Watch Now

Kiray Celis on ABS-CBN franchise renewal issue: "Hindi na po nagma-matter sa akin."

by Arniel C. Serato
Jan 10, 2020
Kiary Celis is now a certified Kapuso after signing a 10-year management contract with GMA Network.
PHOTO/S: Noel Orsal

Malaking usapin ngayon ang tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Ikinababahala ito maraming taga-TV industry dahil lagpas dalawang buwan na lamang ay mapapaso na ang 25-year franchise to broadcast ng Kapamilya Network sa March 30, 2020.

Hindi pa rin natatalakay sa Kongreso at Senado ang mga panukalang batas ukol sa pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN.

May ilang celebrities na rin ang umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte na ikunsidera nito ang bantang haharangin ang franchise renewal ng broadcast giant.

Kabilang sa mga ito sina Sharon Cuneta at Yeng Constantino.

Bilang dating Kapamilya, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiray Celis ng kanyang opinyon ukol dito nang makausap namin siya sa grand media launch ng pelikulang D’ Ninang noong Miyerkules, January 8.

Sa ABS-CBN nagsimula ng kanyang karera sa showbiz si Kiray, pero ngayon ay nasa bakuran na siya ng GMA-7.

Ayon sa 25-year-old Kapuso comedienne, “Naririnig ko, pero hindi na ako ang tao na magsalita pa dun since wala naman na ako sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi na po nagma-matter sa akin.

“Siguro problema na po nila yun, I think.”

Pero umaasa siyang maayos ito upang walang mawalan ng trabaho.

Saad ni Kiray, “Pero sana masolusyonan kasi may nagtatrabaho sa kanila.

“Nakakalungkot kapag mawala yun siyempre.”

KIRAY SIGNS 10-YEAR CONTRACT WITH GMA

Lagpas isang taon na si Kiray sa GMA-7.

Lumipat siya sa Kapuso network mula sa ABS-CBN noong December 2018.

Wala raw pagsisisi si Kiray sa kanyang naging career move at masasabi niyang blessing in disguise ito.

Saad niya, “Sobra, super, super.

"Hindi ko kasi napansin na wala akong ginagawa sa ABS kasi nagmu-movies ako every time, e.

“Lagi akong may ginagawang pelikula kaya feeling niyo rin… nakikita niyo naman ako, visible naman ako.

“Kaso, napansin ko na wala talaga akong ginagawang show.

"Puro guesting lang sa [It's] Showtime, ganun, mga guesting-guesting lang.

"O kaya kapag nagpu-promote lang ako ng pelikula kaya nakakapag-guesting ako sa mga shows nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya lang, wala talaga akong ginagawang trabaho.

“'Tapos na-realize ng parents ko na, ‘Teka, wala kang ginagawa.’

“'Tapos noong una, natakot ako, kasi sabi ko, ‘Di ko naman kailangan.’

"Sabi ko, ‘Okay na ako dito.’

"Sabi ko, ‘May ginagawa naman ako,' yun nga nagpepelikula ako.

“Sabi ni Mama, ‘Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.’

“Saka sabi niya, ‘Hindi mo naman habol yung fame, e.’

“Totoo naman, sinasabi sa inyo 'yan, yung pagsikat."

Patuloy ni Kiray, “Kailangan ko talaga, pera.

"Kasi sobrang vocal ko sa lahat ng tao na kaya ako nagtatrabaho para matulungan ko yung family ko talaga.

“It’s really for the money. Importante talaga sa akin yung pera.

“Well, sino ba naman sa atin ang hindi nagtatrabaho para magkaroon ng pera?

“So, yun, napunta ako sa GMA.”

Masayang-masaya raw si Kiray bilang Kapuso kaya pumirma na siya ng kontrata sa network.

“Sobrang happy ko talaga. Sobrang saya, sobrang bait nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And nag-sign na ako for ten years.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiary Celis is now a certified Kapuso after signing a 10-year management contract with GMA Network.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results