Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Jomari Yllana says relationship with Priscilla Almeda will be his last

by Arniel C. Serato
Jan 6, 2020
Jomari Yllana on reconciliation with Priscilla Almeda: "[Siguro] nababalik lang, bumabalik. And we share a lot of stories sa isa’t isa and yung love hindi naman talaga nawala.”
PHOTO/S: Arniel Serato

Nagpaunlak si Jomari Yllana na samahan ang live-in partner na si Priscilla Almeda sa isang bahagi ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), para sa isang serye ng PEP Confessions, tungkol sa showbiz comeback ng aktres.

Naganap ang panayam sa isang restaurant sa Evia Lifestyle Center, Las Piñas City, noong December 28, 2019.

Unang nagkaroon ng relasyon sina Jomari at Priscilla—na kilala noon sa pangalang Abby Viduya—noong kapwa pa sila teenager nung kalagitnaan ng dekada ’90.

Nitong 2019, o pagkalipas ng mahighit dalawang dekada, ay nagkabalikan sila.

Continue reading below ↓

Si Priscilla na ba ang gustong makasama ni Jomari hanggang sa pagtanda?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Humahalakhak na sagot ni Jomari habang katabi si Priscilla, “Oo, may edad na kami, e! Oo naman.”

Pagsang-ayon naman ni Priscilla, “Oo, totoo.”

Pareho nang 43 years old sina Jomari at Priscilla sa kasalukuyan.

LOVE IS LOVELIER THE SECOND TIME AROUND

Naniniwala ba si Jomari sa kasabihang "love is lovelier the second time around"?

Tugon ng actor-politician, “Ako, I believe na kami yung type na hindi tumitingin sa regrets ng buhay.

“Kung siguro iku-combine mo yung pinagdadaanan ni Abby at saka yung pinagdadaanan ko—sa buhay, ha, in life, e—punung-puno siya ng… colorful, maraming masaya.

“Maraming hindi masaya sa mga pinagdaanan talaga.

“Kami yung tipo ng tao na paggising sa umaga, kapag kami nagkausap, kung anuman yung mga pinagdaanan naming hindi maganda, kami siguro yung tipo na kaya naming gawing positive ang nakaraang negative.

“Siguro ako, naniniwala ako, sa ganun talaga kami nagkakasundo, e.

Continue reading below ↓

"We bring out the best in each other.

“So, para sagutin ang tanong mo kanina, oo, it’s lovelier.”

Ayon pa sa konsehal ng Parañaque City, hindi nawala ang pagmamahalan nila para sa isa't isa kahit nagkaroon na sila ng kanya-kanyang buhay.

Saad ni Jomari, “Totoo naman, e. Looking back, I don’t know kung paano mo ipa-package yung relationship, yung kabataan namin.

“We were too young, but definitely we were feeling something for each other.

“And it was nice. And siguro nababalik lang, bumabalik.

“And we share a lot of stories sa isa’t isa, and yung love hindi naman talaga nawala.”

Si Jomari ay annulled na ang kasal sa aktres na si Aiko Melendez. Mayroon silang isang anak, si Andre Yllana.

Hiwalay na rin si Jomari sa dating ka-live in na si Joy Reyes, kung saan mayroon siyang dalawang anak na lalaki.

Si Priscilla ay hiwalay na rin sa non-showbiz guy na karelasyon nito noon pang September 2018. Mayroon silang dalawang anak na babae.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jomari Yllana on reconciliation with Priscilla Almeda: "[Siguro] nababalik lang, bumabalik. And we share a lot of stories sa isa’t isa and yung love hindi naman talaga nawala.”
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results