Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Fans ni Alden Richards, umupa ng digital billboards bilang birthday greeting sa kanya

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Jan 3, 2020
Bukod sa digital billboards, nag-alay rin ng mass para kay Alden Richards ang kanyang fans sa 28 parishes nationwide at sa iba pang simbahan sa ibang bansa para i-celebrate ang kanyang birthday.
PHOTO/S: @aldenrichards02 Instagram

Sobrang thankful si Alden Richards sa pagbating ipinakita sa kanya kahapon, January 2, ng kanyang fans.

Ika-28th birthday ni Alden kahapon at bilang pagbati, umupa ng apat ng billboards ang kanyang fans kunsaan ipinakita ang digital na pagbati sa kanya ang mga ito.

Ang effort ay sa pangunguna ng League of Alden Angels and Warriors, Solid A Originals, at NSSA.

Bukod sa digital billboard greetings, may pamisa rin kahapon sa 28 parishes nationwide at iba pang churches sa ibang bansa ang iba pang fans ni Alden.

Sabi naman ni Alden tungkol sa lahat ng ginawa ng kanyang fans para sa kanyang birthday: "Sobrang big deal iyon. Kasi nakita kanina yung isa, e. Papunta ako ng trabaho, nakita ko yung isang L.E.D. na binabati ako ng happy birthday na sobrang unusual.

"Sobrang nakakatuwa. Tapos parang makes me wanna do more for them. Parang gusto kong mag-give back and para hindi masayang yung suporta nila sa akin."

Continue reading below ↓

At bilang pag-give back, magkakaroon siya ng concert para sa kanyang fans sa Enchanted Kingdom. Ibibigay rin nila ng kayang kapatid na si Riza ang napanalunan nitong Php 40,000 sa mga Aetas sa Tarlac bilang tulong.

Naging contestant si Riza sa Eat Bulaga segment na "Bawal Judgmental" at ani Alden, tulong nilang magkapatid sa mga Aetas sa Tarlac ang pera para sa school supplies at iba pang pangangailangan ng mga ito.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Samantala, nag-host din ng simpleng salu-salo si Alden kahapon para sa kanyang pamilya, close friends, at opisyales ng GMA Entertainment Group.

Sa intervew naman ni Audrey Carampel ng 24 Oras, nabanggit naman ang naka-lineup na proyekto ni Alden sa simula pa lang ng 2020: Ang pumpalit sa Sunday PinaSaya na AOS, ang pagho-host ng isang children's singing search, at ang kanyang 10th anniversary concert.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa digital billboards, nag-alay rin ng mass para kay Alden Richards ang kanyang fans sa 28 parishes nationwide at sa iba pang simbahan sa ibang bansa para i-celebrate ang kanyang birthday.
PHOTO/S: @aldenrichards02 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results