William Martinez opens up about his depression, fellow Regal Babies, ex-wife Yayo Aguila

by Jerry Olea
Jan 3, 2020
William Martinez on possible reconciliation with ex-wife Yayo Aguila: “Huwag ka nang umasa. Basta, pag patay na, patay na. Huwag mo nang buhayin pa. Baka mangamoy-bangkay!”
PHOTO/S: Jerry Olea

Naholdap ang beteranong aktor na si William Martinez noong Nobyembre 2010 sa Quezon City.

Natangay ang kanyang cellphone, alahas, at dolyares na humigit-kumulang kalahating milyong piso ang halaga.

Na-depress siya, at kapagkuwan ay na-stroke.

“Limang taon akong hindi lumalabas. Hindi ako makapagsalita, e,” matamang lahad ng 53-anyos na aktor nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng pelikulang Mia nitong Enero 3, Biyernes ng hapon, sa Limbaga 77 restaurant, Quezon City.

“2015 na ako lumabas. Ang ginawa ni Gabby [Concepcion], ‘Pare, labas ka! May shooting ako sa Quezon [Memorial] Circle.’

“Pagdating ko, nakita ko si Dina [Bonnevie]. Sabi ko, ‘Ba’t si Dina, lumaki na?’

“Parang nag-mature. Kasi, nawala ako ng limang taon, e.

"Nakalimutan ko na ang hitsura ng lahat. Sabi ko, parang tumanda lahat.

“Sabi ko, ‘Dins, did you gain weight?’ Sabi niya, ‘Hehehehehehe!’ Hindi ko alam, e.”

Contemporaries noong 1980s bilang Regal Babies sina William, Gabby, Dina, Maricel Soriano, at Snooky Serna.

Continue reading below ↓

“Si Maricel, nakita ko the last time, sa TV. Sabi ko—hindi masama ang meaning, sa mind ko lang—mukhang matrona si Maricel.

“Tumanda na kami. Lahat kami, e. Totoo naman. It’s true, di ba?”

DID SNOOKY ASK WILLIAM ON A DATE?

Naramdaman na rin niyang gurang na siya?

“Naramdaman ko pero sa self ko, hindi ko nakita yun, e.

“Nawala ako sa circulation nang matagal... Si Snooky, barkada ko yun.

"One time, I saw her. Sabi niya, ‘Iam, wala akong boyfriend.’ ‘Manigas ka!’ sabi ko.

“Ha! Ha! Ha! Hindi, joke! Kasi, she knows me. Iyong boyfriend niya, best friend ko, e.

“So, anyway, one time, dumating iyong best friend ko na dating vice governor ng Bulacan.

"Sabi niya, ‘Lolo!’ We call each other ‘Lolo,’ kasi, barkada kami.

“Sabi ko, ‘Kooks, hindi ba, barkada tayo? Boyfriend mo iyong best friend ko. Kayong dalawa na, wala akong pakialam sa inyo.’

“Last month, nag-message si Kookie, sa FB, ‘Bro, kapatid, si Mon [Villarama], nasa Europe. I’m bored, kain tayo ng lunch.’

Continue reading below ↓

“Sabi ko, ‘Kook, hindi puwede iyan. Best friend ko ang syota mo, 'tapos kakain tayo sa labas? Manigas ka ulit!’

“Ganoon talaga.”

Friendly date lang naman iyon, ah?! Bakit parang binigyan niya ng malisya ang paanyaya ni Snooky?

“Hindi! Hindi! Hindi! Ang may malisya, tao!” pagmamatuwid ni William, na tinaguriang Kulit at Pabling.

“Kasi, para sa ibang tao, ‘Uy! Nagde-date sila!’ Unahan mo na, e.

"Kasi, matanda na ako. Alam ko na iyan, e. Sanay na ako.’

Ang Kooks, Kookie at Kook na tinutukoy ni William ay si Snooky, na tinatawag ding Kookay.

May gusto ba siyang maka-date nowadays sa showbiz?

“Ayoko na muna,” pag-iling ni William.

“Saka puro bata pa, e. Maraming bata, maraming maganda, pero sabi ko, huwag muna.

“Iyong ibang nakikilala ko, humihingi ng pan-load. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Di ba? Sabi ko, ‘Teka, wala akong cash!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

did maricel reject william for the general's daughter?

