Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Julie Anne San Jose not closing doors on renewing friendship with Alden Richards

by Rachelle Siazon
Jan 7, 2020
Julie Anne San Jose on teamup with Alden Richards for the pilot telecast of All-Out Sundays: "We're actually aware kung may sasabihin man yung ibang tao."
PHOTO/S: Noel Orsal
ILLUSTRATION: Rachelle Siazon

Hindi man sila maituturing na magkaibigan ngayon, siniguro ni Julie Anne San Jose na maayos ang trato nila ni Alden Richards sa isa't isa.

Lalo na nang pangunahan nila ang opening number ng All-Out Sundays (AOS), ang bagong GMA-7 Sunday musical-variety show na nag-pilot nitong January 5, 2020.

"We're okay. We're civil," bungad ni Julie Anne.

"Nung nire-rehearse namin yung production number, okay naman kami."

Kung sakali, may pag-asa bang maging magkaibigan sila ni Alden ngayong madalas silang magkakatrabaho?

Bahagyang napaisip muna ang dalaga bago sumagot ng "I guess. We'll see."

Patuloy ni Julie Anne: "A lot of things can happen in a year. I don't know what's gonna happen in the future.

"Only God knows. He can twist things around.

"As for me, madaming mga bagay na mangyayari for me when it comes to my work, I claim it.

"Yung mindset ko this year, it's gonna be a year of breakthroughs talaga."

Continue reading below ↓

Dati nang co-hosts ang dalawa sa defunct Sunday comedy-variety show na Sunday PinaSaya (SPS), pero ngayon lang daw sila nagkaroon ng mas mahabang interaction.

"Before, nung SPS, never kaming nagkaroon ng chance mag-usap or whatever," paliwanag ng Kapuso singer-actress.

"Walang chance kasi andami... May mga skits kami, may production numbers. Busy din kami sa ibang stuff.

"We would only see each other twice a week kasi may technical rehearsals ng Saturday, kinabukasan live show.

"Bonus na lang kung mag-tape as live."

Sa ngayon, "chill" at "good vibes" lang si Julie Anne sa pagtatambal nila ni Alden sa production numbers.

Ayaw lang niyang magsalita nang patapos nang tanungin kung mas mag-i-improve ang samahan nila ni Alden bilang magkatrabaho kapag tagal ng show.

"Uhm... I don't know. Hahaha! Hindi ko po alam isasagot ko, e.

"Basta, like, right now, I'm just focused muna being myself, being a solo performer."

Nakapanayam si Julie Anne ng piling entertainment reporters, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa GMA Network Studio pagkatapos ng All-Out Sundays (AOS) pilot telecast noong Linggo, January 5.

Continue reading below ↓

PAST ISSUE

Hindi kaila sa kani-kanilang fans na minsang naugnay sina Alden at Julie Anne dahil naging malapit sila sa isa't isa noong nagkatrabaho sila sa Party Pilipinas.

Sa ulat ng PEP.ph noong January 2013, nakasaad na tila nagsimulang tuksuhin sina Alden at Julie Anne nang magpalitan sila ng Christmas gifts noon.

Binigyan daw ni Alden ng neck pillow si Julie Anne, at chocolates naman ang regalo ng dalaga kay Alden.

Dagdag pa ritong nagkakatambal sila noon sa production numbers ng Party Pilipinas.

Sinabi rin noon ni Alden na hanga siya sa pagiging "mabait, genuine, at walang arte" ni Julie Anne, pero nilinaw ng aktor na hindi niya nililigawan ang dalaga.

Hanggang sa bigla na lang nagkatampuhan ang dalawa.

Hindi malinaw ang dahilan, pero napabalita noong humantong sa puntong hindi na nag-uusap ang dalawa at nag-unfollow-an pa sa Twitter.

Nagkaayos na lang sina Alden at Julie Anne nang magkatrabaho muli sila sa SPS noong 2015.

Continue reading below ↓

#YESTOJULIE, #NOTOjULIE TREND ON TWITTER

Balik sa present time, aminado si Julie Anne na hati ang reaksiyon ng netizens nang makita silang magkasama ni Alden sa opening number ng AOS.

Nag-trend ang hashtag "#YesToJulie" mula sa fans ni Julie Anne, at nag-trend din ang "#NoToJulie" mula sa fans na hindi pabor sa tambalang DenLie o Alden at Julie Anne.

Paggising pa lang daw ni Julie Anne noong Linggo ay nabasa na niya ang tweets ng netizens.

"I didn't know how to react kasi, 'Ano 'to?' Chineck ko yung mga tweets, yung mga hashtags, yun ang trend."

Napapangiting sabi na lang ni Julie Anne, "Yun na yun. Dun na lang tayo sa yes, huwag na tayo sa no."

Hindi raw pinepersonal ng dalaga kung anuman ang opinyon sa kanya ng ibang tao.

"We're actually aware kung may sasabihin man yung ibang tao.

"Even ako, kahit wala akong ginagawa, may gawin ako, may masasabi at masasabi yung ibang tao."

Continue reading below ↓

Pareho raw sila ni Alden na gusto lang pagbutihan ang kanilang trabaho.

"At the end of the day, it doesn't really matter to me... I love doing my job.

"Gusto lang namin maging maganda ang production number."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose on teamup with Alden Richards for the pilot telecast of All-Out Sundays: "We're actually aware kung may sasabihin man yung ibang tao."
PHOTO/S: Noel Orsal
ILLUSTRATION: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results