Vice-Ion, Derek-Andrea, Bianca-Ruru, Carlo-Trina, other celebrity hookups in 2019

by Bernie V. Franco
Dec 27, 2019
Celebrity couples who made noise in 2019: (L-R) Derek Ramsay and Andrea Torres, Vice Ganda and Ion Perez, and Bianca Umali and Ruru Madrid. Bianca and Ruru have yet to officially announce that they are in a relationship.
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram / Facebook

Bagamat maraming showbiz couples ang naghiwalay ngayong 2019, mayroon ding mga nagkamabutihan.

Ang ilan sa kanila ay kasama rin sa mga showbiz couples na naghiwalay ito ring 2019.

Narito ang mga celebrity hookups ng 2019.

VICE GANDA AND ION PEREZ

Malayo na ang itinakbo ng love story nina Vice Ganda, 43, at Ion Perez, 29.

Continue reading below ↓

September 2018 pa lamang ay maugong na ang pagkakamabutihan ng dalawa.

Lalong tumindi ang espekulasyong may namamagitan sa kanila dahil sa sightings sa kanila sa mga pampublikong lugar, pati na sa ibang bansa.

Bagamat wala pang kumpirmasyon, naging expressive si Ion sa kanyang Instagram posts ng pagtatangi kay Vice, gaya ng pagtawag niya rito ng “aking reyna.”

Hanggang sa inamin na rin sa wakas ni Vice ang relasyon nila ni Ion noong October 26, pagkatapos ng performance ng grupo ni Vice sa "Magpasikat" segment ng It's Showtime, bilang parte ng ika-10 anibersaryo ng ABS-CBN noontime show.

Sa kanyang speech, dinahan-dahan ni Vice ang kanyang pag-amin tungkol sa kanila ni Ion:

"At itong puntong ito, ang sarap-sarap sa pakiramdam na naramdaman kong hindi ako nag-iisa.

"Kasi, for so many years, for so many times in the past, I felt I was all alone.

"At itong pangsampung taon ng Showtime, ang suwerte ko kasi hindi na ako nag-iisa.

Continue reading below ↓

"Meron na akong katuwang sa buhay.

"I'm so happy. Hindi ko makakalimutan itong tenth year ng Showtime.

"Kasi dito sa tenth year, nakatagpo ako talaga, na sinabi ko, you don't need to be loved by the whole world, you only need yourself and one person that you love to accept and love you back.”

Tinukso si Vice ng kanyang co-hosts sa It’s Showtime.

At lumabas sa stage si Ion.

Hindi naman ito naging kagulat-gulat dahil tila kumpirmasyon na lamang ang hinihintay ng publiko, na matagal nang may suspetsang may namamagitan kina Vice at Ion.

November 5, 2019, sa isang interview kay Vice, sinabi nitong masaya siya sa positive feedback sa ginawa niyang pag-amin sa relasyon nila ni Ion.

Ibinunyag din ni Vice na isang taon na silang magkarelasyon ng boyfriend.

CARLO AQUINO AND TRINA CANDAZA

Continue reading below ↓

Isa sa mga lubos na pinag-usapan nitong 2019 ay si Carlo Aquino at ang non-showbiz girlfriend nitong si Trina Candaza.

Marami kasi sa fans nina Carlo at Angelica Panganiban ang nalungkot nang naunsiyami ang inaasahang pagbabalikan ng dalawang ABS-CBN stars, matapos ng reunion movie nilang Exes Baggage noong 2018.

Akala ng kanilang fans, bunsod na rin ng sweet interviews sa TV ng dalawang mahusay na mga artista, may second chance at love ang dalawa.

Pero naputol ang tuwa ng kanilang loyal fans nang biglang i-unfollow ni Angelica si Carlo sa social media pagsapit ng January 2019.

Lumutang din ang paparazzi shots ni Carlo kasama ang isang babae habang nagbabakasyon sa La Union.

Kalaunan ay kinilala ang kasamang babae ni Carlo na si Trina Candaza.

Sa mga sumunod na buwan ay naging tahimik si Carlo sa tunay na kaugnayan niya kay Trina.

February 2019, kinumpirma ni Carlo na siya nga ang nasa paparazzi photo na may kasamang babae, pero tumanggi siyang isiwalat ang kaugnayan niya kay Trina.

Continue reading below ↓

Paliwanag niya, “Naniniwala kasi ako na may ibang mga bagay na kailangan mong kini-keep private, para kaya mong tumayo in private. Ganun na lang yung ginagawa ko.”

Pero pagsapit ng September 2019, nag-post si Carlo sa Instagram ng larawan nila ni Trina na magkayakap, na tila kumpirmasyon ng kanilang relasyon.

Pagsapit naman ng October 2019, nag-post ng larawan sa Instagram si Trina kung saang hinahalikan niya si Carlo.

May caption itong sign language na ang ibig sabihin ay "I love you," na malinaw na indikasyon sa estado ng kanilang relasyon.

BIANCA UMALI AND RURU MADRID

Continue reading below ↓

Noong 2018 pa ay maugong na ang balita ng pagkakamabutihan ng Kapuso stars na sina Bianca Umali at Ruru Madrid, pero walang kumpirmasyon mula sa dalawa.

Nagpatuloy ito hanggang 2019.

Bagamat consistent na tahimik ang dalawa hinggil sa real score, may mga indikasyong sa kanilang social media posts na magkarelasyon na sila.

