Kim Domingo thanks fans for respecting her decision to drop sexy image

by Jet Hitosis
Jan 8, 2020
Kim Domingo to her fans: “Salamat din sa respeto. Respeto sa naging desisyon ko. Respeto sa pagbabago na nais ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag mas madami na ang taong rumirespeto kesa bumabastos sayo."
PHOTO/S: @kimdomingo_ on Instagram

“Ganito pala ang pakiramdam kapag mas madami na ang taong rumirespeto kesa bumabastos sayo.”

Ito ang realization ni Kim Domingo nang pasalamatan niya ang fans na patuloy na sumuporta sa kanya noong 2019.

Ito ay sa kabila ng tumigil na sa pagpapa-sexy ang 24-anyos na Kapuso actress noong nakaraang taon.

Sa Instagram post ni Kim nitong Lunes, January 6, isinulat niya (published as is):

“Una sa lahat gusto kong magpasalamat sa mga biyayang natanggap ko nung 2019.

“Yung mga biyaya na mas madami pa sa inaasahan ko.

“Gusto ko din mag thank you sa mga taong hanggang ngayon sumusuporta sakin, nagmamahal.

“Kahit medyo nagbalot-balot nako andyan pa din. [grinning face with one large and one small eye emoji]

“Kayo ang patunay na hindi pisikal ang inyong minahal sa akin kundi kung ano talaga ako.”

KIM THANKS FANS’ SUPPORT

Sa kanyang post, nagpasalamat si Kim sa natatanggap niya ngayong respeto bilang isang aktres.

Continue reading below ↓

“Salamat din sa respeto.

“Respeto sa naging desisyon ko.

“Respeto sa pagbabago na nais ko.

“Ganito pala ang pakiramdam kapag mas madami na ang taong rumirespeto kesa bumabastos sayo.

“Mas masarap pa kesa sa feeling ko noon nung mga panahon na pinagpipyestahan ako ng mga tao dahil sa pisikal na naipapakita ko sa madla.”

Pero pinasasalamatan din naman ng aktres ang mga taong naka-appreciate sa sexy image niya noon.

“Pero gusto ko din mag thank you sa mga taong yun dahil kung hindi din dahil sakanila walang Kim Domingo [smiling face with smiling eyes emoji]”

Ayon kay Kim, kabilang ang kanyang fans na nag-i-inspire sa kanya “para pagbutihin ko pa ang aking mga ginagawa.”

Continue reading below ↓

FROM SEXY ACTRESS TO CELEBRITY VLOGGER

Sa naturang post, inanunsiyo rin si Kim na nagsimula na siyang mag-vlogging.

April noong nakaraang taon nang ihayag ni Kim na hindi na siya tumatanggap ng sexy roles, at hindi na rin magsusuot ng mga revealing na damit.

Sinabi noon ni Kim na mas gusto niyang makilala siya ng publiko bilang isang drama actress.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Domingo to her fans: “Salamat din sa respeto. Respeto sa naging desisyon ko. Respeto sa pagbabago na nais ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag mas madami na ang taong rumirespeto kesa bumabastos sayo."
PHOTO/S: @kimdomingo_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results