Angelica Panganiban tweets about being imitated by someone she dislikes

Jan 8, 2020
To whom Angelica Panganiban addressed this cryptic tweet: “Giirrl, bakit ako ginagaya nung taong ayaw ko? Hahaha. Peg niya ko. Please send help.”
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram

May nanggagaya umano kay Angelica Panganiban—ang “taong ayaw” niya.

Ito ang nakasaad sa cryptic post ng 33-anyos na aktres sa Twitter nitong Martes, January 7, nang ihayag na “peg” siya ng isang tao na hindi niya pinangalanan.

Tweet ni Angelica: “Giirrl, bakit ako ginagaya nung taong ayaw ko? Hahaha. Peg niya ko. Please send help.”

Continue reading below ↓

IS IT A BLIND ITEM?

Ang ilan sa Twitter followers ng aktres, curious at totoong clueless kung sino ang tinutukoy niya sa kanyang tweet.

Pero ang iba, may idea kung sino ang pinatutungkulan ng Kapamilya actress.

Sumang-ayon ang isang fan sa observation ni Angelica, at sinabing “napansin” din niya ang umano’y panggagaya.

Continue reading below ↓

Mayroon namang nagkomento na “fan” marahil ng aktres ang nanggagaya, dahil mistulang “idol” nito si Angelica.

Continue reading below ↓

Comment naman ng iba pa, “inggit” ang gumagaya, o baka naman daw “bet ka niya din gamitin.”

Continue reading below ↓

Habang isang fan ang nagbanggit tungkol sa pagre-remake ng posts at Stories ni Angelica sa Instagram.

Continue reading below ↓

Sa kabila ng nakuhang sari-saring reaksiyon mula sa kanyang followers, hindi sinagot ni Angelica ang mga nagtatanong kung sino ang tinutukoy niya.

“BET NIYA YATA MGA PINAGLUMAAN KO”

Kalaunan, may nagkomento na hayaan na lang ni Angelica na “mamulubi sa kakagaya” ang tinutukoy sa tweet ng aktres.

May hugot ang sagot ni Angelica: “Pwede rin ako mag garage sale ng mga luma kong gamit. Tutal bet niya yata mga pinaglumaan ko. (peace sign emoji)”

Continue reading below ↓

Isa namang fan ni Angelica ang nagkomento ng litrato ng aktres na itinabi sa picture ng modelong si Trina Candaza.

Parehong nakasuot ng floral dress sina Angelica at Trina sa pinagtabing litrato, na may caption na “Angge impersonator (face with tears of joy emoji).”

Hindi nagbigay ng reaksiyon si Angelica sa naturang litrato.

Continue reading below ↓

Si Trina ang girlfriend ngayon ni Carlo Aquino, na ex-boyfriend ni Angelica.

Si Carlo naman ang huling lalaking na-link kay Angelica.

ANGELICA-CARLO-TRINA ISSUE

Noong 2018, umasa ang maraming fans nina Carlo at Angelica—binansagang CarGel—na magkakabalikan sila habang ginagawa ang pelikulang Exes Baggage, na ipinalabas nung September ng taong iyon.

Pero nagkaroon ng falling-out ang dating childhood sweethearts noong January 2019 nang maglabasan online ang mga litrato ni Carlo habang ka-date si Trina.

Hindi inilihim ni Angelica sa publiko ang sama ng loob niya sa 34-anyos na Kapamilya actor nang sumunod na mga buwan, hanggang tuluyan na silang hindi nag-usap.

October 2019 nang inamin ni Carlo sa isang TV interview na girlfriend na niya si Trina.

Sa parehong interview, kinumpirma rin ng aktor na si Trina ang dahilan ng pagtatapos ng pagkakaibigan nila ni Angelica.

Una nang sinabi ni Carlo na nag-sorry na siya kay Angelica sa mga nangyari.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
To whom Angelica Panganiban addressed this cryptic tweet: “Giirrl, bakit ako ginagaya nung taong ayaw ko? Hahaha. Peg niya ko. Please send help.”
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results