek na break na sila ni Joanne.

Continue reading below ↓

Pero hindi nagdetalye si Derek ng dahilan ng paghihiwalay nila.

"I'd like to keep that between the both of us,” hiling ng aktor.

Ang tiniyak ni Derek ay mutual decision ang kanilang paghihiwalay.

Napaisip naman ang netizens dahil dalawang araw matapos kumpirmahin ni Derek ang kanilang breakup, may post sa social media si Joanne tungkol sa cheating.

Ni-repost ni Joanne sa Facebook ang isang news item tungkol sa "cheating."

Ito ay ang blog post ng aktres na si Maricar Reyes na nagsasabing ang "cheating" sa isang relasyon ay maaaring magsimula sa "harmless" texting.

Pagkalipas naman ng ilang linggo ay lumabas ang usap-usapang nagkakamabutihan si Derek at ang kanyang co-star sa The Better Woman na si Andrea Torres.

Hanggang sa, noong September 25, 2019, umamin sina Derek at Andrea na may relasyon sila.

WINWYN MARQUEZ AND MARK HERRAS

Continue reading below ↓

Nauwi rin sa hiwalayan ang pagsasama nina Winwyn Marquez, 27, at Mark Herras, 32, pagkatapos ng tatlong taong relasyon.

Mariing itinanggi ni Winwyn na third party ang dahilan ng kanilang breakup.

Ayon sa actress-beauty queen: "Okey kami. Naghiwalay kami nang maayos. It was a mutual decision.

"Walang third party. My god! Parang awa niyo na, hindi yun talaga ang reason.”

Nilinaw ito ni Winwyn sa press conference ng kanyang pelikulang Time & Again, noong February 14, 2019.

Dagdag pa niya, "We're both okay. Nag-uusap pa naman kami.

"We're doing our own thing. I'm busy with my own work. He's doing his own work.”

Inilahad naman ni Mark ang kanyang panig sa press conference ng Kapuso teleseryeng Bihag, noong March 25, 2019.

Pagdedetalye ni Mark: “Hindi na healthy. Sobrang stressful na ang nangyayari sa aming dalawa…

"Minsan, parang maliit na dahilan na lang, nagtatalo na kami.

“Hindi ko sinasabing nag-aaway kami palagi, pero dumating sa point ng relationship namin na parang, ‘Oy, teka, hindi na healthy itong nangyayari. Hindi na nakakatulong.’

Continue reading below ↓

"Nai-stress siya, nai-stress ako. So, ang nangyayari, sa amin nagre-reflect.”

Sabi pa ng Kapuso actor, January 2019 nang magdesisyon sila ni Winwyn na tuldukan ang kanilang relasyon.

JULIE ANNE SAN JOSE AND BENJAMIN ALVES

Inamin ni Julie Anne San Jose, 25, sa PEP.ph noong January 2019 na break na sila ni Benjamin Alves, 30.

Continue reading below ↓

Naging matipid sa pagsagot ang Kapuso singer, subalit ang paghihiwalay nila ni Ben ay umugong noon pa mang November 2018, o panahon nang pagpanaw ng ama ni Ben.

Sinabi rin ni Julie Anne na 2018 pa sila naghiwalay ni Ben.

Sa tanong naman kung magkaibigan pa sila ng aktor, direktang sagot ni Julie Anne: “No.”

Sabi nito sa interview: “I just want to focus on myself and sa work ko.”

Hindi naman tiyak kung gaano talaga katagal ang relasyon nila, dahil naging malihim ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon, pero 2016 nang aminin ni Benjamin na exclusively dating sila ni Julie Anne.

May 2019, sa press conference ng teleseryeng Dahil sa Pag-ibig, na-interview si Ben tungkol sa breakup nila ni Julie Anne.

Tumanggi ang binatang magdetalye ng paghihiwalay nila.

Aniya, "Not that I don't need to, not that I don't want to, it's just it won't do anybody good to explain.

Continue reading below ↓

"Wala, e. It has come to pass. It has already been a few months. Yeah, it's done.”

RYZA CENON AND CHOLO BARRETTO

February 2019 nang kumpirmahin ni Ryza Cenon, 32, na hiwalay na sila ni Cholo Barretto, 34.

Gayunpaman, December 2018 pa lamang, may mga indikasyon nang hindi maganda ang lagay ng kanilang relasyon dala ng mga social media posts ni Ryza.

