Sharon Cuneta writes open letter to KC Concepcion: "Anak, huwag kang lumayo sa amin."

by Rachelle Siazon
Jan 9, 2020
Sharon Cuneta admits persistent mother-daughter feud with KC Concepcion: "I know you are in your 30s now and are free to do what you want. But if I hadn’t even bothered calling my Mommy when she was alive to tell her where I was going or what I was doing, I know she would’ve found it unforgivable, unacceptable."
PHOTO/S: @reallysharoncuneta Instagram

Emosyonal na naglabas ng hinanakit si Sharon Cuneta, 54, sa panganay niyang anak na si KC Concepcion, 34, dahil sa paglayo raw ng loob nito sa kanya.

Si KC ay anak ni Sharon sa una niyang asawa na si Gabby Concepcion.

Naging tampulan ng espekulasyon ang hidwaan sa pagitan ng mag-ina matapos magpatutsada si Sharon sa hindi pagdalo ni KC sa birthday tribute ng ASAP Natin 'To para sa Megastar noong Linggo, January 5.

May surprise live appearance roon ang mister ni Sharon na si Senator Francis "Kiko" Pangilinan, mga anak nilang sina Frankie at Miel, at adoptive son nilang si Miguel.

Nahalatang may tampo si Sharon kay KC nang naluluhang sabihin ng Megastar sa Kapamilya musical-variety show:

"Pasensiya na ho, medyo emotional ako kasi nagulat ako sa mga surprise.

"'Tsaka kasi, ang alam ko, apat ang anak ko, e."

Kapansin-pansing hindi binanggit ni Sharon ang pangalan ni KC.

Nagpatuloy na nagpasalamat si Sharon kina Frankie, Miel, at Miguel na nagpapahalaga, nagmamahal, at rumerespeto raw sa kanya.

Continue reading below ↓

Hiling pa ni Sharon, sana raw ay tularan ng tatlo niyang anak sina Sarah Geronimo, Regine Velasquez, at Judy Ann Santos na mga mabubuting anak kaya raw "blessed" ang mga ito.

Tila ito ang naging mitsa ng pagpapakawala ni KC ng malamang mensahe para kay Sharon sa pamamagitan ng isang Instagram post ilang oras matapos ang ASAP Natin 'To.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Lumalabas na lalong sumama ang loob ni Sharon kay KC.

Hindi raw maintindihan ni Sharon kung bakit kailangang sa social media pa niya malaman kung ano ang saloobin ng anak, sa halip na kausapin daw siya nito nang personal.

Sa kanyang Instagram post kagabi, January 8, ibinahagi ni Sharon ang kanyang open letter para kay KC, na ang buong pangalan ay Kristina Cassandra.

Bungad ng Megastar: "My Dearest Kristina, Thank you for posting this. I would have loved it most if I could have had a tight hug and heard a 'Happy Birthday, my Mama. I love you.'

Continue reading below ↓

"Or a beautiful heartfelt card like those you used to write me. Or a phone call. I even would’ve settled for a private text message.

"But I guess this came after my Birthday Celebration on A.S.A.P. last Sunday when I became more emotional because you, my eldest, weren’t there.

"I do not even have an idea where you are. I usually don’t."

Kasunod nito ang pag-amin ni Sharon na hindi pa rin lubusang maayos ang relasyon nilang mag-ina.

"I follow you on IG of course, but as your Mama I wish I didn’t have to find out where you are or what you’re doing at the same time as the public does.

"I haven’t really known for years now what has been going on with you, in your life, in your heart.

"I would think that the first person you would talk to would me your Mama.

"I feel that you have distanced yourself from us who truly love you, when we all hunger for our family to be complete.

Continue reading below ↓

"We are six in the family, my baby. And when we are only five, I never feel complete."

Bilang ina, hindi raw katanggap-tanggap ang hindi pagdalo ni KC sa mahahalagang okasyon sa kanilang pamilya, partikular na nitong nagdaang Christmas Day, New Year's Eve, at New Year's Day.

Hindi rin daw nakapiling ni Sharon si KC sa mismong 54th birthday ng Megastar noong Lunes, January 6, 2020.