Ani William, matagal nang hindi sila nagkakausap ng dati niyang ka-love team na si Maricel.

Continue reading below ↓

“Si Maricel, she’s also Christian na rin. Maka-Diyos na kami pareho,” seryosong lahad ni William.

“Ang mind ko, hindi nag-iisip ng negative sa tao. Puro dapat accepted siya, puro may reason lahat.

“Di ba, may show siya sa Channel 2? So, supposedly, sasama dapat ako sa karakter ni Maricel.

“Channel 2 texted me, ‘Sir, gusto po ninyong sumama sa show? Makakasama ninyo si Maricel.’ Sabi ko, we’ll see.

“After one week, iba ang kinuha. Ako naman, tahimik lang ako.

"Ang ginawa ko na lang, I saw my dad—kasi si Albert, kasama sa teleserye—ano ngang teleserye iyon?”

The General’s Daughter, kung saan kasama sa cast ang kapatid ni William na si Albert Martinez.

“Iyon! So, anyway, I talked to my dad. Naitanong kung anong nangyari sa TV show na iyon.

“Sabi ko, ‘OK lang, I understand.

"Kasi, kumbaga, maybe si Lord, sinabihan si Maricel na huwag tanggapin ako.

"Kasi, at the time, I wasn’t feeling well. Hindi pa ako ready na gumawa ng mga role na ganoon.

Continue reading below ↓

"So, anyway, at that time, sabi ko, ‘Lord, thank You. Maybe You used Maricel as an instrument.’

“Kung iyong ibang tao, kung hindi ganoon ang mind ko, magagalit ako—tinanggihan ako ng kapareha ko. It’s OK, I understand her.”

May away, tampuhan o samaan ba sila ng loob ni Maricel?

“Wala. Wala. Matanda na kami. Pambata lang iyon.”

Wala na raw silang komunikasyon ni Maricel mula nang maholdap si William noong Nobyembre 2010.

ON EX-WIFE YAYO AGUILA

Nasa cast din ng pelikulang Mia ang ex-wife ni William na si Yayo Aguila.

Friends ba sila?

“Iyong mga anak namin kasi... hindi mo puwedeng awayin iyong asawa mo, ang ex-wife mo,” saad ni William

“Basta, ang point lang diyan, we separated in 2007, matagal na kaming hiwalay, mga 12 years na. Twelve to 13 years na.

“Basta, nasa kanya iyong mga anak ko lahat, e. So, wala akong choice, e. I live alone.”

Continue reading below ↓

Pareho silang sumubok na makipagrelasyon sa iba.

“Si Yayo, nag-try siya, nag-try rin ako, pero hindi kami happy pareho,” pag-iling-iling ni William.

“Para kaming dalawang ibon na naghiwalay, naghanap ng match namin, hindi nagma-match.

“One time, my children talked to me, ‘Papa, wala ka bang bagong girlfriend?’

"Sabi ko, ‘Anak, ayoko na muna. Kasi, I tried pero hindi nagwo-work.’

“Sabi ng mga anak ko, ‘Papa, si Mama, ayaw na ring mag-boyfriend.’

"Sabi ko, ‘Bakit ayaw niya?’ Kasi, naghahanap din siya, pero hindi siya happy.

“Sabi ko, ‘Anong point ninyong dalawa?’ Iyong mga anak ko, naka-smile sila. ‘Papa, kapag may okasyon, magsama-sama tayo.’

“Sabi ko, ‘Hindi na puwede, mga anak. Kumbaga, when your mama and I are together, para kaming may sili sa puwet. Hindi makapagtabi!’

“OK na. Maybe the love has died.”

May pag-asa bang mabuhay muli ang namatay na pag-ibig?

Napangiti si William, “Huwag ka nang umasa. Basta, pag patay na, patay na. Huwag mo nang buhayin pa.

Continue reading below ↓

“Baka mangamoy-bangkay!”

Bukas ang PEP.ph sa panig ng mga nabanggit ni William sa artikulong ito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
William Martinez on possible reconciliation with ex-wife Yayo Aguila: “Huwag ka nang umasa. Basta, pag patay na, patay na. Huwag mo nang buhayin pa. Baka mangamoy-bangkay!”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results