Bea Alonzo says being ghosted by ex-boyfriend is "disrespectful"

by Bernie V. Franco
Jan 3, 2020
Bea Alonzo on ghosting experience from ex-boyfriend: "Leaving somebody without saying goodbye is such an asshole thing to do."
PHOTO/S: Noel Orsal

Maiksi pero malaman ang mga salitang binitawan ni Bea Alonzo, 32, tungkol sa lagay ng kanyang puso matapos ang controversial breakup nila ng dating boyfriend na si Gerald Anderson, 30, noong 2019.

Nagsalita si Bea sa January 2020 cover story ng Esquire Philippines online.

Tinalakay sa artikulo ang kontribusyon ni Bea sa showbiz industry bilang mahusay na aktres.

Pero hindi naiwasang makapagbitaw ni Bea ng hugot tungkol sa kontrobersiyal na hiwalayan nila ni Gerald noong July 2019.

Sabi ng Kapamilya actress: “I’m so over it, baka mag feeling-guwapo pa ‘yung ex ko…

"Leaving somebody without saying goodbye is such an asshole thing to do.

"I’m sorry but I can’t think of a perfect word for it—it’s so disrespectful.”

BEA ALONZO BEING GHOSTED

Noong kasagsagan ng isyu, naging trending topic ang salitang “ghosting” dahil sa pagbubunyag ni Bea tungkol sa biglang pag-iwan sa ere sa kanya ni Gerald.

Ang "ghosting" ay tumutukoy sa biglaang hindi pagpaparamdam ng isang tao sa karelasyon nito nang walang ibinibigay na paliwanag o dahilan.

Continue reading below ↓

July 21, 2019 nang gumawa ng Instagram post si Bea kung saan ipinahayag niyang napuno na siya dahil sa pangalawang pagkakamali na ginawa sa kanya ng isang tao.

Tumaon naman ito sa pagkalat sa social media ng paparazzi shots ni Gerald kasama si Julia Barretto, 22.

At sumambulat na nga sa publiko ang balitang pagtataksil umano ni Gerald kay Bea.

Pagkalipas ng ilang araw, nagbigay ng maiksing pahayag si Bea na wala silang formal breakup ni Gerald, at bigla na lamang siyang hindi kinausap nito.

"Because honestly, to my understanding, we did not break up.

"He just started not talking to me,” pahayag ni Bea sa TV Patrol interview noong July 26, 2019.

Sa Esquire article, hindi binanggit ang pangalan ni Gerald, “because this is all about Bea,” ayon pa sa artikulo.

Gayunpaman, ang mga reference at mga salitang ginamit ay malinaw na tumutukoy sa pinakahuling nakarelasyon ng aktres—si Gerald.

Continue reading below ↓

Sa isang bahagi ng artikulo, na isinulat ni Mookie Katigbak Lacuesta, binanggit na focused ngayon si Bea sa kanyang trabaho at nais niyang magmarka ang kanyang gagampanang roles.

At malaking tulong daw sa kanyang pagkatao ang ginawang pang-iiwan sa kanya.

“I didn’t know that the one thing that could kill me could actually bring me back to life.

“I’ve never felt so alive,” pakli ni Bea.

Dulot daw ng karanasan, napagtanto ni Bea kung ano pa ang kaya niyang gawin nang hindi umaasa sa iba.

“I’m rediscovering myself right now—that’s actually what I’m excited about.

"I’ve always been in a relationship, that’s the thing, [so] it’s very liberating that, right now, I’m setting my goals just for me.

"I don’t have to think of another person; right now, all I want is to do a lot of movies and see if they can compete outside the country.”

Binanggit din sa Esquire article ang pagkilala kay Bea ng Variety magazine bilang isa sa Up Next: Asian Stars, na tumutukoy sa Asian actors na may malaking potensiyal na mapansin sa international scene.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo on ghosting experience from ex-boyfriend: "Leaving somebody without saying goodbye is such an asshole thing to do."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results