Joem Bascon remains vague about rumored reconciliation with Meryll Soriano

by Bernie V. Franco
Jan 7, 2020
Joem Bascon gives vague answer when asked about reports that he and Meryll Soriano got back together after a decade.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nausisa si Joem Bascon, 33, tungkol sa napababalitang muling pagkakamabutihan nila ni Meryll Soriano, 37.

Ito ay matapos mai-post nitong New Year ang family picture nina Meryll, kung saan katabi niya si Joem.

Sa farewell presscon ng Starla nitong Lunes, January 6, 2020, direktang inusisa si Joem sa diumano’y pagbabalikan nila ni Meryll.

Magkasama ang dalawa sa teleserye ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.

Hindi tinumbok ng aktor ang isyu.

Sagot ni Joem, “Very special for us ang Starla kasi sobrang andaming pagkakaibigan ang nangyari, bonded kami…

“So, meron kaming nabuong samahan ng mga pagkakaibigan.

“Even after kami na hindi nagti-taping, nagsasama kami, nagkikita kami minsan…”

Sabi pa ni Joem, nabuo ang espesyal na pagkakaibigan hindi lang sa kanila ni Meryll, kundi pati na rin ng ibang cast members.

“We get together.

“It’s very special for me, especially kasi sobrang tagal kasi naming ginawa ang Starla.

“Aaminin namin na talagang naging magbabarkada kami, naging masaya kami na magkakasama.”

Continue reading below ↓

Dahil walang signal sa kanilang location, ang pinaka-bonding daw nila ay pagkukuwentuhan.

Lahad ni Joem, “We’re just very happy, that’s why it’s very special for us, not just for me and Meme [palayaw ni Meryll].

“I guess I can speak for Judy Ann, also Tito Joel [Torre], and for everyone in the cast.”

Unang nagkatrabaho sina Joem at Meryll sa ABS-CBN primetime series na I Love Betty La Fea noong 2008-2009.

Nagkaroon sila ng relasyon, subalit pagkatapos ng isang taon ay naghiwalay sila.

Muli silang nagkatrabaho rito sa Starla.

Magkasama rin sila sa Metro Manila Film Festival 2019 entry na Culion.

Nagkuwento rin ang aktor tungkol sa set ng Betty La Fea, kung saan unang nabuo ang relasyon nila ni Meryll.

“And kung yung Betty La Fea, sasagutin ko din, special yun para sa akin, kasi it’s my first work for ABS-CBN, for Dreamscape.

“It’s one of my firsts, and special din yun kasi well-bonded yung grupo namin…”

Continue reading below ↓

Dagdag niya, “Kung may nabuo o kung ano, nabuo yung pagkakaibigan at pagmamahalan namin sa isa't isa.

“At yun, tini-treasure naming lahat yun, magkakasama even after [the teleserye].”

Samantala, bumati lang si Meryll ng "Happy New Year" nang mausisa siya tungkol sa kanila ni Joem.

Nito lamang December 2019 ay kinumpirma ni Joem ang paghihiwalay nila ng long-time girlfriend niyang si Crisha Uy.

Bukod sa pagsasama ng walong taon, naging live-in partners din ang dalawa.

Sa katunayan, sa interviews ni Joem sa simula ng 2019, nabanggit niyang nagpaplano na sana silang magpakasal ni Crisha.

Pero sa pagtatapos nga ng taon ay naghiwalay ang dalawa.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joem Bascon gives vague answer when asked about reports that he and Meryll Soriano got back together after a decade.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results