Coleen Garcia confirms James Reid, Nadine Lustre spent New Year's Eve together amid reported breakup

by Bernie V. Franco
Jan 3, 2020
Coleen Garcia confirms spending New Year's Eve with Nadine Lustre and James Reid, who were reported to have broken up.
PHOTO/S: Noel Orsal / @james on Instagram

Nagbigay ng maikling pahayag si Coleen Garcia hinggil sa balitang hiwalay na sina James Reid at Nadine Lustre—na kilala rin sa kanilang tambalang JaDine.

Malapit na kaibigan ni Coleen at ng mister niyang si Billy Crawford sina James at Nadine.

Ayon kay Coleen, kasama niya sina James at Nadine sa pagsalubong nitong Bagong Taon.

Kabilang kasi sina Billy at James sa mga nag-perform sa New Year Countdown sa Bonifacio Glocal City, Taguig, noong December 31, 2019.

Unang tinanong kay Coleen kung paano nila sinalubong ni Billy ang New Year.

“Tahimik lang, e, nag-countdown siya sa BGC, kasama namin sina Sam Concepcion.

“Nandoon din si Bamboo and then, after that, we just went to our friend's house,” sabi ni Coleen sa presscon ng kanyang upcoming movie na Mia, na ginanap nitong Biyernes, January 3, 2020.

Kasama ba nila sina James at Nadine?

“Actually, yes, kasama namin sila after the countdown,” sagot niya.

Continue reading below ↓

Umiwas naman si Coleen nang usisain kung may alam siya tungkol sa balitang hiwalay na ang dalawa.

Aniya, “Sinasabi ko lang naman, nakasama namin sila. Wala naman akong ibang sinasabi.”

Aware ba siya sa balitang hiwalay na sina James at Nadine?

“Hindi,” paiwas na sagot ng aktres.

“Yung kay Billy nga, hindi ako aware, sa sariling kong asawa, sa ibang tao pa kaya?”

Sa obserbasyon niya noong New Year countdown, maayos ba ang relasyon nina James at Nadine?

“Base sa na-observe ko, I mean, the fact na magkasama sila, isn’t that enough for you?" natatawang sagot ni Coleen.

“I mean, everybody’s okay, everybody’s okay.

“Yun yung importante, everybody’s happy.”

Dagdag pa niya, “Whatever their issue is, I’m sure they can answer that.”

Tinanong din si Coleen kung gaano ba siya kalapit kina James at Nadine.

“We’re friends," pakli niya.

“They talk to us minsan if may problems, and the same din lang naman.

Continue reading below ↓

“Ako, just regular friendship, pero hindi naman super, super, super close.

“But, yeah, we’re friends.”

Nitong Bagong Taon, naiulat sa Cabinet Files ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) na may mga malalapit na tao kina James at Nadine na aware sa nangyaring hiwalayan ng dalawa.

Lalong naintriga ang iba tungkol dito dahil sa sunud-sunod na matalinhagang Instagram posts ni Nadine.

Pero, at press time, wala pang opisyal na pahayag sina James at Nadine tungkol sa balitang hiwalayan nila.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coleen Garcia confirms spending New Year's Eve with Nadine Lustre and James Reid, who were reported to have broken up.
PHOTO/S: Noel Orsal / @james on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results