Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Coleen Garcia denies claim she is unhappy with husband Billy Crawford

by Bernie V. Franco
Jan 3, 2020
Coleen Garcia says her being out of the limelight may be the reason why some people assume that she is unhappy in her marriage with Billy Crawford.
PHOTO/S: Noel Orsal / @billycrawford on Instagram

Sinagot ni Coleen Garcia, 27, ang isyung hindi siya masaya sa pagsasama nila ng asawang si Billy Crawford, 37.

Dalawang linggo na ang nakararaan, isang netizen ang nagkomento sa Instagram post ni Billy.

Sabi ng netizen, hindi raw mukhang masaya si Coleen at nawala raw ang saya nito simula nang ikasal siya kay Billy.

Ikinasal sina Billy at Coleen noong April 20, 2018.

Pero mariing itinanggi ni Coleen ang paratang na ito ng netizen.

Ayon sa aktres, ang pagiging tahimik niya marahil ang dahilan kung bakit may mga taong nag-iisip na hindi siya masaya sa buhay may-asawa.

“I really don’t know. Maybe because they don’t see me often anymore.

“Ang hirap din yung hindi nag-a-update.

“I don’t know... I just feel, like, I really needed this time of silence for myself, and I really needed to take a step back and reassess everything in my life.”

Paniniyak pa ni Coleen, “Pero that doesn’t mean I’m not happy.

Continue reading below ↓

“Actually, I really feel that I’m at my happiest right now.”

Nakausap ng showbiz reporters, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), si Coleen sa sa press conference ng upcoming movie na Mia.

Ginanap ang presscon sa Limbaga 77 Restaurant, Tomas Morato, Quezon City, nitong Biyernes, January 3, 2020.

BILLY HITS BACK AT BASHER

Sinuportahan din ni Coleen ang pagpatol ni Billy sa netizen na nagkomento ng hindi maganda tungkol sa kanya.

“Kasi hindi naman talaga totoo," sabi niya.

"And we don’t want people to believe that naman, to people to go on talking like they believe it kung hindi naman talaga totoo.

“I mean, if it’s just really easy to dispel a rumor just like that, then…

“Si Billy kasi, mapatol, e.

“Tama din lang naman i-answer para malaman din kung totoo o hindi.”

Ang Mia ang first title role ni Coleen sa pelikula kahit na matagal na siya sa showbiz.

Continue reading below ↓

Tumagal din ng halos dalawang taon bago gumawa muli ng pelikula ang ABS-CBN actress.

Ang huling pelikula niya ay ang Sin City noong 2018.

Ipalalabas ang Mia sa mga sinehan sa January 15, 2020.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coleen Garcia says her being out of the limelight may be the reason why some people assume that she is unhappy in her marriage with Billy Crawford.
PHOTO/S: Noel Orsal / @billycrawford on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results