Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

KC Concepcion apologizes to mom Sharon Cuneta for not showing up at Megastar's birthday bash in ASAP

by Bernie V. Franco
Jan 6, 2020
KC Concepcion apologizes to mom Sharon Cuneta for not making it to the Megastar's birthday celebration on ASAP.
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram

Nag-sorry si KC Concepcion, 34, sa inang si Sharon Cuneta dahil hindi ito nakadalo sa 54th birthday celebration ng Megastar sa ABS-CBN musical-variety show na ASAP Natin 'To nitong Linggo, January 5, 2020.

Ngayong Lunes, January 6, ang talagang kaarawan ni Sharon.

Sa ASAP, nagkaroon ng star-studded birthday production number para kay Sharon, kung saan kasama niyang nag-perform ang kapwa Kapamilya stars and singers katulad nina Regine Velasquez, Judy Ann Santos, Sarah Geronimo, Martin Nievera, at Gary Valenciano.

Nagpunta rin ang pamilya ni Sharon: ang asawang si Senator Kiko Pangilinan, ang mga anak nilang sina Frankie at Miel na nag-perform din, at ang bunsong si Miguel.

Kapansin-pansin na si KC lang ang kulang.

Si KC ay anak ni Sharon sa una niyang asawang si Gabby Concepcion.

KC SAYS SORRY TO HER MOM

Sa kanyang Instagram account nitong Linggo, isang mensahe ang ipinaabot ni KC para sa ina.

Binanggit ni KC na hindi siya nakadalo dahil sa personal na kadahilanan.

Continue reading below ↓

Humingi rin siya ng sorry sa anumang pagkukulang niya sa ina.

Kalakip ang throwback photo nilang mag-ina, ito ang pahayag ni KC:

“Happy birthday, mama. [heart emoji]

“I’m sorry I couldn’t join the ASAP celebration for personal reasons.

“We may not be perfect, but in the many ways I know how to LOVE you, I have, I do and I always will.

“I have done all I can to help you when I could and to make you proud knowing you had me so young.

“If I fail, I’m only human and I’m sorry.

“But I try my best. Happiest birthday to you mama.

“May your light shine brighter and brighter and I will see you soon.

“I love you and pray for your happiness always. [praying, sparkle, heart emojis]”

Continue reading below ↓

NETIZENS REACT TO SHARON’S STATEMENT AND POST

Kapansin-pansin naman ang hindi pagbanggit ni Sharon sa pangalan ni KC sa kanyang speech sa ASAP.

Bahagi ng kanyang pahayag: “Thank you, Frankie, Miel, and Miguel for giving importance to Mama, and loving me, and being respectful and kind, grateful children.

“Ipinagdarasal ko rin lahat ng aking mga anak... na sana, lumaki kayo na nakatapak ang mga paa sa lupa.

“Huwag nakalilimot sa pagmamahal ng magulang, at sa lahat ng nagawa ng mga magulang ninyo sa inyo.”

Napansin ng mapagmatyag na netizens ang mga naging pahayag ni Sharon sa ASAP, maging ang caption niya sa Instagram na binanggit ang mga pangalan nina Frankie at Miel, pero hindi si KC.

Sa Instagram ay nag-post si Sharon ng collage ng isang video at photo.

Makikita rito ang interaction ng Megastar sa kanyang fans, at ang larawan kung saan kasama niya sina Liza Soberano, Enrique Gil, Martin Nievera, at mga anak na sina Frankie at Miel.

Continue reading below ↓

Sa bahagi ng caption, binanggit ni Sharon ang kanyang "daughters" na sina Frankie at Miel, pero hindi si KC.

Ani Sharon sa caption: "[W]ith my beautiful daughters who REALLY love me to the moon and back, Kakie and Miel..."

Komento ng netizens, tila pinasaringan ng Megastar si KC dahil sa hindi nito pagsipot sa birthday celebration ng ina.

Continue reading below ↓

Pinuna rin ng netizens si Sharon dahil sa mga pasaring at pagpaparinig nito kay KC, kaya naba-bash ito.

Narito ang ilang komento ng netizens:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Mayroon din namang mga komento na kumakampi kay Sharon at sinabing nagpapakatotoo lamang ang Megastar sa kanyang nararamdaman.

Ayon naman sa ilan, masyado lang mahal ni Sharon si KC kaya nasaktan ito na wala sa espesyal na araw niya ang panganay na anak.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-ina sa ganitong isyu.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion apologizes to mom Sharon Cuneta for not making it to the Megastar's birthday celebration on ASAP.
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results