October 11, 2019, nag-post si Bianca ng larawan niyang naka-two-piece.

Nag-react dito si Ruru na tila namangha sa sexy picture ni Bianca.

"Stop," saad ni Ruru kalakip ng isang emoji na nakatakip ang mata.

Kasunod nito, nag-post din si Ruru ng litratong topless siya.

Caption ng Kapuso actor: "Look, i dont know what to say but can you please stop being so gorgeous?"

Sa comments section, tuwang-tuwa ang fans ng dalawa at pinuri si Ruru dahil sa pagiging “protective boyfie” niya kay Bianca.

November 5, lumitaw ang ilang videos at larawan sa social media kung saan makikita ang pagiging sweet nina Ruru at Bianca habang nagdu-duet sa isang videoke bar.

Continue reading below ↓

Bukod dito, may sightings din ang dalawa sa ilang pampublikong lugar.

Lalong tumibay ang hinala tungkol sa pagkakaroon nila ng relasyon nang mapaulat ang insidente sa premiere night ng pelikula nina Ruru at Jasmine Curtis-Smith na Cara X Jagger noong November 5, 2019.

Ayon sa ilang insiders, nang makita ni Bianca sa may parking area na nakasakay sa kotse ni Ruru si Jasmine at ilan pang kasamahan, umalis ito papunta sa kotse niya.

Hinabol siya ni Ruru para kausapin, subalit itinulak siya ni Bianca, at matapos nito'y muntik pang masagasaan ang binata.

Pagkalipas lamang ng dalawang araw, November 7, 2019, namataan ang dalawa sa Kapuso thanksgiving party at nakunan na magkayakap, indikasyon na nagkabati na ang dalawa.

Itinanggi rin ni Ruru na may insidenteng nangyari sa parking lot.

Pero sa kabila nito, nananatiling tikom ang bibig ng dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

MARK HERRAS AND NICOLE DONESA

February 2019 nang kumpirmahin ng beauty queen-actress na si Winwyn Marquez ang paghihiwalay nila ng aktor na si Mark Herras.

Pagdating ng July 2019, nagpo-post na sa Instagram si Mark ng mga larawang kasama si Nicole Donesa, isang newbie actress at Miss World Philippines Third Princess 2014.

Noong una, umiwas pa si Mark na sagutin ang tunay na estado ng relasyon nila ni Nicole.

Continue reading below ↓

August 22, 2019, sa isang Instagram post ng GMA Network, ay kinumpirma na magkarelasyon na sina Mark at Nicole.

DEREK RAMSAY AND ANDREA TORRES

Tatlong buwan matapos kumpirmahin ni Derek Ramsay na hiwalay na sila ni Joanne Villablanca, na nakarelasyon niya ng anim na taon, inamin ng aktor na girlfriend na niya ang Kapuso actress na si Andrea Torres.

Continue reading below ↓

Lahad ni Derek, “Yung connection naman namin, even before, wala naman kaming alam na magiging ganun kami.

“When we first met, we already had a connection, sa station ID ng GMA. We just connected then,” sabi ng aktor sa isang interview noong September 2019.

“If we’re talking about pag-aartista, yung ganyan, may connection. Then, nabuo!”

Nagkatrabaho ang dalawa sa GMA-7 primetime series na The Better Woman, na umere mula July 2019 hanggang September 2019.

Sa isang interview noong September 25, 2019, sinabi naman ni Andrea, 29, na hindi siya niligawan ni Derek.

“It just happened,” sabi niya, na sinegundahan ni Derek.

“Hindi namin plinano, e,” sabi ng aktor.

Sa ngayon, very vocal ang isa’t isa sa pagpapahayag ng kanilang pagmamahal para sa isa't isa maging sa social media.

BENJAMIN ALVES AND CHELSEA ROBATO

Continue reading below ↓

July 2019 ay nahinuha ng netizens na nagkakamabutihan na ang aktor na si Benjamin Alves at si Chelsea Robato, isang modelo na dating napanood sa 2014 ABS-CBN reality show na I Do.

July 9, 2019, may sweet posts si Benjamin sa Instagram para kay Chelsea.

Malinaw rin kung gaano kaespesyal si Chelsea sa kanya nang magkomento ito ng “you make me the happiest.”

Nang mag-post si Chelsea ng mga photos sa Instagram noong July 12, 2019 para sa kanyang birthday, kitang-kita kung gaano sila ka-close at ka-sweet ni Benjamin.

July 29, 2019, nag-post si Chelsea ng larawan nila ni Ben habang magkayakap.

Caption ng modelo: “perfect timing.”

Ganito rin ang ginawa ni Ben sa kanyang Instagram post.

Sa comments section, isang netizen ang diretsang inakusahan si Chelsea ng diumano’y pagiging third party sa paghihiwalay nina Benjamin at Julie Anne San Jose.

Sumagot si Chelsea sa netizen at itinangging naging third party siya.

Continue reading below ↓

Komento ng modelo: “Stop making things up and ASSUMING.

"I was never a third party, I have morals and I would not talk to a guy who has a girlfriend.

"Don’t even try to pin that on me."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrity couples who made noise in 2019: (L-R) Derek Ramsay and Andrea Torres, Vice Ganda and Ion Perez, and Bianca Umali and Ruru Madrid. Bianca and Ruru have yet to officially announce that they are in a relationship.
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results