Is Pia Wurtzbach dating entrepreneur Jeremy Jauncey?

by Jet Hitosis
Jan 4, 2020
Months after breaking up with race-car driver Marlon Stockinger, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (left) is now being linked to Beautiful Destinations founder-CEO Jeremy Jauncey (right).
PHOTO/S: @piawurtzbach, @jeremyjauncey on Instagram

Halos isang buwan matapos niyang kumpirmahin ang kanyang pakikipaghiwalay sa race-car driver na si Marlon Stockinger, nakatagpo na nga ba ng bagong pag-ibig si Pia Wurtzbach sa katauhan ng travel editor-entrepreneur na si Jeremy Jauncey?

Kinikilig ngayon ang maraming fans ng Miss Universe 2015 dahil sa nababalitang pagkakamabutihan nila ng Scotland-born model at professional traveler.

Naniniwala ang fans na magkasamang sinalubong nina Pia, 30, at Jeremy, 34, ang bagong taon habang nagbabakasyon sa isang isla sa Indonesia.

Ibinatay ng netizens ang kanilang suspetsa sa malaking pagkakapareho ng mga Instagram posts nina Pia at Jeremy sa nakalipas na mga araw.

January 1 nang mag-post si Pia ng litrato ng kanyang “First breakfast of 2020” habang nasa pampang ng isang isla.

Seksing-sexy ang beauty queen sa suot niyang red two-piece swimsuit, bagamat hindi niya tinukoy sa caption kung nasaan siya.

View this post on Instagram

First breakfast of 2020 ??

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach) on

Sa post ni Jeremy nitong December 31, ibinahagi niya ang drone shot ng paradise island na Bawah Reserve sa Indonesia.

Continue reading below ↓

Sa caption, sinabi ni Jeremy na ang isla “will be home for the next week.”

Ni-like nina Pia at Jeremy ang posts ng isa’t isa.

Pero ang mga litrato nina Pia at Jeremy sa kani-kanilang Instagram Stories ang nagbigay-daan sa hinala ng netizens.

Nagkataon kasing pareho ang background ng kani-kanilang selfies nitong nakaraang Huwebes, January 2.

Continue reading below ↓

May pictures din sila ng sinasakyang bangka—na nagkataon namang magkapareho rin.

Continue reading below ↓

Maging ang pagkakatulad ng sunglasses nina Pia at Jeremy ay napansin din ng eagle-eyed fans.

A “VERY SPECIAL” NEW YEAR’S EVE TRIP FOR JEREMY

Nauna rito, sa Instagram post ni Jeremy nitong December 8, idinetalye niya ang mga huling lugar na pupuntahan niya bago matapos ang 2019.

Ang paglilibot ng dating rugby player ay bahagi ng kanyang trabaho bilang founder at Chief Executive Officer (CEO) ng social media-savvy creative agency na Beautiful Destinations.

Continue reading below ↓

Bukod dito, travel editor-at-large rin si Jeremy ng Asia Tatler.

Sa naturang post, binanggit ni Jeremy na sa New York City ang huling destinasyon ng kanyang team bago siya umuwi sa Edinburgh para roon mag-Christmas, “and on to a very special New Year’s Eve trip.”

At press time, kapwa wala pang reaksiyon sina Pia at Jeremy sa pagli-link sa kanila ng netizens sa isa’t isa.

PIA-MARLON BREAKUP

December 5 nang unang iulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hiwalay na sina Pia at Marlon, 28 anyos.

Tumagal din ng halos tatlong taon ang kanilang relasyon.

Ayon sa pahayag sa PEP.ph ng business manager ni Pia na si Rikka Infantado-Fernandez, September pa natuldukan ang matagal nang on-and-off na relasyon ng dalawa.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Months after breaking up with race-car driver Marlon Stockinger, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (left) is now being linked to Beautiful Destinations founder-CEO Jeremy Jauncey (right).
PHOTO/S: @piawurtzbach, @jeremyjauncey on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results