KZ Tandingan engaged to boyfriend TJ Monterde 

by Rachelle Siazon
Dec 30, 2019
TJ Monterde on KZ Tandingan saying yes to his marriage proposal: "Thank You God, for my wife to be."
PHOTO/S: @tjmusicmonterde Instagram

Engaged na ang singers na sina KZ Tandingan, 27, at TJ Monterde, 30, na halos limang taon nang magkasintahan.

Ngayong Lunes, December 30, masayang inanunsiyo ni TJ na nag-propose siya sa girlfriend niyang si KZ.

Proud din niyang ipinakita ang litrato nila kunsaan suot ni KZ ang engagement ring na bigay niya.

Sabi ni TJ sa caption (published as is): "and Thank You God, for my wife to be. [heart emoji] #TJxKZFinally"

Saksi sa proposal ni TJ kay KZ ang ilang kapamilya at malapit nilang mga kaibigan.

Ginanap iyon sa mismong pagdiriwang ni TJ ng kanyang 30th birthday ngayong araw.

Sa January 28, 2020 ang ika-limang anibersaryo nila bilang magkasintahan.

FRIENDS TURNED LOVERS

Minsan nang ibinahagi ni KZ sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na isang taong nanligaw sa kanya si TJ bago naging sila.

Nagsimula ang kanilang love story sa pagiging magkaibigan.

Kaibigan ni TJ ang kasabayan ni KZ sa The X Factor Philippines na si Kedebon Colim.

Continue reading below ↓

Kuwento naman ni TJ, napadalas ang pagkikita nila ni KZ dahil kay Martin Nievera, na kapareho ng record label ng binata.

"Kapag isinasama ako ni Sir Martin sa mall show, andun sila kasi parang anak-anakan niya yung mga X Factor people," balik-tanaw ni TJ.

"Friends lang talaga at first. Walang love at first sight.

"'Tapos unti-unti ako na-develop sa personality niya kasi mabait, mahilig sa music, tapos we share the same faith."

HOW KZ FEELS ABOUT TJ

Nang maging magkasintahan sila, naging bukas si KZ sa pagsasabi kung gaano niya na-appreciate ang pagmamahal sa kanya ni TJ.

Gustung-gusto raw ni KZ ang pagiging maintindihin ni TJ, lalo na sa mga pagkakataong hindi sila nagkikita dahil sa trabaho.

Minsan ay nakatulugan pa raw ni KZ ang pag-Facetime nila ni TJ kapag nasa ibang bansa ang dalaga.

“Sobrang understanding niya na minsan di ko na naiintindihan, feeling ko baka nagtatampo na siya na we don't talk enough,” sabi ni KZ.

Continue reading below ↓

Alam daw kasi ni TJ na kailangan nila i-prioritize ang kanilang showbiz career dahil nagsisimula pa lang sila noon sa music scene.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TJ Monterde on KZ Tandingan saying yes to his marriage proposal: "Thank You God, for my wife to be."
PHOTO/S: @tjmusicmonterde Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results