Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Sharon Cuneta surprised by rumors KC Concepcion and apl.de.ap are dating

by Rachelle Siazon
Jan 9, 2020
Sharon Cuneta (left) answers queries about KC Concepcion's breakup with Pierre Emmanuel Plassart and rumors of KC's dating The Black Eyed Peas rapper apl.de.ap (right photo, with KC ).
PHOTO/S: Noel Orsal / @itskcconcepcion Instagram

"What do you mean? Again, again, again. No, no, no. Can you ask me the question straight?"

Ganito ang bungad ni Sharon Cuneta nang tanungin kung nakarating na ba sa kanya ang balitang nagkakamabutihan ang anak niyang si KC Concepcion at ang international rapper-singer na si apl.de.ap.

Allan Pineda Lindo ang tunay na pangalan ni apl.de.ap, na kilalang miyembro ng American hip-hop group na The Black Eyed Peas.

Noon pang Disyembre 2019 sinasabing namataang magkasamang lumalabas sina KC, 34, at apl.de.ap, 45.

Liban pa ito sa pagkikita ng dalawa sa isang event noong October 2019, at kapansin-pansin umano ang pagiging malapit ng mga ito.

Aware ba si Sharon sa usap-usapang nagdi-date sina KC at apl.de.ap?

"No. But, I have a lot of respect for apl.de.ap," nasorpresang sagot ng Megastar.

Patuloy niya: "See? I don't know what's happening to my daughter—in her life.

"Uhm, that's a surprise to me, so I don't know what to say.

Continue reading below ↓

"But I have a lot of respect for apl. He's a good person.

"I just wish I heard it from her—if it's true."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Sharon matapos ang presscon para sa kontratang pinirmahan niya sa ABS-CBN, Huwebes ng hapon, January 9.

ONGOING RIFT WITH KC

Hindi kaila sa publiko na may kasalukuyang tampuhan sina Sharon at KC.

Kagabi, January 8, inamin ni Sharon na nagdadamdam siya sa anak dahil makailang-beses daw na hindi nagpakita si KC sa ilang family gatherings nitong nagdaang holiday break.

Lalo pang sumama ang loob ni Sharon nang hindi niya muling nakapiling si KC sa kanyang 54th birthday noong Lunes, January 6.

Hinaing ni Sharon, "90 percent" of the time ay hindi raw niya alam kung ano ang nangyayari kay KC dahil hindi ito nakikipag-communicate sa kanya.

Noon lamang daw hatinggabi ng December 25 dumating si KC sa kanilang family home para mag-Pasko.

Continue reading below ↓

Pero wala rin daw pagkakataong makapag-usap sila ni KC noon.

Sabi pa ni Sharon sa PEP.ph, "I didn't even know that she wasn't coming December 31. We didn't know.

"And I didn't know we weren't gonna see her the next day.

"So, I'm worried lang what she might be going through. It's not like her, e."

Naiintindihan naman daw ni Sharon na posibleng dala lamang ng pagiging independent ni KC ang hindi nito pagsabi kung anuman ang pinagdadaanan nito.

Pero hindi pa rin daw sapat na rason iyon upang ilayo ng anak ang loob sa kanilang pamilya.

"Siguro, kasi she's older. As we grow older, maybe you feel less need to consult with your parents.

"But, in our family kasi, kahit pinagdaanan ko rin yun, hindi pa rin nawawala yun.

"You always have to pay respects to your parents. Give them the respect na letting them know where you are, how you are, who you're with."

Continue reading below ↓

Paalala pa ni Sharon, walang katapusan ang pag-aalala ng isang magulang sa anak nito.

"Ayoko na lang yung makikita ko na lang sa diyaryo kung ano yung nangyari sa anak ko, di ba?

"Kung, God forbid, may masamang nangyari, may aksidente, or something. Things like that ba.

"Tsaka anak ko siya. I want to know. They're my kids.

"Until I'm 80—kung buhay pa ako ng 100, di ba... Until I'm 80 and they're 60-something, they're still be my kids."

KC AND PIERRE BREAKUP

Tinanong din ng PEP.ph si Sharon kung mas maganda ang relasyon nilang mag-ina noong panahong boyfriend pa ni KC ang French businessman na si Pierre Emmanuel Plassart.

Tila mas madalas kasing nagkaka-bonding noon sina KC at Sharon, na bukas sa pagsasabing aprubado nito si Pierre bilang nobyo ng anak.

Pero paglilinaw ni Sharon, walang kinalaman si Pierre sa relasyon nilang mag-ina.

"Actually, hindi naman dahil kay Pierre. Close ako kay Pierre. 'Tapos close din ako kay KC independently.

Continue reading below ↓

"'Tapos tuwang-tuwa ako nung sila, kasi second time around na nila, and we really thought it was going there finally."

Pero sa halip na mauwi sa kasal, pumutok ang balitang hiwalay na sina KC at Pierre mid-2019.

Hindi naman sinabi ni Sharon kung kailan eksaktong natapos ang relasyon nina KC at Pierre.

Sabi lang ng Megastar, "So, I miss Pierre because he's a good person. Just like I miss Aly."

Ang tinutukoy ni Sharon na Aly ay si Aly Borromeo, retired football player at ex-boyfriend din ni KC.

NO OTHER CONFLICT WITH KC

Sa puntong ito, tinanong ng PEP.ph kung may iba pang posibleng dahilan kung bakit malayo ang loob ni KC kay Sharon.

Paglilinaw ng Megastar, wala silang ibang problema ni KC kundi ang pagiging masyadong independent ng anak.

"No. Because she's in her 30s na. She has her own life to live.

"All I'm asking for is... yung pinost ko na lang, di ba? If you read it, you'll see naman."

Continue reading below ↓

Ito nga raw ang hindi pagpaparamdam ng anak at hindi nito pagdalo sa mga mahahalagang okasyon sa kanilang pamilya.

Sina Frankie at Miel ang dalawa pang dalagang anak ni Sharon sa second husband niyang si Senator Francis "Kiko" Pangilinan. Mayroon din silang adoptive son na si Miguel.

Sa huli, iginiit ni Sharon na pantay-pantay ang kanyang pagtingin at inaasahang paglalambing mula sa apat niyang anak.

"I think, paglaki rin nila Frankie, they will have their own lives also.

"But I believe Miel and Frankie will always make it a point to let me know what they're doing, how they are.

"Nami-miss ko lang yung kailangan ako ng anak ko. Yung minsan hinahanap ako ng anak ko. Yun ang nami-miss ko.

"Pero wala akong pinalaking batang masama."

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta (left) answers queries about KC Concepcion's breakup with Pierre Emmanuel Plassart and rumors of KC's dating The Black Eyed Peas rapper apl.de.ap (right photo, with KC ).
PHOTO/S: Noel Orsal / @itskcconcepcion Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results