Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Rayver Cruz weighs in on Janine Gutierrez's controversial tweet against Bong Revilla

by Rachelle Siazon
Jan 7, 2020
Rayver Cruz on Janine Gutierrez: "Siyempre nandito naman ako palagi parati para sa kanya, e."
PHOTO/S: @rayvercruz Instagram

Inalo raw ni Rayver Cruz ang girlfriend niyang si Janine Gutierrez nang mabatikos ang aktres dahil sa pag-alma nito sa pagbabalik-telebisyon ni Senator Ramon "Bong" Revilla Jr.

Naging kontrobersiyal ang two-word tweet ni Janine na "Oh God" kontra sa anunsiyo ng GMA-7 na mapapanood na muli si Bong sa programang Agimat Ng Agila simula ngayong 2020.

Ang talent manager ni Bong na si Lolit Solis ay nagpakawala ng maaanghang na salita laban sa umano'y pagtuligsa ni Janine sa senador.

"Siyempre nandito naman ako palagi parati para sa kanya, e," saad ni Rayver.

Nang humarap sa media reporters si Rayver, nais sana niyang umiwas sa "issues na hindi naman konektado" sa All-Out Sundays.

Pero maya-maya pa ay nasabi niyang puno siya ng paghanga sa paninindigan ni Janine sa personal nitong pananaw sa isyu.

"Yeah, because lahat naman ng tao may kanya-kanyang opinion. Di mo naman... kahit sino sa atin...

"Yun lang nakaka-proud sa kanilang magkakapatid, kasi kaya nilang tumayo sa sarili nila.

Continue reading below ↓

"Magagaling silang magkakapatid. Silang apat, very well-raised," tukoy ni Rayver kay Janine at sa mga kapatid nitong sina Jessica, Maxine, at Diego.

Dugtong ng Kapuso actor, "Yun ang mga tipo ng taong iniidiolo mo growing up."

NO TO BASHERS

Sa mga bumabatikos kay Janine sa social media, naniniwala si Rayver na art of deadma ang katapat ng mga mapanirang netizens.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Sa tinagal ko na dito, hindi mo na papansinin yung mga ganun.

"Kung may magandang sabihin sa 'yo yung mga tao, nakakatuwa.

"Pero kung sobrang pangit naman sasabihin sa 'yo, bakit mo hahayaang maapektuhan?

"Basta alam mo nagtatrabaho ka nang maayos, nag-e-enjoy ka sa ginagawa mo. Every day na gising ka, blessed ka, bakit ka magpapaapekto?"

JANINE-BONG ISSUE

Noong kasagsagan ng Janine-Bong isyu, sinabi ni Lolit na hindi tamang kontrahin ni Janine ang pagbabalik-showbiz ni Bong gayong wala pa raw maipagmalalaking box-office hit o top-rating show ang dalaga.

Paalala ni Lolit, bilang artista ay umaasa lang din daw si Janine sa pagtangkilik ng mga tao para umalagwa ang showbiz career nito.

Continue reading below ↓

Sabi ng talent manager ni Bong, "How can she be so cruel for a second chance to a co actor like Bong without even thinking if not for the goodness of people she won't be where she is today."

Mabilis namang ipinagtanggol si Janine ng ina nitong si Lotlot de Leon.

Masakit man daw ang makitang binabatikos si Janine, sinabi ni Lotlot na ipinagmamalaki niya ang anak dahil "hindi kabawasan ng pagkatao" ang magbigay ng opinyon "lalo na kung nasa tama naman."

Pati si Sandy Andolong, asawa ni Christopher de Leon, ay umalma sa pagbatikos kay Janine.

Lalo pa't tila wala naman daw intensiyong maging "cruel" ni Janine sa opinyon nito sa pagbabalik-telebisyon ni Bong.

Natapos ang isyu nang tanggapin ni Lolit ang pagkakamaling maliitin niya si Janine.

Sabi pa ni Lolit, "As I want people to respect my opinion, I will also respect theirs.

"At tulad ni Lotlot de Leon na nasaktan dahil sa anak niya na si Janine Gutierrez, para din akong isang ina kay Bong Revilla na nasaktan din."

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rayver Cruz on Janine Gutierrez: "Siyempre nandito naman ako palagi parati para sa kanya, e."
PHOTO/S: @rayvercruz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results