Liezel Lopez lalo pang magpapa-sexy ngayong 2020

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Jan 8, 2020
"Ang wish ko this 2020 is sana mas mapakita ko pa ang aking sexiness! Ibig sabihin meron na 'kong goals for this 2020 na mas lalong galingan, mas magpa-sexy pa," pahayag ni Liezel Lopez tungkol sa goal niya ngayong taon.
PHOTO/S: @liezel.lopez Instagram

Challenge daw sa sarili na itinuturing ni StarStruck 6 alumna at Bubble Gang girl na si Liezel Lopez ang maipakita nang husto ang kanyang kaseksihan ngayong taon.

Nagpatikim na nga ng kanyang kaseksihan si Liezel nung nakaraang taon nang mag-post siya ng kanyang swimsuit photos sa Instagram.

Continue reading below ↓

Ngayong taon, tuluy-tuloy na sa kanyang sexy image si Liezel.

"Ang wish ko this 2020 is sana mas mapakita ko pa ang aking sexiness!

"Ibig sabihin meron na 'kong goals for this 2020 na mas lalong galingan, mas magpa-sexy pa," sabi pa ni Liezel.

Okey lang din daw 22-year-old Zambales native na mabigyan ng label as "sexy kontrabida," kagaya ng nag-iisang paborito niyang Kapuso na si Katrina Halili.

Continue reading below ↓

"Simula nung bata pa lang ako, siya na talaga yung number one kontrabida for me. Simula Darna, MariMar, part 1 and part 2. Siya na talaga yung ultimate," pahayag ni Liezel.

Nagpapasalamat din si Liezel sa mga break na ibinibigay sa kanya ng GMA-7.

Bukod sa regular na paglabas niya sa Bubble Gang, may sisimulan siyang teleserye kunsaan ipapakita niya ang kanyang galing bilang sexy kontrabida.

"Sobrang grateful sa GMA at binigyan ako at pinagkalooban ako, they trusted me with this project, and also I'm very excited to start nang mag-taping sa aming new show," excited na banggit ni Liezel.

Sa kanyang body measurement na 36-25-36 at sa kanyang makinis na balat, may tips si Liezel sa kababaihan.

"Drink more water lang, huwag masyadong magpuyat, quit bad habits [like] smoking, drinking...

"Minsan na lang po ako nagdyi-gym, but I still do it, more on cardio ako.

"More on diet talaga. No rice, ganyan. Ulam-ulam muna tayo, papak-papak."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang wish ko this 2020 is sana mas mapakita ko pa ang aking sexiness! Ibig sabihin meron na 'kong goals for this 2020 na mas lalong galingan, mas magpa-sexy pa," pahayag ni Liezel Lopez tungkol sa goal niya ngayong taon.
PHOTO/S: @liezel.lopez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results