Ella Cruz hits back at body-shamers: "Pagka artista, bawal ba tumaba?"

by Jet Hitosis
Jan 3, 2020
Ella Cruz addresses body-shamers: “Pagka-artista bawal ba tumaba? Kailangan lagi namin ginugutom sarili namin para ma-maintain yung gusto nyo?"
PHOTO/S: @ellacruz on Instagram

Binuweltahan ni Ella Cruz ang netizens na nagsabing tumaba siya, matapos siyang mapagkamalang buntis ng mga ito.

Kabilang ang mga ito sa mga komentong natanggap ng 23-anyos na actress-dancer makaraan niyang i-upload sa YouTube ang kanyang latest video habang sumasayaw ng “Psycho” ng Korean all-girl group na Red Velvet.

Nitong Huwebes, January 2, ipinost ni Ella sa Instagram ang parehong video, na ang caption ay direktang patama sa kanyang body-shamers.

Caption ni Ella (published as is): “EDIT: KATATAPOS LANG NG PASKO AT BAGONG TAON.

“Hindi ba pwedeng busog lang? Tsk (unamused face emoji)

“New fave song!! Full cover? #psycho #redvelvetpsycho #getwellsoonwendy @redvelvet.smtown”

Kahit ganito na ang caption, ilan pa ring Instagram followers ni Ella ang muling nag-usisa kung nagdadalantao siya dahil daw sa kanyang “baby bump.”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang isang follower ni Ella, prangkang nagkomento na “tumataba na” ang dancer-actress, habang isa pa ang nagsabing “anlaki ng tyan” ng dalaga kaya ito nadya-judge.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Kasunod ng post niyang ito sa Instagram, sa Twitter naman nagpakawala ng serye ng posts si Ella laban sa “BODY SHAMING.”

Ayon sa young actress, “depressing” na sinasadyang tutukan ng iba ang mga negatibong bagay sa buhay kaysa “positive vibes.”

Tweet ni Ella: “It is depressing! Everyone’s trying their best tapos all these people do is look for the negative side!

“Why not help them boost their confidence? Spread positive vibes.

“Masarap mabuhay ng ganun. (heart emoji) all love. No hates.”

Dagdag ni Ella, confident siya sa sariling katawan kaya nga niya ginawa ang video, pero “people body shaming me” sa pagsasabing tumaba siya at napagkakamalan pang buntis.

Saad sa ikalawang tweet ni Ella: “i feel confident with my body that’s why I posted the video but people body shaming me saying ‘tumaba ka.’ ‘Buntis ka ba?’

“Makes me feel bad about myself.

“STOP BODY SHAMING! Or more like STOP SAYING NEGATIVE THINGS TO OTHERS,” saad sa tweet ni Ella.

Continue reading below ↓

Sa huli niyang tweet, sarkastikong nagtanong ang young actress kung kailangan bang magpakagutom ng mga artista para hindi maituring na mataba.

Tweet ni Ella” “Pagka-artista bawal ba tumaba? Kailangan lagi namin ginugutom sarili namin para ma-maintain yung gusto nyo?

“Katatapos lang ng pasko at bagong taon, hindi ba pwedeng bakasyon din ang pagdiet? (laughing with tears emoji).

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ella Cruz addresses body-shamers: “Pagka-artista bawal ba tumaba? Kailangan lagi namin ginugutom sarili namin para ma-maintain yung gusto nyo?"
PHOTO/S: @ellacruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results