Coleen Garcia gives update on Nadine Lustre: "She's in a good place ngayon."

by Bernie V. Franco
Jan 10, 2020
Coleen Garcia (left) on Nadine Lustre (right): “Actually, she’s in a good place ngayon. Maganda ang simula ng 2020 niya.”
PHOTO/S: Noel Orsal / @nadine on Instagram

Ibinahagi ni Coleen Garcia na masaya at maayos ang lagay ni Nadine Lustre sa gitna ng napababalitang hiwalayan ng huli at ni James Reid.

Sa press preview ng pinagbibidahang pelikula ni Coleen na Mia sa Fisher Mall, Quezon City, nitong Huwebes, January 9, hiningan siya ng entertainment press ng update tungkol kina Nadine at James.

Ayon kay Coleen, tumawag sa kanya si Nadine noong araw ring iyon para magpasalamat at humingi ng sorry.

“Oo, kanina lang. Nag-congratulate siya sa akin para sa movie,” aniya.

Noong January 1, 2020, pumutok ang balitang hiwalay na sina James at Nadine—mas kilala sa tawag na JaDine.

Kinontra ito ng JaDine fans at idiniing magkasama pa ang dalawa sa pagsalubong sa New Year.

Kinumpirma ni Coleen sa isang press conference noong January 3, Biyernes, na kasama nila ng asawang si Billy Crawford sina Nadine at James noong New Year’s Eve.

Nagpasalamat daw si Nadine kay Coleen dahil dito.

Continue reading below ↓

“Nag-thank you siya, ‘tapos nag-sorry din siya,” nangingiting sabi ni Coleen.

Nag-sorry raw si Nadine dahil nadamay siya sa isyu.

“Kasi siyempre, di ba, wala naman kasi ako sa lugar para sumagot sa mga tanong na ganito, di ba?

"So, nag-sorry din naman siya.”

Pero wala raw itong kaso kay Coleen dahil kaibigan niya si Nadine.

“Okay naman, I mean, I’m her friend.

“I understand may mga ibang tao lang kasi na they don’t understand, na nao-overwhelm sila.

"But, I mean, I guess the fact na sanay na rin tayo sa ganito, okay lang naman yun."

Patuloy niya, “Nakita niya, e, nakita niya, napanood [ang interview ko].

“She just thanked me lang. Sabi niya lang, ‘Thank you.’”

Kumusta na si Nadine?

Sagot ni Coleen, “She’s very happy.

“Actually, she’s in a good place ngayon.

“Maganda ang simula ng 2020 niya.”

Kumusta naman si James?

"Okay din naman. I mean, they have the whole Careless thing going on also and that's doing really well."

Continue reading below ↓

Ang Careless Music ay ang independent music label ni James.

Bukod sa pagsasama nina James at Nadine noong New Year, kamakailan ay ibinahagi ng isang kaibigan nina James at Nadine sa social media ang larawan ng dalawa at ilang kaibigan na nag-hike sa Mt. Ulap sa Itogon, Benguet.

NADINE SPEAKS UP ABOUT THE BREAKUP ISSUE

Nagsalita na rin si Nadine tungkol sa sinasabing breakup nila ni James, pero hindi siya nagdetalye tungkol dito.

Noong January 5 ay nag-post ng reaksiyon sa Instagram si Nadine sa isinulat ng veteran entertainment editor na si Ricky Lo.

Sa kanyang report, kinumpirma ni Ricky ang report ni Jojo Gabinete sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hiwalay na ang JaDine, pero maingat daw ang pagdadala ni James sa breakup nila dahil sa “mental illness” ni Nadine.

Bahagi ng sagot ni Nadine kay Ricky: “none of what you said was true…”

Sa kanyang sagot, mas binigyang diin ni Nadine ang “mental illness” na tinuran ng batikang manunulat.

Continue reading below ↓

Ani Nadine: “It is NEVER okay to use someone’s mental situation/tragic past just to prove a point. Mental Illness is a very sensitive matter.”

Samantala, nananatiling tahimik si James tungkol sa balitang hiwalay na sila ni Nadine.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coleen Garcia (left) on Nadine Lustre (right): “Actually, she’s in a good place ngayon. Maganda ang simula ng 2020 niya.”
PHOTO/S: Noel Orsal / @nadine on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results