Angelica Panganiban recalls how she survived heartbreaks in the last decade

by Rachelle Siazon
Jan 2, 2020
Angelica Panganiban on heartbreaks involving the men that she loved -- Derek Ramsay, John Lloyd Cruz, and Carlo Aquino: "Naniniwala akong pinilit tanggalin ni Lord ang mga taong hindi mo na kailangan sa buhay mo."
PHOTO/S: @iamangelicap / @ramsayderek07 / @victoria_belo / @joshenvahnlee Instagram

"Sa loob ng sampung taon, literal na roller coaster ride."

Madamdaming binalikan ni Angelica Panganiban ang lahat ng sakit at pagsubok na pinagdaanan niya sa loob ng isang dekada, partikular na mula 2010 hanggang 2019.

Pahayag ni Angelica (published as is): "Nawalan ng mga kapamilya, karelasyon, kaibigan.

"May mga araw na hindi ko alam kung kakayanin ko pa bumangon. Nang literal.

"Ayoko nang tumayo. Ayoko na tumawa. Ayoko na.

"Pero ginawa akong matibay ng panahon at panginoon."

Hindi kaila sa publiko ang tatlong beses na pagkabigo ni Angelica sa pag-ibig.

February 2012 nang maghiwalay si Angelica at boyfriend niyang si Derek Ramsay.

Sa anim na taon nilang naging magkarelasyon, limang taon doon ay nagsama sila sa iisang bubong.

Sumunod na nakarelasyon ni Angelica si John Lloyd Cruz, pero natuldukan din ang kanilang mahigit tatlong taong relasyon noong January 2016.

Noong 2019, inamin ni Angelica na lubos siyang nasaktan nang paasahin siya umano ng ex-boyfriend na si Carlo Aquino na mayroon silang espesyal na pagtitinginan.

Continue reading below ↓

Pero paulit-ulit mang nasaktan si Angelica, natutunan daw niyang hindi dapat sinusukuan ang mga pagsubok.

Paliwanag ng 33-year-old actress: "Sa kabila ng lahat ng nawala, nakasakit at nasaktan ko, hindi ka dapat dun mag tapos.

"Hindi ka dapat tapusin ng sakit. Kasi ang sakit ang magpapatibay sayo.

"Yun pala ang kailangan mo para makabangon."

Patuloy pa ni Angelica, naniniwala siyang may mabuting dahilan sa likod ng mga pangit na karanasan.

"Sa kabila ng lahat, takot pa rin ako magtiwala. Parte na siguro yun ng napag daanan.

"Sa kabila ng lahat hindi ako sumuko mag dasal. Dahil mas marami akong dapat ipagpasalamat.

"Naniniwala akong pinilit tanggalin ni Lord ang mga taong hindi mo na kailangan sa buhay mo.

"Dahil hinahanda ka niya sa mga tao na nararapat sa ano ka at kaya mong ibigay."

FAMILY ISSUES

Bukod sa kanyang heartbreaks, matinding pagsubok din kay Angelica nang malaman niya bandang January 2010 na hindi niya tunay na mga magulang ang mga kinagisnan niyang nagpalaki sa kanya.

Continue reading below ↓

Hinanap ng aktres ang tunay niyang mga magulang, hanggang sa personal niyang makilala ang kanyang American father na si Mark Charlson noong December 2010.

Napag-alaman din ni Angelica na ang kanyang biological mother ay pumanaw sa Singapore noong 2008.

"Nalaman kong adopted ako, nagtago ako ng ilang buwan sa pamilya ko. Dahil hindi ko alam paano sila haharapin. Nahihiya ako sa kanila.

"Nakilala ko ang mga kadugo ko. Para lang siguro malagyan mo ng mukha yung mga taong nasa imahinasyon mo lang."

Sunud-sunod din daw ang pagsubok sa kanyang pamilya.

"Iniwan din kami ni mommy mila pagkatapos ng ilang taon.

"Kasabay ng taon na yun, nagkaroon ng cancer si mama. And we survived. Hindi nag tagal, si papa naman ang namahinga."

Pumanaw ang adoptive grandmother ni Angelica na si Melania noong May 2013.

Ang adoptive mother niyang si Annabelle ay nalampasan ang sakit na cancer, habang ang kanyang adoptive father ay pumanaw noong April 2017.

Continue reading below ↓

BETTER YEARS AHEAD

Sa pagpasok ng bagong dekada, baon daw ni Angelica ang mga mahahalagang aral na natutunan niya.

"Sa sampung taon natuto akong magpatawad.

"Natuto akong ipagdasal pa rin sila. Magdasal na hindi mawala sa akin ang aspeto na yun.

"At natuto akong bigyan ng atensyon ang sarili ko at ang mga tunay na nagmamahal sakin."

Umaasa pa rin daw si Angelica na darating ang araw na muli siyang magiging bukas sa bagong pag-ibig.

"Naniniwala akong mas magiging mainam ang mga darating na taon. Ika nga nila, kapag lugmok ka na, wala ka ng ibang pupuntahan kundi pataas.

"Mabuhay ang mga taong patuloy na lumalaban, nagdadasal at hindi sumusuko sa pagibig. The best is yet to come [balloon emoji]

"Salamat sa mga kaibigan at mga mahal sa buhay na patuloy akong pinipiling makasama sa buhay nila. Hindi ko kayo bibiguin. Cheers to 2020 [hearts and peace emojis]"

Ibinahagi ito ni Angelica sa kanyang Instagram post noong December 31.

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na Instagram Story, pabirong idinagdag din ng aktres ang isang tweet na nagsasabing "New Year Wish: Sana sa 2020 wala nang mga 0202."

Sabi pa ni Angelica, "Dasal ko sa sarili ko at sa inyong lahat na mabilis ma-fall sa mga pa-fall."


Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban on heartbreaks involving the men that she loved -- Derek Ramsay, John Lloyd Cruz, and Carlo Aquino: "Naniniwala akong pinilit tanggalin ni Lord ang mga taong hindi mo na kailangan sa buhay mo."
PHOTO/S: @iamangelicap / @ramsayderek07 / @victoria_belo / @joshenvahnlee Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results