Ang lalong ikinasama raw ng loob ni Sharon, huli na nang malaman niya kung bakit eksaktong hatinggabi ng December 25 dumating si KC sa kanilang family home para mag-Pasko.

Nauna na raw palang nagdiwang ng Noche Buena si KC sa bahay ng tiyahin ni Sharon na si Helen Gamboa.

"Since my childhood until the death of Tatay, and then Mita, I have NEVER spent a Christmas Eve, Christmas Day, New Year’s Eve, New Year’s Day, or any of their birthdays away from them.

"Sa pamilya natin, dapat sinasalubong ang Pasko at Bagong Taon ng magkakasama.

Continue reading below ↓

"At sana ang mga mahahalagang okasyon lalo ang mga milestones like Kakie’s High School graduation, kumpleto tayo.

"Family is all that matters, Tina."

Bakit hindi man lang daw nagpasabi si KC kung nasaan ito nag-Noche Buena.

Patuloy ni Sharon:

"We missed you at Christmas Eve dinner and only ate because it was too late and we were starving.

"And I only found out days after that you were at Mama Helen’s house the whole time.

"But we are thankful that you still were able to come before midnight. I needed comfort because it had been a truly not-so-happy season for me; a very sad one in fact.

"So I was happy that you came. It was a happy night for us all, di ba?"

Hanggang sa hindi nga rin daw nagparamdam si KC kung nasaan ito nang mga sumunod na okasyon.

"We missed you at Christmas lunch with the Pangilinans. We missed you on New Year’s Eve, on New Year’s Day, and I certainly missed you on my birthday.

Continue reading below ↓

"Where were you, anak? What were you doing? Why not even a text from you?

"I know you are in your 30s now and are free to do what you want.

"But if I hadn’t even bothered calling my Mommy when she was alive to tell her where I was going or what I was doing, I know she would’ve found it unforgivable, unacceptable."

Sa puntong ito, hindi napigilang banggitin ni Sharon ang positibong relasyon ni KC sa paternal half-siblings nito.

"Even your Papa, Gabby, has always been a good son and brother.

"You have embraced your half-sisters on your Pa’s side, Cloie and Gary, and are close to them.

"I know you have love for Kakie, Yellie and Gugie. Especially since you all came from my tummy, your first home, and Gugie was sent from heaven above.

"But they hunger for their Big Ate’s love. Your protection if and when they are bullied or mistreated, your loving ear when they need you to listen to whatever may be bothering them, and all those things little siblings need from their Ate.

Continue reading below ↓

"I myself hunger for the closeness we once had. We are just always here, waiting for you."

MOTHER-DAUGHTER DIFFERENCES?

Madamdamin ding inihayag ni Sharon na lubos ang pagmamahal niya kay KC, kahit may mga pagkakataong napagsasabihan niya ito sa kung anumang pagkakamali ng dalaga.

Pagsusumamo ng Megastar: "Anak, huwag kang lumayo sa amin.

"Kiko has loved and raised you with me since you were 9. Each of your sisters, and your brother, Dad - and I - crave a relationship with you.

"Buhay ko ang mga anak ko.

"Sure Kakie is my best friend because she talks to me the most and we are on the same wavelength. Pero even Miel and Miguel know na walang Ina na hindi mahal ang kanyang mga anak ng pantay-pantay.

"Kahit talikuran kayong lahat ng mundo, si Mama ang matitira.

"Siempre sasabihan ko pa rin kayo kung may mali kayong ginagawa, pero never ko kayong titigilang mahalin, bumaligtad man ang mundo, isa lang ang Mama ninyo. I love you very much, Kristina."

Continue reading below ↓

Diin pa ni Sharon, inaasam niyang mas madalas makapiling si KC.

"I missed you at ASAP. But I missed you more the next day, my actual birthday. And last Christmas Day, New Year’s Eve, New Year’s Day.

"I miss you too often nowadays, it seems. Because 99% of the time I have no idea where you are, what you’re doing, and more importantly, HOW you are."

Taliwas ito sa naunang mensahe ni KC na ginawa raw niya ang lahat upang iparamdam ang pagmamahal kay Sharon.

