Sharon Cuneta asks President Rodrigo Duterte to reconsider ABS-CBN franchise renewal

by Rachelle Siazon
Jan 9, 2020
Sharon Cuneta: "I pray that our dear President reconsiders his decision about ABS-CBN."
PHOTO/S: Noel Orsal / Presidential Communications Facebook

Diretsahang nanawagan si Sharon Cuneta kay Presidente Rodrigo Duterte na payagang i-renew ang prangkisa ng broadcast giant na ABS-CBN.

Sa March 30, 2020—o halos tatlong buwan mula ngayon—nakatakdang mag-expire ang ABS-CBN franchise.

Nito lang December 30, 2019, inihayag ng Pangulo na wala nang pag-asang makakuha ng lisensiya ang Kapamilya network para magpatuloy ang pagbu-broadcast nito sa telebisyon.

Iminungkahi pa ni Duterte na "ibenta" na lang ng mga may-ari ng ABS-CBN sa ibang negosyante ang kumpanya.

Ngayong Huwebes, January 9, hiniling ni Sharon na sana ay magbago pa ang isip ng Pangulo.

"So I'll just say this before saying goodbye—I pray that our dear President reconsiders his decision about ABS-CBN.

"Not just because I just renewed, I can always find a job.

"But everybody I grew up with here who have remained loyal to the station—and have grown up here, have learned from the school of hard rocks here, have become family, good friends—will lose almost everything they've built over the years."

Continue reading below ↓

Nagpahiwatig din si Sharon na sana ay hindi umabot sa puntong maibenta ang ABS-CBN sa ibang negosyante.

"And even those that might choose to stay... if indeed, you know... unfortunately goes that way, it won't be the same.

"So, I hope in my heart that our dear President reconsiders the thousands and thousands of Pinoys who have grown up here, learned the ropes here, that includes me."

Sinabi ito ni Sharon sa kanyang solo press conference na ginanap sa 9501 Restaurant sa 14th Floor ng ELJ Building, sa loob ng ABS-CBN compound, ngayong Huwebes, January 9.

Ito ay matapos pumirma ng kontrata ni Sharon para sa ABS-CBN reality show na Your Face Sounds Familiar, kunsaan isa sa judges ang Megastar.

Nagbalik-tanaw pa si Sharon sa ilang alaala niya noong una siyang napanood sa ABS-CBN nang ipinalabas sa network ang The Sharon Cuneta Show, 31 taon na ang nakararaan.

"Thank you me for welcoming me, along with ABS-CBN, here to my home that I am so proud to say I was already a part of when we didn't have this building yet.

Continue reading below ↓

"And my dressing room was Ma'am Charo's office which was already dilapidated and falling down before the renovations.

"And I'm so proud how far we have come. Thank you."

Marami sa current big bosses ng Kapamilya network ay nakilala na raw ni Sharon noong unang pasok niya sa ABS-CBN.

"I am proudest of all, kasi lumaki na ako dito.

"So, yung mga nakasama kong mas bata sa akin, kaedad ko noon, mga boss na ngayon.

"But a lot of them would still call me Inay... Everybody, they have good positions here, but when I'm here, it's like old times."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta: "I pray that our dear President reconsiders his decision about ABS-CBN."
PHOTO/S: Noel Orsal / Presidential Communications Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results