Former PPB housemate Fourth Solomon now engaged to TV-print ad model girlfriend

by Bernie V. Franco
Dec 29, 2019
Fourth Solomon, a housemate of Pinoy Big Brother: All In (2014), proposes to girlfriend Grizelle Gratela while having their vacation in San Francisco, California, USA.
PHOTO/S: @grizellegratela on Instagram

Engaged na si Fourth Solomon sa kanyang girlfriend na si Grizelle Gratela, isang TV and print-ad model.

Si Fourth, 27, ay nakilala bilang housemate, kasama ang kakambal na si Fifth Solomon, sa Pinoy Big Brother: All In noong 2014.

Sina Fourth at Fifth ay mga kapatid ng Kapuso actress na si Chariz Solomon.

Nitong Sabado ng gabi, December 28, nag-post si Grizelle sa Instagram ng series of photos ng proposal sa kanya ng fiancé.

Nakaluhod si Fourth habang hawak ang singsing at isang rose, habang tila nagulat naman sa tuwa si Grizelle.

Makikita rin na si Fifth ang nagbi-video sa ginawang proposal ng kakambal.

Caption ni Grizelle sa kanyang Instagram post: “GOT ENGAGED IN SAN FRANCISCO HUHUHUHU ???? I LOVE YOU FOREVER MY BABE @fourthsolomon.

Nangyari ang proposal ni Fourth kay Grizelle malapit sa Golden Gate Bridge, San Francisco, California, kung saan nagbabakasyon ngayon ang dalawa.

Continue reading below ↓

Via Instagram ngayong Linggo ng umaga, December 29, ibinahagi naman ni Fourth ang larawan ng ginawa niyang proposal sa girlfriend sa kilalang tourist spot sa San Francisco.

Caption ng Kapamilya artist: “Ngayon lang ulit ako kinabahan sayo @grizellegratela hehehe! Thank you and I love you [smiling emoji] #Proposal

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fourth Solomon, a housemate of Pinoy Big Brother: All In (2014), proposes to girlfriend Grizelle Gratela while having their vacation in San Francisco, California, USA.
PHOTO/S: @grizellegratela on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results