Rayver Cruz hands-off in Gerald Anderson-Julia Barretto issue

by Rachelle Siazon
Jan 7, 2020
Rayver Cruz mum on controversies involving his close friend Gerald Anderson and Julia Barretto, who are among the wedding guests of Rodjun Cruz and Dianne Medina's wedding: "Hindi talaga ako magsasalita about that. Kasi ang saya na ng wedding, e."
PHOTO/S: @rayvercruz / @cathygonzaga Instagram Stories

Hindi maiwasang tanungin si Rayver Cruz tungkol sa pagkakaugnay ng malapit niyang kaibigang si Gerald Anderson kay Julia Barretto.

Ito ay dahil sa maliit na sirkulo sa showbiz na ginagalawan ng mga ito.

Isa si Gerald sa guests nang ikinasal ang nakatatandang kapatid ni Rayver na si Rodjun kay Dianne Medina noong December 21, 2019.

Namataan si Gerald kasama si Rayver, kapatid ni Rayver na si Omar, at kaibigan ni Gerald na si Fred Payawan sa Manila Cathedral kunsaan ginanap ang wedding ceremony.

Pero ayon sa posts noon ni Gerald, hindi na siya sumunod sa wedding reception sa Sofitel Plaza Manila.

Continue reading below ↓

Sa wedding reception, namataan naman si Julia kasama ang kapatid nitong si Dani Barretto at mister ni Dani na si Xavi Panlilio. Kasama nila sa table sina Alex Gonzaga at IC Mendoza.

Hindi malinaw kung nagkrus ang landas sina Julia at Gerald sa kasal.

Sa parte ni Rayver, natatawa na lang ang Kapuso actor nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang komento nito kina Gerald at Julia, na nasa sirkulo ng mga kaibigan ng Kapuso actor.

Continue reading below ↓

"Hindi na siguro. Hindi na kailangang mag-comment pa diyan. Haha!" pa-safe na sabi ni Rayver.

"Kasi ano, e, ang nakakatawa kasi, yung mga friends ko, ganun ang nangyayari.

"'Tapos ako yung parang nagiging way niyo na para tanungin dun para bumalik yung issue."

Selebrasyon daw ng pagmamahalan nina Rodjun at Dianne ang mas pinagtuunan ng pansin ni Rayver.

"Hindi talaga ako magsasalita about that. Kasi ang saya na ng wedding, e.

"And nakita ko na andami nagmamahal sa kapatid ko.

"So all love."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rayver sa GMA Network Studio, pagkatapos ng pilot telecast ng All-Out Sundays noong Linggo, January 5.

GERALD, JULIA AT RAYVER'S 30TH BIRTHDAY

Nadawit si Julia sa kontrobersiyal na hiwalayan ni Gerald at ex-girlfriend nitong si Bea Alonzo noong July 2019.

Napabalita noon ang diumano'y panliligaw ni Gerald kay Julia kasabay ng paghayag ni Bea na walang sabi-sabi siyang iniwan umano ng nobyo.

Continue reading below ↓

Tampok ng espekulasyon ang pag-like ni Bea sa kumalat sa Instagram na litrato nina Gerald at Julia nang dumalo sila sa birthday ni Rayver.

JULIA, GERALD: WE'RE NOT AN ITEM

Pero mariing pinabulaanan noon ni Gerald na si Julia ang dahilan ng breakup nila ni Bea.

Ani Gerald, ang madalas na pag-aaway nila ni Bea ang naging mitsa ng pagkasira ng halos tatlong taon nilang relasyon.

Si Julia ay nanindigan ding "wala akong inahas, wala akong nilandi" dahil wala raw namamagitan sa kanila ni Gerald.

Nagkalapit ang dalawa nang magtambal sa pelikulang Between Maybes na ipinalabas noong April 2019.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rayver Cruz mum on controversies involving his close friend Gerald Anderson and Julia Barretto, who are among the wedding guests of Rodjun Cruz and Dianne Medina's wedding: "Hindi talaga ako magsasalita about that. Kasi ang saya na ng wedding, e."
PHOTO/S: @rayvercruz / @cathygonzaga Instagram Stories
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results