James Reid, Nadine Lustre hike Mount Ulap together despite rumored breakup

by Arniel C. Serato
Jan 7, 2020
James Reid and Nadine Lustre spend New Year with friends on Mount Ulap in Itogon, Benguet.
PHOTO/S: Courtesy: @jeriko.tan on Instagram

Malaking palaisipan ngayon sa netizens ang bagong larawan nina James Reid at Nadine Lustre na in-upload sa internet ng isang kaibigan ng dalawa.

Kuha ang larawan sa tuktok ng Mount Ulap, sa Itogon, Benguet.

Ito ay makalipas ang ilang araw pagkatapos iulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na break na ang dalawa.

Sa Instagram, nagbahagi ang kaibigan nina James at Nadine ng larawan nilang magkakaibigan sa summit ng Mount Ulap.

Nakalagay sa caption: “Started 2020 right. Great views and great company [heart emoji].”

Continue reading below ↓

NADINE SPEAKS UP ON RUMORED BREAKUP

Tila pinabulaanan naman ni Nadine ang napabalitang hiwalayan nila ni James sa Instagram Stories na ibinahagi nito noong January 5, 2020.

Ito ay bilang sagot ng aktres sa artikulo ni Ricky Lo, na nailathala sa The Philippine STAR, kung saan pinatotohanan ni Ricky ang report ni Jojo Gabinete sa PEP.ph na hiwalay na sina James at Nadine.

Ayon pa kay Ricky, umalis na rin umano si Nadine sa tinitirhan nila ni James sa Quezon City, at kasalukuyang nakatira ang 26-year-old Kapamilya star sa isang posh condominium sa Makati City.

Sa printed edition ng artikulo, sinabing maingat at maayos daw ang pagdala ni James ng breakup dahil umano sa "mental illness" ni Nadine.

Ang isinulat ni Ricky: "James is handling the breakup with care to cushion the impact on Nadine who has admitted grappling with mental illness."

Tinanggal ang bahaging ito sa online edition ng pahayagan na lumabas din noong Sabado, January 4.

Continue reading below ↓

January 5 ng umaga, Linggo, inilabas ni Nadine ang saloobin sa kanyang Instagram Stories.

Inalmahan niya ang paggamit sa term na "mental illness."

Bahagi ng post ni Nadine: “Second, none of what you said was true & It is NEVER okay to use someone’s mental situation/tragic past just to prove a point. Mental Illness is a very sensitive matter.”

Sa ngayon, nananatiling tikom ang bibig ni James tungkol sa balitang break na sila ni Nadine.

Pero may mga nagsasabi namang kahit hiwalay na ang dalawa, inaalalayan pa rin daw ni James si Nadine.

Hindi naman matanggap ng loyal JaDine fans ang balitang ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
James Reid and Nadine Lustre spend New Year with friends on Mount Ulap in Itogon, Benguet.
PHOTO/S: Courtesy: @jeriko.tan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results