Continue reading below ↓

Naging magkasintahan ang dalawa noong October 2016.

Matipid naman ang mga pangungusap ni Ryza nang makausap siya noong February 2019 tungkol sa hiwalayan nila ni Cholo.

“Opo, naka-move on na ako,” mensahe ni Ryza sa PEP.ph sa pamamagitan ng direct messaging via Facebook.

“Kailangan naman para mag-move forward na rin. Past is past na.

"So, tapos na siya. Kaya mas mag-focus na lang po muna sa work and hobbies."

Anong aral ang natutunan niya sa breakup nila ni Cholo?

Ani Ryza: “Naging lesson ko siguro, huwag mong ibibigay lahat-lahat. Magtira ka para sa sarili mo.

"Isipin mo ang sarili mo muna bago ang iba."

ARIANNE BAUTISTA AND NICO FOWLER

Continue reading below ↓

Si Arianne Bautista ang mismong nagsiwalat ng masaklap na kinahinatnan ng relasyon nila ng Italian-Canadian model-actor na si Nicholas “Nico” Timothy Fowler.

Sa kanyang mahabang Facebook post noong June 25, ikinuwento ni Arianne ang panloloko sa kanya ng boyfriend.

Habang magkarelasyon sila, kinakalantari raw ni Nico ang iba’t ibang babae.

August 2018 nang maging magkarelasyon sila.

Bahagi ng kwento ni Arianne (published as is): "I just want to share kung gano sya kasweet pag mgkasama kami sa mga moments na un pero at the same time, he’s also being sweet to others.

"I studied all the dates nung nagmemessage sa mga babae nya sa mga dates kung nsan kami nyan, or kung nsan ako.”

Inilahad din ni Arianne kung paano niya nabisto ang ginawang panloloko ng dating kasintahan.

"How did i find out? I was planning to edit some videos sna to finally start vlogging.

"So i borrowed his laptop. Like 0 intention of checking his shit.

Continue reading below ↓

"But his notifications bothered me. So i tried to open lng and then voila!

"Welcome to Nico’s porn world! My heart was pumping so hard.”

Marami raw binanggit na alibi sa kanya ang dating kasintahan.

Pinatawad naman ni Arianne si Nico, pero napagtanto rin daw ng aktres na lagi itong nagsisinungaling sa kanya.

Post ng Kapuso host-actress (published as is): "Dont believe to whatever he’s saying kasi lahat ng lumalabas sa bibig nya, LIES.

"Magpapaawa effect pa yan.

"Lahat na ng pwedeng sbhin nya na he’s regretting everything and na intindihin sya kasi mag isa lang sya dito sa pinas.”

Makalipas ng ilang araw, naglabas naman ng pahayag si Nico via Facebook, June 28, 2019.

Inamin ni Nico ang lahat ng akusasyon sa kanya ni Arianne.

Bahagi ng post ng model-actor: “Alam ko kung gaano kalaki ang nagawa kong mali and pangako ko na magbabago na po ako.

"We all have mistakes and struggles, and even regret things in our past.”

Continue reading below ↓

Humingi rin ng tawad si Nico kay Arianne.

Post nito (published as is): "I want to apologize to my ex-girlfriend, Arianne for the hurt that I have caused her.

"I made a big mistake. It is indefensible and have learned a valuable lesson in life with regards to being faithful and respectful to women.”

HEAVEN PERALEJO AND JIMUEL PACQUIAO

Continue reading below ↓

Kinumpirma ni Heaven Peralejo ang relasyon nila ni Jimuel Pacquiao noong March 2019.

Si Heaven, 20, ay Star Magic talent, naging housemate sa Pinoy Big Brother Lucky 7 (2016-2017), at pamangkin ni Rica Peralejo.

Si Jimuel, 19, ay panganay na anak nina Manny at Jinkee Pacquiao.

Pero pagkalipas lamang ng limang buwan, sinabi ni Heaven na hiwalay na sila ni Jimuel.

Bagamat sinabi rin ng young actress na maayos ang paghihiwalay nila ni Jimuel, may mga lumabas na kuwentong ginagamit umano ni Heaven ang credit card ng dating boyfriend sa paggu-grocery para sa kanyang pamilya.

