DJ Rico Robles is now engaged to former Adamson volleyball player Amanda Villanueva

by Jet Hitosis
Jan 9, 2020
Radio DJ Rico Robles and former volleyball player Amanda Villanueva get engaged at Shifen Old Street in Taipei, Taiwan on January 6, 2020.
PHOTO/S: @aamandavillanueva, @ricochismoso on Instagram

Engaged na ang radio disc jockey na si Rico Robles sa dating volleyball player na si Amanda Villanueva.

Nag-propose si Rico kay Amanda habang nagbabakasyon sila sa Taiwan nitong January 6, 2020.

Dalawang taon nang magkarelasyon sina Rico, 39, at Amanda, 27 anyos.

Sa sikat na tourist destination na Shifen Old Street sa Taipei, lumuhod si Rico habang inaalok ng kasal si Amanda.

Ito ang makikita sa litratong ipinost ni Rico sa Instagram nitong January 6.

Sa ikalawang picture, tampok ang ngiting-ngiting si Amanda habang suot ang kanyang engagement ring.

Caption ng DJ: “Isang tanong, isang sagot [engagement ring emoji]”

Continue reading below ↓

May sariling Instagram post din si Amanda tungkol sa engagement.

Sweet na sweet ang caption ni Amanda: “At a place where people make wishes, ours just came true. I do my future husband [heart emoji].”

Tumanggap ng pagbati mula sa kanilang mga kaibigan ang newly engaged couple, kabilang ang mula kina Jessy Mendiola, Gretchen Ho, Dani Barretto, Markki Stroem, at Rodjun Cruz.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Bumati rin kina Rico at Amanda ang kapwa engaged na rin sa kani-kanilang nobya na sina Matteo Guidicelli at TJ Monterde.

Continue reading below ↓

November 7, 2019 nang isapubliko ang engagement ni Matteo sa singer-actress na si Sarah Geronimo.

December 30 naman na-engage si TJ sa kapwa singer na si KZ Tandingan.

Si Rico ay DJ ng Monster Radio RX 93.1 at naging Pinoy Big Brother housemate noong 2006.

Dati namang player ng Adamson University Lady Falcons si Amanda.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Radio DJ Rico Robles and former volleyball player Amanda Villanueva get engaged at Shifen Old Street in Taipei, Taiwan on January 6, 2020.
PHOTO/S: @aamandavillanueva, @ricochismoso on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results