Robin Padilla defends Pope Francis against bashers

by Jet Hitosis
Jan 3, 2020
Actor Robin Padilla (left) slams those who criticized Pope Francis (right) after the Catholic Church leader slapped the hand of a female devotee who grabbed and yanked the 83-year-old pontiff while he was busy greeting pilgrims at St. Peter's Square in Vatican on New Year's Eve, December 31.
PHOTO/S: @robinhoodpadilla on Instagram, screen-grabbed from AFP TV

Ipinagtanggol ni Robin Padilla si Pope Francis, na nakatikim ng pamba-bash sa unang araw ng 2020.

Binatikos ng ilang netizens ang Santo Papa makaraang hampasin nito ang kamay ng isang babaeng deboto, na bigla na lang humatak sa kamay ng 83-anyos na Catholic Church leader 'tsaka ito kinabig palapit.

Kabilang ang babae sa mga Katolikong nagtipun-tipon sa labas ng St. Peter’s Square sa Vatican nitong New Year’s Eve, December 31, upang masilayan si Pope Francis.

Sa video ng insidente na kumalat sa social media kinabukasan, January 1, makikitang biglang hinagilap ng babae ang kamay ng noon ay palayo nang Papa.

Napaharap at muntik nang masubsob ang nagulat na Argentine pope, at bakas ang pagkairita sa mukha habang pilit binabawi ang kamay sa pagkakahawak ng babae.

Pero hindi binitiwan ng babae ang kamay ng Papa, kaya dalawang beses na hinampas ng huli ang kamay ng deboto upang bitiwan siya nito.

Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang ginawa ni Pope Francis, at pinuna ang galit na ipinakita ng Papa sa deboto na humantong nga sa paghampas sa kamay ng huli.

Continue reading below ↓

POPE FRANCIS ADMITS LOSING PATIENCE; APOLOGIZES

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang Santo Papa sa mga Katoliko sa nangyari.

Bago simulan ang kanyang New Year’s Day address nitong Miyerkules, sinabi ni Pope Francis: “Love makes us patient. So many times we lose patience, even me, and I apologize for yesterday's bad example."

Kinabukasan, January 2, sa pamamagitan ng isang Instagram post ay dinepensahan ng aktor na si Robin Padilla ang leader ng mahigit isang bilyong Katoliko sa mundo, kasunod ng natanggap nitong pamba-bash.

ROBIN VERSUS POPE’S BASHERS

Ipinost ni Robin ang isang lumang litrato ng Papa.

Caption niya (published as is): “Pati ba naman ang Holy Pope ng mga katoliko binabash! talaga bang wala na talagang respeto ang mga tao?”

Giit ng 50-anyos na aktor, “natural lang” ang naging reaksiyon ni Pope Francis dahil makikita naman umano sa video na nasaktan ito sa ginawa ng deboto.

“Napanood ko ang video kitang kita sa video na hinatak ng babae ang holy pope habang nasa alanganin na posisyon at sa idad ng holy pope sigurado ako nasaktan siya natural lang na magreact siya,” bahagi ng post ni Robin.

Continue reading below ↓

Binigyang-diin ni Robin, isang Muslim, na ipinagtanggol niya si Pope Francis kahit pa hindi sila pareho ng relihiyon.

Kasabay nito, hinimok ng Robin ang mga Katoliko na depensahan ang Santo Papa, gaya ng ginawa niya.

Post ni Robin: “Im a muslim and im defending him i hope the catholics will do the same. May Allah have mercy on us”

CATHOLICS THANK ROBIN

Sa comments section, marami ang humanga at nagpasalamat kay Robin sa pagtatanggol sa Catholic Church leader kahit Muslim ang aktor.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sang-ayon sila sa observation ni Robin na nasaktan si Pope Francis sa nangyari, batay sa reaksiyon ng mukha nito nang hatakin ng deboto.

Continue reading below ↓

Kaya, anila, hindi tamang i-bash ang Catholic leader dahil sa naging reaksiyon nito sa natamong pananakit dahil “tao rin nman c Pope Francis.”

Komento pa ng isang netizen, “ilang beses na nga natumba yon habang nagmimisa.”

Continue reading below ↓

Giit ng followers ni Robin, walang respeto ang babaeng deboto para biglaang hatakin nang ganun ang 83-anyos na Papa.

Dagdag ng isa pa, kung may dapat i-bash sa nangyari, yun ay ang deboto at hindi si Pope Francis—na “Tao Lang din.”

Nitong December 26 lang, ipinost ni Robin sa Instagram ang mensahe ng pakikiisa ni Pope Francis sa mga Pilipino sa kasagsagan ng pananalasa sa bansa ng bagyong Ursula.

Continue reading below ↓

Caption ng aktor sa litrato ng Santo Papa: "the Pope said, 'I unite myself to the suffering that has hit the beloved people of the Philippines because of the typhoon.'"

View this post on Instagram

the Pope said, "I unite myself to the suffering that has hit the beloved people of the Philippines because of the typhoon."

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Robin Padilla (left) slams those who criticized Pope Francis (right) after the Catholic Church leader slapped the hand of a female devotee who grabbed and yanked the 83-year-old pontiff while he was busy greeting pilgrims at St. Peter's Square in Vatican on New Year's Eve, December 31.
PHOTO/S: @robinhoodpadilla on Instagram, screen-grabbed from AFP TV
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results