“Hindi naman po kasi totoo,” tanggi ni Heaven sa isang interview noong August 14, 2019.

“Wait, gusto ko lang i-clarify yung sa grocery, as in never happened yun.

“Hindi ko alam kasi never din kaming nag-grocery together.

“So I don’t know how it happened.”

Nagpaliguy-ligoy naman ang dalaga nang tanungin ang dahilan ng kanilang breakup.

Continue reading below ↓

“Siya tanungin niyo!” natatawang sagot ni Heaven.

“Siya naman may ano, e... oo, siya na lang.

“Sabihin na lang natin na ako ang nag-let go.”

Sinegundahan naman ni Jimuel ang pahayag ni Heaven at sinabing walang katotohanan ang paggamit ng dating nobya ng kanyang credit card.

“Yung lahat po ng naririnig niyo tungkol sa money, yung mga ganun, hindi po totoo yun.

“Hindi po siya ganun,” matipid na pahayag ni Jimuel sa isang interview noong August 23, 2019.

SUE RAMIREZ AND JOAO CONSTANCIA

Continue reading below ↓

Hindi man nila opisyal na inaming naging magkasintahan sila, inamin ni Sue Ramirez, 23, noong August 22, 2019, na hiwalay na sila ng BoybandPH member na si Joao Constancia, 23.

Ibinunyag din ni Sue sa interview na tumagal ng two years ang kanilang relasyon.

“Differences” ang itinuturong dahilan ng Kapamilya actress ng kanilang breakup.

“May mga differences lang po. Pero nag-uusap kami. Kanina, kausap ko siya, e,” sagot ni Sue.

Dagdag pa niya, "Madaling sabihin na yung mga differences ay hindi nagma-matter, but after two years, you’ll actually see the effect.

"Yung nakikita mo na yung effect sa ‘yo at saka sa kanya."

Sa interview naman kay Joao noong November 20, 2019, halatang umaasa pa ang binatang magkakabalikan sila ni Sue.

“I tried, we tried to fix things again, patch things together.

"Pero she wants to focus on herself muna, her career.

“I guess, sometimes, you have to let people go to grow by themselves, you know.

Continue reading below ↓

“It’s just part of who we are, I guess.

"We just need time for ourselves muna, to focus on ourselves muna po."

Sabi pa ng band member: "Pero hopefully... hopefully, things will work out again in the future. I’m praying.

“So, I wanna also give her the space that she wants.”

JOEM BASCON AND CRISHA UY

Continue reading below ↓

Pagkatapos ng walong taong pagsasama, kinumpirma ni Joem Bascon, 33, na hiwalay na sila ng kanyang live-in partner na si Crisha Uy, 31.

“Nagkaroon lang siguro ng… hanggang doon lang talaga siya.

“Kasi kapag pinilit, lalo na on my side, siguro mas gugulo pa. Mas magiging magulo.

“So, I guess, hanggang doon ko lang talaga kaya at hindi na i-continue,” pahayag ni Joem sa interview sa kanya noong December 17, 2019.

Ikinagulat ito ng marami lalo pa’t, noong January 2019, sinabi ni Joem na nagpaplano na sila ni Crisha lumagay sa tahimik.

Pero nagpapasalamat si Joem na bago pa man maging kumplikado ang sitwasyon ay nakapagdesisyon silang tapusin ang relasyon.

"Kasi, kung pinatagal ko or natuloy yung mga plano with everything, siguro mas mahihirapan kami, at mas masakit for both.

"Lalo na masakit kung madami pang involved—kung may baby, kung may kasal na involved,” paliwanag ng aktor.

Nilinaw ni Joem na walang third party sa kanilang hiwalayan, at hindi rin siya nag-atubiling aminin na nasa kanya ang problema.

Continue reading below ↓

“It’s a mutual thing nung nag-usap na kami.

“Pero, kailangan kong aminin sa lahat din para hindi na din maging tanong. It came from me talaga.

“Hanggang dun lang talaga.

"Meron lang siguro, may problema ako with myself, personal na hinahanap para sa sarili ko,” sabi ng aktor.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Popular showbiz couples who broke up this 2019: (L-R) Marlon Stockinger and Pia Wurtzbach, Gerald Anderson and Bea Alonzo, and Catriona Gray and Clint Bondad.
PHOTO/S: Mark Atienza / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results