Mayor Isko Moreno's son JD Domagoso dismisses possibility of becoming a presidential son

by Rachelle Siazon
Jan 8, 2020
JD Domagoso is proud of his father Isko Moreno's highly-publicized cleanup drive in Manila: "Because he got famous nga, people are having more hope sa paligid. Nagulat mga tao. Kaya pala gawin."
PHOTO/S: Noel Orsal / @jddomagoso Instagram

Ayaw ni Joaquin "JD" Domagoso, 18, na maging "presidential son" sakaling tumakbo at manalong presidente ng Pilipinas ang ama niyang si Manila Mayor Isko Moreno.

Ayon kay Isko—na ang tunay na pangalan ay Francisco Moreno Domagosoipinapasatadhana niya ang posibilidad na kumandidato siya bilang presidente sa 2022 elections.

Si JD ang middle child sa kanilang limang magkakapatid, kabilang sina Vincent Patrick, Frances Diane, Franco Dylan, at Drake Marcus.

"I dont want to. Ayoko. Ayoko ng bodyguard," todo-tangging saad ni JD, na napapikit at napahawak pa ng buhok sa isiping maaaring magbago ang kanyang buhay.

Kung ngayong anak siya ng alkade ay wala siyang bodyguard, sigurado raw na mahigpit ang security para sa anak ng isang presidente.

"I'm always with my managers naman, mga handler. May mga kasama naman ako," saad ni JD na bagong sabak sa showbiz.

"Pero siyempre, if you're a president's son, ang hirap na nun.

"Di na ako makakagalaw. Iihi pa lang ako, itsi-check na mga bathroom."

Continue reading below ↓

Nakapanayam si JD ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment reporters sa GMA Network Studio, pagkatapos ng pilot telecast ng All-Out Sundays, kunsaan isa sa mainstays ang binata, noong January 5.

disadvantages OF BEING MAYOR ISKO'S SON

Aware si JD sa tinatamasang popularidad ng ama niyang si Isko mula nang maihalal itong mayor ng Manila noong 2019 mid-term elections.

Laman ng balita noon ang pagbabago sa political landscape sa bansa nang bumagsak ang ilang kilalang political dynasties, kabilang ang mahigpit na kalaban ni Isko na si noo'y incumbent Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada."

Hindi rin kailang pumukaw ng atensiyon ang isinasagawa ni Mayor Isko na pagbabago ng mukha ng Maynila, kabilang na ang pagpapatalsik sa illegal vendors sa Divisoria commercial district.

May advantages ba ang pagiging anak ni Mayor Isko?

Sagot ni JD, "Hindi naman. Medyo nga natakot yung mga tao.

"Kasi si Papa... Nobody would like to be...

Continue reading below ↓

"Also dangerous din, e. People could follow me.

"Baka masaktan sila by being near me."

Hindi naman daw natatakot si JD sa kung anumang peligrong dala ng pagiging anak ng isang sikat na mayor.

Simpleng paliwanag niya, "Karma. Don't do anything bad. Wala iyang babalik."

Kaya raw "kalma" lang siya.

Isa pang pagbabago sa buhay ni JD na inaalala niya ay kailangan daw niyang mas mag-ingat sa pagkilala sa mga taong nakakasalamuha niya.

"Nakakatakot in a good way. Nakakatakot because Papa's getting famous.

"People might get close to you for bad reasons."

PROUD OF PAPA ISKO

Sa kabilang banda, ipinagmalaki ni JD ang mainit na pagtanggap ng mga tao sa mga proyekto ng kanyang ama sa first six months nito bilang mayor.

"Good, because he got famous nga, people are having more hope sa paligid. Nagulat mga tao. Kaya pala gawin.

"If you want tomorrow to change, you gotta do something about today. Yun ang laging sinasabi ni Papa.

Continue reading below ↓

"Priorities laging may time."

Aminado rin si JD na bilang anak ni Mayor Isko ay naku-curious din ang mga tao pati sa kanya.

"Enjoy naman. It gives me more dancing projects," nakangiting sabi ni JD, na gustong tahakin ang pagsasayaw ngayong nagsisimula siya sa showbiz.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JD Domagoso is proud of his father Isko Moreno's highly-publicized cleanup drive in Manila: "Because he got famous nga, people are having more hope sa paligid. Nagulat mga tao. Kaya pala gawin."
PHOTO/S: Noel Orsal / @jddomagoso Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results