Ellen Adarna celebrates Christmas with family, son Elias in Germany

by Arniel C. Serato
Dec 26, 2019
Ellen Adarna celebrates Christmas with her family and son in Cologne, Germany.
PHOTO/S: Courtesy: @louisetabaquero / @ellen_jlc on Instagram

Sa Cologne, Germany nagdiwang ng Pasko ang aktres na si Ellen Adarna.

Base sa mga larawang nagsilabasan sa Instagram, kasama ni Ellen sa Germany ang mga kapatid, pamangkin, at anak na si Elias Modesto.

Makikita ring in full Christmas tree costume si Ellen kasama si Elias, na parang regalo naman ang tema ng kasuotan.

Si Elias ay anak ni Ellen sa dating live-in partner na si John Lloyd Cruz.

Kapansin-pansing sexy na ulit ang dating Kapamilya star.

Continue reading below ↓

Sa in-upload namang larawan ng kapatid ni Ellen na si Mika Adarna kahapon, December 25, makikitang naka-colorful Christmas costume ang Adarna family.

Nakalagay sa caption ni Mika, "Merry Christmas from my crazy family to yours!!"

Continue reading below ↓

May isa namang netizen ang masuwerteng napagbigyan ni Ellen ng Christmas greeting habang namamasyal ito sa Germany.

Noong Pasko nitong nakaraang taon, hindi rin nakasama si John Lloyd sa traditional Christmas photo ng pamilya Adarna sa Cebu.

Pero magkasama naman sila sa family vacation sa Tokyo, Japan para sa Bagong Taon nitong 2019.

Continue reading below ↓

Agosto ngayong taon, lumabas ang mga report na naghiwalay na raw sina Ellen at John Lloyd.

Naging co-parenting na lamang daw ang status nila noong ipinagdiwang ng kanilang anak na si Elias ang unang karaawan nito noong Hunyo.

Ngunit hanggang ngayon ay nananatiling tahimik sina John Lloyd at Ellen tungkol dito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna celebrates Christmas with her family and son in Cologne, Germany.
PHOTO/S: Courtesy: @louisetabaquero / @ellen_jlc on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results