Yeng Constantino faces cybercrime rap; Surigao del Norte court issues arrest warrant for singer

by Arniel C. Serato
Jan 9, 2020
A Surigao del Norte court has issued a warrant of arrest for singer Yeng Constantino in relation to a cybercrime complaint filed against her by Dr. Esterlina Tan.
PHOTO/S: Arniel Serato

Naglabas ng warrant of arrest ang Regional Trial Court (RTC) ng Dapa, Surigao del Norte laban sa Pop Rock Royalty na si Yeng Constantino.

Ito ay kaugnay ng kasong cybercrime na isinampa laban sa kanya ni Dr. Esterlina Tan.

Nag-ugat ito sa controversial YouTube vlog na ibinahagi ni Yeng noong July 2019.

Sa kanyang vlog, inireklamo ni Yeng ang diumano'y delay at insensitive remarks ng pangunahing duktor na in-charge sa pagsusuri ng asawa ng singer na si Yan Asuncion sa Dapa Siargao Hospital.

Naaksidente si Yan matapos itong mag-cliff diving sa isang lagoon sa Siargao.

Pagkatapos nito ay nakaranas ang mister ni Yeng ng temporary memory loss.

Sa kanyang vlog, pinarunggitan ni Yeng ang doktor na si Esterlina Tan dahil tila wala raw ito sa hulog nang asikasuhin ang naaksidenteng asawa.

Kalaunan, niresbakan ng netizens si Yeng dahil sa pamamahiya nito sa attending physician ng asawa.

Dahil sa bashing na kanyang natanggap, humingi si Yeng ng dispensa sa doktora at sa iba pang nasaktan sa mga nasabi niya, kasunod ng pagbura ng kanyang YouTube vlog.

Continue reading below ↓

Pero hindi ito tinanggap ng Philippine Medical Association (PMA), ang grupo ng mga doktor na kinaaaniban ni Dr. Tan.

THE WARRANT OF ARREST

Ngayong hapon ng January 9, 2020, in-upload ng isang Chrismar Lumasag Mocorro sa Facebook page na OPPORTUNITIES FOR DOCTORS PH ang kopya umano ng warrant of arrest kay Yeng.

Sabi nito sa kanyang post: "Hello fellow doctors. This is posted with consent from Dr. Esterlina Tan.

"She is asking for help from the medical profession because there was no action to the said warrant dated December 12, 2019 for Ms. Yeng Constantino.

"This is a landmark case for cyberbullying and cybershaming for the medical profession and winning this case is a win for all of us. Any news for this?"

Naka-attach dito ang kopya ng order upang isyuhan ng warrant of arrest si Yeng— Josephine Eusebio Constantino-Asuncion—sa totoong buhay.

Nakasaad sa order na pirmado ni Presiding Judge Cesar B. Bordalba ng RTC Branch 31 ng Dapa at may petsang December 12, 2019:

Continue reading below ↓

"Upon a judicious examination and perusal of information, the records of preliminary investigation, including the affidavits and written statements, and other attachments to the information, the court finds probable cause to issue warrant of arrest.

"Let the Warrant of Arrest be issued to the apprehension of the above-name accused who is said to be residing at Quezon City and working at ABS-CBN Broadcast Center, Sgt. Esguerra Avenue cor. Mother Ignacia Street, Diliman, Quezon City.

"The bail bond posted is hereby fixed at P30,000.00.

"SO ORDERED."

Ang kasong nakasaad sa order ay "R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) in relation to Article 355 of the Revised Penal Code."


Continue reading below ↓

Naka-note naman sa order na bigyan ng kopya ang Chief of Police ng Quezon City.


Pero, makalipas ang ilang oras ay binura ng uploader sa Facebook ang mensaheng ito.


Continue reading below ↓

YENG CONSTANTINO CLUELESS ABOUT THE CASE

Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Erickson Raymundo ng Cornerstone Entertainment Inc. upang makuha ang kanilang pahayag tungkol sa kanilang talent na si Yeng.

Pero ayon kay Erickson, hindi pa niya nakakausap si Yeng ukol dito.

Ni-refer din niya kami kay Atty. Joji Alonso, ang kinuha nilang abugado para sa kasong ito ni Yeng.

Ayon kay Atty. Alonso, hindi alam ni Yeng na may isinampa palang reklamo si Dr. Tan laban sa kanya.

Ito ang buong pahayag ni Atty. Alonso na ipinadala niya sa PEP.ph ngayong Huwebes ng hapon:

"Our services were engaged at past 4pm today, to assist Ms Yeng Constantino - Asuncion.

"Our client was not aware of any case filed against her, until her attention was called because of a social media post.

"We are now looking into the claim of cyber libel against her."

Magbibigay raw sila ng karagdagang impormasyon sakaling makakuha sila ng konkretong impormasyon ukol dito.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A Surigao del Norte court has issued a warrant of arrest for singer Yeng Constantino in relation to a cybercrime complaint filed against her by Dr. Esterlina Tan.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results