Nadine Lustre breaks silence on rumored breakup with James Reid

by Nikko Tuazon
Jan 5, 2020
On January 5, Sunday, Nadine Lustre breaks silence on rumored breakup with James Reid, and calls out entertainment editor Ricky Lo for using "someone’s mental situation/tragic past just to prove a point."
PHOTO/S: @nadine Instagram

Kinondena ng aktres na si Nadine Lustre ang artikulong isinulat ng beteranong entertainment editor and columnist na si Ricky Lo para sa The Philippine STAR.

Sa artikulo, kinumpirma ni Ricky ang balita ni Jojo Gabinete sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hiwalay na sina Nadine at James Reid.

Umalis na rin umano si Nadine sa tinitirhan nila ni James sa Quezon City, at kasalukuyang nakatira ang 26-year-old Kapamilya star sa isang posh condominium sa Makati City.

Sa printed edition ng artikulo, sinabing maingat at maayos daw ang pagdala ni James ng breakup dahil umano sa "mental illness" ni Nadine.

Ang isinulat ni Ricky: "James is handling the breakup with care to cushion the impact on Nadine who has admitted grappling with mental illness."

Tinanggal ang bahaging ito sa online edition ng pahayagan na lumabas din noong Sabado, January 4.

Kaninang umaga, January 5, inilabas ni Nadine ang saloobin sa kanyang Instagram Stories. Inalmahan niya ang paggamit sa term na "mental illness."

Continue reading below ↓

Mainit na pahayag ni Nadine: "First off, that was so low @therealrickylo @philippinestar.

"Second, none of what you said was true & It is NEVER okay to use someone’s mental situation/tragic past just to prove a point. Mental Illness is a very sensitive matter.

"& last, you think you know so much abt me, you can’t even get my last name right. ANU NA, 2020 NA!!"

Continue reading below ↓

Sa kanyang pagsagot, ito na rin ang unang beses na nagsalita si Nadine tungkol sa rumored breakup nila ni James.

Samantala, kinontak na PEP.ph si Ricky Lo para kunan siya ng pahayag tungkol sa reaksiyon ni Nadine, ang naging sagot ng beteranong kolumnista sa text: "No more comment from my end. Thanks."

Noong January 1 unang lumabas sa PEP.ph ang balitang naghiwalay na sila ni James dahil sa "irreconcilable differences."

Una namang lumabas ang balitang nagli-live in na sina James at Nadine noong 2017, at nitong March 2019 ay kinumpirma ito ni James.

Noong February 11, 2016 opisyal na naging magkarelasyon sina Nadine at James. Noong February 20, 2016 naman nila ito unang kinumpirma, sa kanilang concert na Jadine In Love.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On January 5, Sunday, Nadine Lustre breaks silence on rumored breakup with James Reid, and calls out entertainment editor Ricky Lo for using "someone’s mental situation/tragic past just to prove a point."
PHOTO/S: @nadine Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results