Judy Ann Santos says reunion project with Piolo Pascual "not impossible"

by Bernie V. Franco
Jan 8, 2020
In his verified Facebook account, Piolo Pascual posts a photo of him and former leading lady Judy Ann Santos. In a recent presscon, Judy Ann reveals her conditions before agreeing to a reunion movie with Piolo.
PHOTO/S: Piolo Pascual (Facebook) / Noel Orsal

Muling nagkrus ang landas ng dating onscreen partners na sina Judy Ann Santos, 41, at Piolo Pascual, 42, noong Linggo, January 5, 2020.

Nagkita ang dalawa sa ASAP Natin ‘To, ang noontime musical-variety show ng ABS-CBN.

Ipinost ni Piolo ang larawan nila ni Judy Ann sa kanyang verified Facebook account nitong Martes, January 7.

Bukod sa larawan nila ni Judy Ann, ibinahagi rin ng aktor ang kuha ng iba pa niyang nakasamang artistang sa ASAP.

Continue reading below ↓

JUDY ANN on BUMPING INTO PIOLO

Sa presscon ng Starla nitong Lunes, January 6, tinanong ng entertainment press kay Judy Ann ang nangyaring pagkikita nila ni Piolo sa ASAP Natin ‘To.

“Okay naman kami, e. Okay naman kami pag nagkikita naman kami.

“We’re okay,” matipid na sagot ng aktres.

Biniro rin si Judy Ann kung may posibilidad bang muli silang magtambal ni Piolo sa isang proyekto.

Nagbiro si Judy Ann na taon-taon na lamang ay tinatanong siya tungkol dito.

“In fairness, consistent every year natatanong sa akin iyan.

“Pagpasok ng taon, natanong na agad sa akin!” natatawang sagot ng aktres.

Pero seryoso niyang sabi, “It’s not impossible. It’s not impossible.

“Pero gaya nga ng nasabi ko, patagal nang patagal, nagiging kritikal yung istorya, kritikal yung latag…

“Kasi siyempre, everybody is looking forward to Piolo-Juday project.

“Everybody is looking forward to it.

“Habang tumatagal, syempre mas lalong nagiging kritikal ang materyal.

“So, yun lang… with a perfect project, right director, and perfect timing, bakit naman hindi?”

Continue reading below ↓

Ipinaliwanag din ni Judy Ann ang isang dahilan kung bakit hindi pa nangyayari ang muli nilang pagtatambal ni Piolo sa pelikula.

“Yun ang isa sa nakakatakot, kasi nag-e-expect sila magiging super blockbuster, e, paano kung hindi… kasi hindi tama yung material?

“Ang daming kailangan i-consider.

"I’m just not being selfish because I don’t want [to].

“Marami lang kailangan pa talagang i-consider,” saad ni Judy Ann.

PAST CONFLICT

Sina Piolo at Judy Ann ay naging tanyag na love team sa telebisyon at pelikula mula mid-'90s hanggang mid-2000.

Taong 2006 ay nag-reunite sina Piolo at Judy Ann sa pelikulang Don’t Give Up On Us at teleseryeng Sa Piling Mo.

Sinasabing naapektuhan ang relasyon nina Judy Ann at Ryan, na noon ay boyfriend pa lamang ng aktres, dahil sa muling pakikipagtrabaho ni Judy Ann kay Piolo.

Nagsalita noon si Piolo sa isang presscon at sinabing sana raw ay hindi siya nagiging dahilan ng alitan nila Judy Ann at Ryan.

Continue reading below ↓

Bilang reaksyon, naglabas ng official statement si Ryan at ipinahayag na hindi niya nagustuhan ang "pakikialam" ni Piolo sa relasyon nilang magkasintahan at tinawag niyang “ungentlemanly” ang ginawang pagsasalita ni Piolo.

Lumipas ang panahon, pero walang napabalitang nagkaayos na ang dalawa.

Gayunpaman, sa mga sumunod na interview nila, sinabi nina Piolo at Ryan na willing silang ayusin ang hindi nila pagkakaunawaan.

Sa mga sumunod na taon, laging tinatanong si Judy Ann at Piolo kung willing ba silang magkaroon ng reunion project.

Kabilang sa blockbuster movies nina Judy Ann at Piolo ay Esperanza: The Movie (1999), Kahit Isang Saglit (2000), Bakit ‘Di Totohanin (2001), at Till There Was You (2003), at Don’t Give Up On Us (2006).

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In his verified Facebook account, Piolo Pascual posts a photo of him and former leading lady Judy Ann Santos. In a recent presscon, Judy Ann reveals her conditions before agreeing to a reunion movie with Piolo.
PHOTO/S: Piolo Pascual (Facebook) / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results