Arci Muñoz hits back at netizen questioning her BTS fangirling trips

by Jet Hitosis
Jan 7, 2020
Arci Muñoz answers a netizen who questioned her BTS fangirling trips overseas: "It’s my hard earned money I do whatever I want with it. Bts makes me soooo happy."
PHOTO/S: @ramonathornes on Instagram

Sinupalpal ni Arci Muñoz ang ilang netizens na kumuwestiyon sa madalas niyang pagbibiyahe sa labas ng bansa upang personal na makita ang hinahangaang K-pop group na BTS.

Sa nakalipas na mga araw, ipinost ni Arci, 30, ang mga litratong kuha sa New York City ilang araw bago matapos ang 2019.

Sa New York sinalubong ng Kapamilya actress ang bagong taon, at dumalo pa siya sa Times Square 2020 Ball Drop, na bahagi ng taunang New Year’s Eve countdown.

Kabilang sa guests sa New Year’s Eve countdown ang iniidolo niyang BTS.

Sa Instagram post ni Arci nitong January 4, makikita ang litrato ng mga naiilawang New York skyscrapers.

Caption ni Arci: “The city that never sleeps but always dreams (cityscape, firework sparkler, fireworks emojis)”

Continue reading below ↓

Sa comment section, may nag-usisa tungkol sa madalas na pagbibiyahe ni Arci sa labas ng bansa.

Komento ng netizen (published as is): “How do you afford all these? Traveling every now and then,and fallowing them boys.. (person wearing turban, head massage, gender-neutral emojis)”

Sinagot siya ni Arci: “I work my ass off. Duh?!”

Continue reading below ↓

Para sa ilang fans ng actress-singer, maituturing na pang-iintriga ang tanong ng netizen.

Dahil dito, tinawag nilang “brave” ang sagot ni Arci.

Pero hindi nagustuhan ng ilang followers ng aktres ang naging sagot niya.

Sabat ng isa pang nagkomento, walang masama sa tanong ng netizen na “sounds like it came from amazement,” pero may bahid umano ng “rudeness” ang sagot ni Arci rito.

Continue reading below ↓

Sinagot ito ni Arci: “how is that rude answer?! Tell me?!”

Sinundan pa ito ng aktres ng isa pang komento.

“who the f*uck are you to tell me whut to and not to say?! Huh?!!” dagdag ni Arci.

Continue reading below ↓

Ilang komento ang sumegunda sa nagtanong na netizen at kinuwestiyon din ang madalas na pagbiyahe ni Arci sa abroad para puntahan ang events ng BTS.

Nang magsunud-sunod ang mga parehong komento, nagbigay na ng pinal na sagot ang aktres.

Komento ni Arci: “lemme get this straight. It’s my hard earned money I do whatever I want with it. Bts makes me soooo happy. Now, tell me how my answer seems so bad to ya?! Huh?! Tell me?!”

Continue reading below ↓

CERTIFIED BTS FAN

Bago nagpunta sa New York, nagtungo noong November si Arci sa Japan para sa fan meeting concert ng BTS sa Tokyo.

Noong October, nasa South Korea naman ang actress-singer para sa Love Yourself: Speak Yourself concert ng K-pop group sa Seoul.

Sinamantala na rin ni Arci ang pagkakataon para makabisita sa House of BTS, na nasa Seoul din.

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arci Muñoz answers a netizen who questioned her BTS fangirling trips overseas: "It’s my hard earned money I do whatever I want with it. Bts makes me soooo happy."
PHOTO/S: @ramonathornes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results