American TV host Ryan Seacrest greets Filipinos: "Maligayang bagong taon!"

by Jet Hitosis
Jan 2, 2020
American TV host Ryan Seacrest greets Filipinos during New Year's Eve countdown at Times Square in New York City: “Maligayang bagong taon! Happy New Year to everyone in Phillipines! #2020”
PHOTO/S: @ryanseacrest on Instagram

Pagpasok na pagpasok ng taong 2020, binati ng American TV host na si Ryan Seacrest ang mga Pilipino ng Happy New Year—sa wikang Filipino!

Sa Twitter idinaan ni Ryan ang kanyang pagbati sa mga Pilipino, sa kalagitnaan ng pagho-host niya ng Dick Clark’s New Year’s Rockin’ Eve with Ryan Seacrest.

Gaya ng dati, ang annual New Year’s countdown ay ginawa sa Times Square sa New York City.

Eksaktong 12:00 ng hatinggabi nang mag-tweet si Ryan: “Maligayang bagong taon! Happy New Year to everyone in Phillipines! #2020”

Bukod sa Pilipinas, nagpaabot din ng “Happy New Year” greetings ang 45-anyos na American Idol host sa iba pang mga bansa, gaya ng Australia, Korea, Japan, Spain, France, Italy, Brazil, at Hawaii.

Pero ang pagbati ni Ryan sa Pilipinas ang nakakuha ng pinakamaraming reaksiyon—siyempre pa, mula sa mga Pilipino.

At press time, mayroon itong 6,020 reactions, mahigit 1,000 retweets, at nasa lagpas 100 ang comments.

Continue reading below ↓

Ang mga nagkomento, pawang Pinoy na na-appreciate ang ginawa ni Ryan, at gumanti ng pagbati sa kanya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nag-perform sa New Year’s Rockin’ Eve sina Dua Lipa, Post Malone, Jonas Brothers, Green Day, at ang Korean pop idol group na BTS.

RYAN TWEETS IN FILIPINO

Hindi ito ang unang beses na nakakuha ng libu-libong reaksiyon ang tweets ni Ryan para sa mga Pinoy.

January 9, 2019, sa Twitter din ipinaabot ni Ryan ang pagbati niya kay Miss Universe 2018 Catriona Gray na katatapos lang koronahan noon.

Iyon ay matapos mag-guest si Catriona sa show nina Ryan at Kelly Ripa, ang Live With Kelly and Ryan, noong January 8, 2019.

Nakasulat din sa Filipino ang pagbati noon ni Ryan kay Catriona at sa mga Pilipino.

Saad sa tweet ni Ryan: “A lot of #FilipinoPride in the audience today for @MissUniverse @Catrionaelisa! Maligayang bati sa inyong pagkapanalo!”

Ang tweet na ito ni Ryan ay mayroong 35,864 likes at 4,352 retweets.

LOVE FOR “PEOPLE OF THE PHILIPPINES”

August 7, 2012 naman nang ipinarating ng TV host-producer ang kanyang pagdamay sa mga Pilipino kasunod ng malawakang pagbaha sa Pilipinas dulot ng habagat.

Continue reading below ↓

Tweet ni Ryan: “From London to Manila, my thoughts are with the people of the Philippines. Stay safe. Stay resilient.”

Nagkaroon pa ng hashtags #BangonPH at #PrayForThePhilippines ang thread sa tweet na ito ni Ryan. Halos 3,000 ang likes at may 12,000 retweets ang tweet niyang ito.

Nang mga panahong iyon, pinatindi ng bagyong may international name na Haikui ang habagat, na nakakaapekto noon sa bansa.

Tatlong araw na tuluy-tuloy na bumuhos ang malakas na ulan, at nalubog sa baha ang buong Metro Manila at 17 pang probinsiya.

Mahigit 100 ang nasawi, at aabot sa isang milyong pamilya ang naapektuhan ng naturang trahedya.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
American TV host Ryan Seacrest greets Filipinos during New Year's Eve countdown at Times Square in New York City: “Maligayang bagong taon! Happy New Year to everyone in Phillipines! #2020”
PHOTO/S: @ryanseacrest on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results