Ai-Ai delas Alas explains why she is against same-sex marriage

by Arniel C. Serato
Jan 9, 2020
Ai-Ai delas Alas on same-sex relationships: "Wala akong against sa pagmamahalan ng same-sex, oo naman siyempre, nadaanan ko lahat iyan at alam niyo yun... yun lang kasal ang hindi ako pabor."
PHOTO/S: Noel Orsal

Suportado ni Ai-Ai delas Alas ang pagbasura ng Supreme Court sa petisyong gawing legal ang same-sex marriage sa Pilipinas.

Tuluyang ibinasura ng Kataastaasang Hukuman ang same-sex marriage petition na inihain sa kanilang sala nitong January 6, 2020.

Kaagad na ni-repost si Ai-Ai ang Instagram post ng Katolikong Pinoy na sumusuporta sa desisyon ng Korte Suprema.

Nilagyan lamang niya ito ng “praying” emoji.

Continue reading below ↓

Sa grand media launch ng pinagbibidahan niyang pelikulang D’Ninang kagabi, January 8, diretsahang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Comedy Queen ukol dito.

Paliwanag ni Ai-Ai, “Kasi, di ba, ako, okey lang sa akin ang magmahalan ang same-sex. Pag-ibig yun, e.

“Pero, di ba, nasa Bibliya yun, na ang babae para sa lalaki, ang lalaki para sa babae.”

Nilinaw rin ng Kapuso star na hindi siya tutol sa same-sex relationship, lalo pa't hindi naman nito itinatanggi na naranasan na niyang magkarelasyon sa kapwa babae.

Saad ni Ai-Ai: “Wala akong against sa pagmamahalan ng same sex, oo naman siyempre, nadaanan ko lahat iyan, at alam niyo yun.

“Alam niyo yun, open naman ako sa inyo.

"Yun lang kasal ang hindi ako pabor.

“Pero yung sa relationship, okay ako diyan, pagmamahalan iyan, e.”

AI-AI NEVER ATTENDS SAME-SEX UNION

Marami ring kaibigan si Ai-Ai na miyembro ng LGBT community.

Natatawang sabi niya, “Planguk. Shoklatey, mga tibamberbey, pak!”

Continue reading below ↓

Suportado raw ni Ai-Ai ang mga relasyon ng mga kaibigan niyang gays and lesbians.

Pero kapag kinumbida siya sa mga same-sex union nila, hindi raw siya pumupunta.

Ayon sa 55-year-old actress, “At saka sa totoo lang, ha, totoo ito, pag mga bumblebee o mga juklatey na sabihin, ‘Uy, ninang ka sa kasal namin,’ umu-oo ako, pero hindi ako uma-attend.”

Sinasabihan niya daw ang mga ito na, “Di ako naniniwala diyan, pero mahal ko kayo, kaya eto ang pakimkim, ito ang chorva,’ ganun.”

Hindi naipaliwanag ng papal awardee kung paano naging mali ang pagsuporta sa pagpapakasal ng mga nagmamahalan ngunit tama ang pagsuporta sa kanilang relasyon.

Masaya naman ang salubong ng 2020 kay Ai-Ai dahil ipalalabas na sa January 22 ang pinagbibidahan niyang pelikulang D’Ninang.

Kasama niya rito sina Joey Marquez, Kisses Delavin, McCoy de Leon, Kelvin Miranda, Angel Guardian, Lou Veloso, at Kiray Celis.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on same-sex relationships: "Wala akong against sa pagmamahalan ng same-sex, oo naman siyempre, nadaanan ko lahat iyan at alam niyo yun... yun lang kasal ang hindi ako pabor."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results