Base sa Instagram post ni KC, tila nagdamdam itong hindi man lang siya binanggit ng ina nang sabihin nito sa ASAP Natin 'To ang mga taong dapat tularan nina Frankie, Miel, at Miguel.

Lumalabas na pasaring iyon sa pagkukulang ni KC sa kanilang pamilya.

Pero ani KC, "I have done all I can to help you when I could and to make you proud knowing you had me so young.

Continue reading below ↓

"If I fail, I’m only human and I’m sorry."

on bashers' blame game

Sa pagpapatuloy ng Instagram post ni Sharon, inalmahan nito ang akusasyon ng netizens na kagagawan niya kung bakit naging tampulan ng espekulasyon ang hidwaan nila ni KC.

Diumano, ipinahiya raw ni Sharon si KC dahil sa mga binitiwang salita ng Megastar sa ASAP Natin 'To.

Gayong hindi na raw dapat ipinangalandakan sa telebisyon kung anuman ang isyu nilang mag-ina.

Depensa ni Sharon, ang hindi pagpaparamdam ni KC, mapa-phone call o text message, ang puno't dulo ng tampuhan nila.

Hindi raw maaalis sa kanya bilang ina na mag-alala kung ano na ang nangyayari sa buhay ng anak.

"Ang daming taong nakikialam at nagsasabi ng masasakit na salita sa social media when WALA NAMAN SILANG ALAM SA BUHAY NATIN NG ILANG TAON NA.

"They talk as if they live with us and believe their own out-of-this-world, very mean, even evil opinions to be facts. When it’s really so simple."

Continue reading below ↓

Dagdag ni Sharon sa kanyang postscript:

"At kayong mga walang magawa kundi siraan at sirain kaming mag-ina, bahala na ang Diyos sa inyo. Hindi kayo nakakatulong.

"Naaawa ako sa mga nanay nyo na nagpalaki sa inyo dahil parang di kayo natuto ng mabuti. Tigilan niyo na sana kami.

"Normal lang ang hanapin ng ina ang kanyang anak. Kundi nyo naiintindihan yon, that’s your problem, not ours."

SHARON VOWS "UNCHANGING LOVE" FOR KC

Masakit man para kay Sharon na may distansiya sa pagitan nila ni KC, hindi raw kailanman magbabago ang pagmamahal niya para sa anak.

"I felt obligated to post this because instead of a private text or call from you, you had posted your message and these mean people who have nothing better to do have written their own stories in their twisted minds and posted them as if they were the truth.

"This is all I have to say. I love you, very much. You are my eldest, my beautiful Kristina.

Continue reading below ↓

"The first to ever make me a Mommy and the first to allow me to feel all of its joys and rewards. Never mind the pain later. That’s normal.

"But I do miss you. I miss my baby. I miss you loving me with all your heart. I miss your presence in my life.

"We are your family. That will never change. I will be here, like I told you, loving you unconditionally no matter what.

"But allow your Mama some tears when my heart cannot hold them in any longer."

Sinagot din ni Sharon ang mensahe ni KC na hindi ito perpekto kaya may mga pagkukulang pa rin ito bilang anak.

"Come back to me, to us.

"And no - I am not stupid to expect any of my children to be perfect. You all deserve a good bonking-on-the-head every now and then, you gremlins!

"I don’t expect perfection. Just a bit of attention. Respect. Love. That’s all."

Continue reading below ↓

Hindi man daw alam ni Sharon kung ano ang nangyayari sa buhay ng anak, patuloy daw niyang ipinagdadasal ang kapakanan nito.

"Wherever you are, please take good care of yourself. And know that I pray for you every single day - sometimes a few times a day - for your protection, guidance and wisdom.

"And for God to embrace you whenever Mama cannot. I love you and miss you. I can’t say that enough. But I’ll end here."

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta admits persistent mother-daughter feud with KC Concepcion: "I know you are in your 30s now and are free to do what you want. But if I hadn’t even bothered calling my Mommy when she was alive to tell her where I was going or what I was doing, I know she would’ve found it unforgivable, unacceptable."
PHOTO/S: @reallysharoncuneta Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results