Robin Padilla airs opinion on why Aga Muhlach did not win as MMFF best actor

by Arniel C. Serato
Dec 30, 2019
Robin Padilla praises Aga Muhlach's outstanding performance in the movie Miracle In Cell No. 7; encourages moviegoers to give Mindanao movie a chance.
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @robinhoodpadilla on Instagram

Nagbigay ng kanyang opinyon si Robin Padilla tungkol sa hindi pagkapanalo ni Aga Muhlach bilang best actor, para sa pagganap nito sa Miracle In Cell No. 7, sa nakaraang Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019.

Si Allen Dizon ang hinirang na best actor para sa pagganap nito sa Mindanao, na itinanghal ding best picture.

Ayon kay Robin, baka dahil adaptation mula sa South Korean film ang Miracle In Cell No. 7 kaya hindi si Aga ang nanalo.

Pahayag niya sa kanyang Instagram post kagabi, December 29 (published as is), “Sa akin opinyon baka dahil Adaptation po kasi ang miracle kaya nahirapan po ito lumusot sa criteria ng mga masusing artist at jurors

"pero sigurado po ako sa kanilang puso ay nagmarka ang miracle

"God willing may ibang award giving bodies pa naman kaya sa ngayon ay ipagdiwang muna natin ang tagumpay sa takilya ng pelikula ni Mr Aga

Continue reading below ↓

"tutal alam naman natin lahat na best actor of all time si Muhlach."

Bilang Muslim, hinikayat ni Robin ang mga Pinoy na suportahan ang pelikulang Mindanao na pinagbibidahan din ni Judy Ann Santos.

Dagdag pa niya sa kanyang post, "Suportahan rin natin ang pelikulang mindanao mga kababayan panoorin din natin kung bakit nanalo ito ng maraming awards in shaa Allah.”

Pinuri naman ni Robin si Aga dahil sa paghataw ng pelikula nito pagdating sa box office.

Balitang nakikipagtagisan ang Miracle In Cell No. 7 sa pelikula ni Vice Ganda na The Mall, The Merrier sa pagiging topgrosser.

“Mr Aga is a reasonable man i know he is very happy for that young actor from the movie Mindanao.

"Congratulations mr muhlach again you have ruled the box office and set a new trend to our movie goers and the entertainment world.

"Mabuhay ka Pare ko at pagpupugay sa sultan ng Viva Films boss vic del rosario!”

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Robin na "that young actor" ay si Allen.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robin Padilla praises Aga Muhlach's outstanding performance in the movie Miracle In Cell No. 7; encourages moviegoers to give Mindanao movie a chance.
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @robinhoodpadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results