Gerald Anderson looks back on biggest controversy he faced in 2019

by Bernie V. Franco
Jan 2, 2020
Gerald Anderson on the biggest controversy he faced in 2019: "Kung ano po yung natutunan ko, personally, something that, you know, sa personal life ko, is something that I really want to keep for myself."
PHOTO/S: Mark Atienza

“It was a tough year.”

Ganito inilarawan ni Gerald Anderson, 30, ang nagdaang 2019 dahil sa kinasangkutang kontrobersiya hinggil sa paghihiwalay nila ng dating girlfriend na si Bea Alonzo, 32.

July 21, 2019, naging usap-usapan ang makahulugang Instagram post ni Bea—isang black picture kalakip ang ganitong caption (published as is):

"you can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice

"ENOUGH."

Indikasyon pala ito ng pagtatapos ng two-year relationship nila ni Gerald.

Sa sumunod na mga linggo, tinutukan ng madla ang masalimuot na breakup ng dalawa, kung saan ang itinuturong diumano’y third party ay si Julia Barretto, 22.

GERALD DESCRIBES PAST CONTROVERSY AS “CRAZY”

Ngayon ay nagagawa nang tawanan ni Gerald ang pinagdaanang isyu, na tinalakay niya sa episode ng ANCX lifestyle show na Ces & the City bago matapos ang 2019.

Sa interview ng ABS-CBN anchor na si Ces Drilon, nagbalik-tanaw si Gerald sa pinagdaanang isyu, na isa sa mga pinakamalaking balita sa bansa noong 2019.

Continue reading below ↓

Sa katunayan, maging ang mga kilalang personalidad—artista at mga pulitiko—ay naghayag ng kanilang opinyon tungkol sa Bea-Gerald breakup.

Tinukso pa ni Ces si Gerald na kahit si Associate Justice of the Supreme Court of the Philippines Marvic Leonen ay nag-tweet tungkol dito.

Tweet ni Leonen noong August 7, 2019: “Dear Bea and Julia, is he really worth it? #JustAsking”

Continue reading below ↓

Sumasailalim noon si Gerald sa training sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan para sa kanyang upcoming ABS-CBN primetime series na A Soldier’s Heart, nang malaman niya ang tungkol sa tweet ni Leonen.

Lahad niya, “Ang nakakatawa nito, pumunta ako sa Camp Tecson, I did a three-day training.

“Bawal cell phone, so medyo nai-stress ako because medyo kainitan pa nung isyu…

“I was like, ‘Oh, my goodness!’ Alam mo yung… ayoko yung ako yung huling…

“Every day, may panibagong nangyayari, parang ako yung mahuhuli sa balita. ‘Ano kayang nangyayari?’ Ganyan-ganyan.

“But, nag-mindset ako na ibigay ko na, bahala na paglabas ko rito.

“Whatever happens, happens. Bahala na…

“And I see yung sundalo, parang nagpi-Facebook, nakita ko sa malayo.

“'Tapos sabi niya, ‘Sir, parang umabot na yata sa Supreme Court ba ‘to?’

"And then I’m, like, 'Sige, Sir, balik muna ako dito sa training.’ Hahaha!

“Doon ko nakita, ‘Ha? Supreme Court?’

"But that’s social media for you. It’s so crazy. It’s so crazy."

Continue reading below ↓

GERALD ON THE LESSON HE LEARNED FROM ISSUE

Panunukso ni Ces kay Gerald, marahil nakahinga na siya nang maluwag na natapos na ang 2019.

“Of course, it was a tough year,” sambit ng Star Magic artist.

Inusisa rin si Gerald kung ano ang masasabi niya na dahil sa isyu ay nagkaroon siya ng negatibong imahe sa publiko, gaya ng kung paano niya tratuhin ang mga babae.

Ayon kay Gerald, ayaw niyang makaramdam ng pagsisisi bunsod ng karanasan.

Pero may natutunan daw siya sa nangyari.

“I think, one thing I learned is I’m a very... in a way, I’m a very open [person].

“I share a lot, lalo na sa interviews, e. I share a lot.

“And I think that also got me into trouble, not in the way na parang andami kong [niri-reveal]…

“I share who I really am, yung ganun… and andami ko pong natutunan with everything that happened.

“And kung ano po yung natutunan ko, personally, something that, you know, sa personal life ko, is something that I really want to keep for myself.

Continue reading below ↓

“And I don’t wanna come off, Iike, I wanna say sorry or explain myself, hindi...

"It’s more of, ‘Okay, ito ang nangyari. What happened? Oh, this happened. Okay, now I know.'

"Alam mo yun? I’ll just keep that with me,” paliwanag ni Gerald.

GERALD ON BEING JUDGED BY NETIZENS

Aminado si Gerald na nakatanggap siya ng maraming pambabatikos at panghuhusga, lalo na sa social media.

Hindi raw ito naging madali.

“Minsan hindi maiwasan because, nadadaanan mo, ‘e. Wala ka nang choice, e.

“Once pag mababasa mo yung first three words, parang wala na, tatapusin mo na talaga.

“So, mahirap.”

Mas naging mahirap din daw kay Gerald dahil kahit ang mga taong importante sa kanya ay nadamay dahil sa kinasangkutang kontrobersiya.

Kaya importante raw na umiwas sa social media paminsan-minsan—may isyu man o wala.

Saad niya, “Even if wala akong... kahit hindi ka bina-bash sa social media, everyone needs to take a break from social media from time to time.

Continue reading below ↓

"Kasi, in a way, mabigat din siya.

“I follow things on social media that would inspire me and puro positivity, minsan pag pumunta ako sa account ko… it’s very hard sometimes, and not just for me, but siyempre para sa mga taong malapit sa akin, sa mga tao sa paligid ko.

“Wala naman silang kinalaman dito sa trabaho ko, sa personal life ko, relationship or struggles, pero madadamay pa sila."

Isa na raw rito ay ang kanyang ina, si Evangeline Opsima, na isa sa mga masugid na nagtanggol kay Gerald sa gitna ng isyu.

Ayon kay Gerald, nang pumutok ang isyu ay tinawagan niya ang ina para huwag na itong sumali pa sa isyu.

Pagbabahagi niya, "Siyempre, nung kainitan ng lahat, siya ang una kong tinawagan.

"Sabi ko, 'Ma, iwan mo na sa akin ito. Just let this pass, walang magsasalita, huwag maingay. Masyadong maraming involved. People I care about are involved, let's just be quiet.'

Continue reading below ↓

"Minsan, you just have to let things go and choose your battles."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson on the biggest controversy he faced in 2019: "Kung ano po yung natutunan ko, personally, something that, you know, sa personal life ko, is something that I really want to keep for myself."
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results